Halos di magkanda ugaga ang lahat. Ang lahat ay nagmamadali, pilit namin tinatanggal dahan-dahan ang bakal na naka saksak sa kanya nang bigla ay may sumigaw na meron daw inaatake sa puso sa di kalayuan.

Nagulat ako sa sigaw na iyon at napabigla ang hugot ko sa bakal dahil para sumirit ng malakas ang dugo nito.

Kaagad na pinigilan iyon ni Dr, Xander at binalutan ng benda ang katawan pero patuloy pa rin ang pagdurugo.

"Doc, bumababa ang yung bp niya!" sabi ni Xander sa akin.

Gusto ko sana makita kung nasaan ang dahilan ng pagdurugo sa katawan niya pero hindi ko magawa dahil natalsikan ang mga mata ko ng dugo niya.

"Nurse Ann! Pakipunasan ang mata ko!" kaagad na lumapit si Nurse ann sa akin para pilit na tanggalin ang nakasagabal na dugo sa paningin ko

""Okay na po Doc."

"Okay, thank you!" sabi ko at susubukan ko sana na pigilan ang pagdurugo

Pero... Bumaba ang tingin ko sa nanginginig kong mga kamay.

Nasa ganun akong sitwasyon ng makaramdam ako ng takot at muli ay naalala ko ang pasyente kong namatay. Bumalik sa isipan ko yung nangyari dahilan para

Unti unti ay umaatras ako at parabang nawala ang matapang na Doctor na si Blade. Napalitan ng Doctor Blade na duwag!.

Sa gitna ng ka guluhan ay dumating ang isang napaka galing na Doctor at pinagmamasdan niya si Blade, nang makita ang takot sa mga mata ni Blade ay nagsuot niya dorctor's gown at saka lumapit, sa duwag na binatang doctor.

"Your useless and coward! Get out and I'll take care of it!" singhal ng lalaking naka black shades and doctors gown sa akin

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon at nainis pero totoo naman ang sinasabi niya kaya tumabi ako.

"Teka! Sino ka ba?! Doctor ka ba dito para pakeilaman mo yung pasyente?!" galit na sabi ni Doctor Xander

"Oo, dahil ako si Dr Santiago! Narinig mo ba ako?!" singhal niya kay Xander at muling ibinaling sa'kin ang tingin "Tumabi ka kung wala kang gagawin!"

He look's familiar?

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang hinhiwa ng scalpel ang katawan ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko yung lalaking nakasalubong ko, ngayon ko lang na realize na siya yun.

"Ikaw yon!" bulong ko pero hindi niya ako narinig

"Wow nahanap niya agad yung pinagmumulan ng dugo ang galing niya!"

"Oo nga ang galing sino siya?"

"Santiago apilido niya, may Santiago ba na Doctor dito?"

"Ah, Oo naalala ko na! Siya umuwi na daw ng maynila yung isa na naiwan sa mga millitar! Baka siya yun? Baka siya si-"

Pagkatapos mahanap ang pinagmumulan ng pagdudugo ay tinahi niya ito at ang sugat.

"Tawagin niyo si Dr, Dan. I check niyo siya at maghanda kayo ng mga dugo para pamalit sa nasayang na dugo." utos niya sa mga intern. "Bilis huwag kukupad-kupad!" singhal niya pa kasi hindi agad nagsikilos ang mga intern sa pagkamangha sa kanya

~

Pumunta muna ako sa Office ko upang magpahinga at makalimutan saglit ang pagkakamali ko kanina.

Masakit isipin pero naduwag ako.

Pero ang hindi maintindihan ay bakit feeling ko pinahiya niya ako.

"Sino ba siya para ipahiya ako? Sino ba siya para tawagin akong walang silbi at walang kwenta?"

~~~

Gino POV

Nagkakagulo ang lahat ng dumating ako kanina.

"Ano ba yan? Wala man lang sumalubong ng maganda sa napaka guwapong Doctor!"

Pinagmamasdan ko ang lahat at nakita ko ang isang lalaki na mukang bata pa at Doctor. Nakita ko sa mga mata niya ang takot para iligtas ang pasyenteng nasa harapan niya.

"Walang silbi!"

Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang doctor na walang silbi, yung taong piniling maging doctor pero hindi pala kayang panindigan ang trabaho niya kaya naman nagmadali akong lumapit.

Tss! Baka mamatay na lang yung paseynte eh wala pa siyang gawin kaya ako na lang ang kumilos!

Pagkatapos kong iligtas ang pasyente niya ay ibang pasyente naman ang inasikaso ko.

"Hay naku mas okay pa sa digmaan tahimik ko nagagamot ang mga sundalo eh! Dito dinaig pa ang digmaan sa dami ng maiingay!" iritadong sabi ko

"Bro nakita namin yung ginawa mo!Grabe ang galing mo parin! Wala kang kupas!" sabi ni Harold na ngayon ay kasama ko at kasama namin sina Andrew

"Ako pa ba? Baka nakakalimutan I'm ako si Gino Santiago!"

"Hoy may kasalanan ka naman sa anak mo!" natatawang sabi ni Andrew sa akin

Naguluhan ako sa sina-sabi niya. Anong kasalanan pinagsasabi nito?

"Huh?"

"This is the first time na nagkita kayo ng anak mo but intead yakapin mo siya at mapakaama sa kanya, you humiliate him!" asik ni Andrew

Hindi ko agad naintindihan ang sinasabi ni Andrew, naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Ano loading Bro? Mahina ba internent o matatanggal na yung turnilyo sa utak mo?" pabirong sabi ni Harold

"Ano ka ba Harold! Natanggal na noon pa yung turnilyo sa utak niya!"

"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa?" tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa na parang nagtataka and then muling ibinaling ang tingin sa'kin.

"Really? Huwag mong sabihin hindi mo alam kung sino anak mo?!" umiling ako "Never mo pang nakita sa picture ang anak mo kahit ba sa faceb**k?"

Umiling ako.Binaba ko ang tingin ko sa sahig, dahil sa aming dalawa ako talaga ang halimaw...

"Kung hindi ako halimaw bakit imbis na alagaan mo ako eh hinayaan mong si father Nickolas ang magalaga sa akin at pinili mo akong iwan?!" sigaw niya at nagtinginan ang mga tao sa amin.

Kahit naka Contact lens siya nakita ko na umaagos ang mga luha niya kaya mas lalong hindi ko kayang tumingin sa kanya,

Tumingin na lang ako sa paligid, sa mga pasyenteng dumarating na satingin ko kailangan ang tulong ko.

"Bakit? Sabihin mo!-"

"Magusap na lang tayo mamaya kapag tayong dalawa lang, sa ngayon dapat nating unahin ang trabaho--"

"Hindi!" matigas niyang sagot "Sabihin mo ngayon! Gusto kong malaman kung bakit kaya mong alagaan iba pero pag ako hindi? Bakit mas pinili mong pumunta sa digmaan at gamutin ang mga ibang tao duon samantalang ako-" patuloy na dumadaloy ang kanyang mga luha

"Blade..."

"Samantalang ako pinabayaan mo!"

Tumalikod ako sa kanya bago mag salita.

"Kung gusto mo malaman ang totoo mamaya tayo mag usap."seryosong sabi ko

Sa ngayon gusto ko na unahin ang mga pasyente kesa magpaliwanag, lalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Gusto kong malaman ngayon! Bakit hindi mo sabihin ngayon?! Bakit nahihiya ka bang malaman ng iba na isa kang--" Itutuloy niya pa sana ang sasabihin pero ununahan ko siya sa pagsasalita

"Na ano?!" mariin at mayhalong pagkairita kong sinabi. "Na wala akong kwentang tao? Wala akong kwentang ama?" I chuckled "Pwede ba naitikom mo yang bibig mo? Hindi ako nahihiya sa ginawa ko! Proud pa nga ako sa nagawa ko kasi dahil sa ginawa ko kaya buhay ka!"

"What do you mean-"

"You know what you such a disapointment, you should know how to separate your personal issues!"

Natigilan siya sa sinabi ko kaya naman tumalikod na ako sa kanila at iniwan sila para asikasuhin ang mga pasyente.

Hindi ko gustong sabihin yon pero kailangan, I'm sorry blade.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now