===========================   

"Will you marry me?"

Hindi pa nakontento si Pierre at lumuhod pa ito habang karga pa rin si Miguel sa isang braso nito. May kinuha ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon nito. Isang red velvet box. Dahan-dahang binuksan ni Pierre ang maliit na kahon at bumungad sa kaniya ang isang diamond ring na may malaking bato sa gitna.

Napanganga siya sa kaniyang nakita. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakahawak ng alahas. Lalo na ang isang mamahaling singsing na gaya ng hawak ni Pierre.

"So, my cherè.... What's your answer?"

Hindi siya makapagsalita agad.

"Naghihintay na kami ni Miguel sa sagot mo." sabi nito sabay tingin kay Miguel na mahimbing na natutulog sa bisig nito. Napatingin din siya sa hawak niyang si Daphne. Mukhang alam ng anak niya ang katanungan sa isipan niya dahil binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti.

Umaliwalas ang mukha niya sabay sabi ng "Yes! I'll marry you, Pierre."

"Yes!" mahinang hiyaw ni Pierre. Lumapit io sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse kasama si Madam Adele, Keery at Sandra.

"Ano yung Yes na naririnig ko." tanong ni Madam Adele sa salitang french.

"Danica said yes to my Marriage proposal mama." excited na pagbabalita ni Pierre sa ina nito.

"Fèlicitations!" (Congratulations!) wika ng Ginang.

"Ayyeeeiii!" magkanabay na wika nina Sandra at Keery.

"Nurse," tawag ng donya sa Nurse "gusto ko munang makarga ang mga apo ko bago ‘nyo sila kunin. Maari ba?"

Nagkatinginan ang dalawang Nurse "limang minuto lang po Madam. Kailangan na kasing magpahinga ng babies." wika ng isang Nurse.

{Authors POV}     

           LUMIPAS ang tatlong araw at naka-uwi na rin si Danica kasama ang kambal mula sa hospital. Nahihirapan pa rin itong mag adjust sa bagong sleeping habits nito. Nagpapasalamat na lang si Danica at tumutulong sina Keery at Sandra sa pagaalaga sa mga bata tuwing umaga para makapagpahinga naman siya. Bumalik na rin sa trabaho si Pierre, pero pinipilit pa rin ng lalaki na makasama silang tatlo. Hindi pa puwedeng lumabas ang mga kambal dahil mahina pa rin ang mga resistensya nito, kaya sa loob na lang sila ng bahay nagsasaya kasama ang kambal. Si Madam Adele naman ay naging masayahin na mula nang dumating ang mga kambal sa bahay nila.

{Story begins}

              “Ungaaaahhhh! Ungaaaaahhh!!! Ungaaaahh!!!”

Nagising si Danica sa kaniyang pagkakatulog dahil sa ingay ng kambal mula sa reciever sa kaniyang kuwarto. Nagmamadali siyang nagsuot ng roba bago lumabas ng kuwarto. Nakasalubong niya si Pierre na kakalabas lang din ng sarili nitong kuwarto. Magtatanong na sana siya dito kung nagising ba ito ng kambal ng itinaas nito ang ikalawang reciever ng baby monitor. Pareho silang magulo pa rin ang buhok na pumasok sa babies room.

Dinaluhan niya agad si Daphne na ‘di mahinto sa kakaiyak.

Si Pierre naman ay nilapitan si Miguel.

Pareho palang basa ang diapers ng dalawa. At mukhang oras na rin ng mga itong uminom ng gatas. Dahil kambal ang naging anak niya ay kinailangan pa rin niyang bumili ng formula dahil hindi niya kayang magpa breastfeed ng dalawang bata sabay-sabay.

Matapos mapalitan ng bagong diaper si Daphne ay umupo siya sa rocking chair at pinag hele ito. Ang mga mata niya ay na kay Pierre na hindi pa rin tapos sa pagpapalit ng diaper ni Miguel. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa kaniyang nakikita. Nung una niyang makilala si Pierre ay wala siyang naramdaman dito. Ngunit sa paglipas ng panahon hindi na niya namalayang uniti-uni na pala siyang nahuhulog dito. Hindi naman ito mahirap mahalin dahil unang-una, ito na ata ang pinaka maalalahaning taong nakilala niya. Siguro dahil mas matured si Pierre sa kaniya sa edad nitong trenta.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now