Chapter Seventeen

Začít od začátku
                                    


HANGGANG sa matapos akong mag-ayos ng pang agahan namin ay walang Declan Lucas na bumaba. Nauna nalang akong kumain dahil kagabi pa ako gutom. Nakaubos ako ng dalawang manok at tatlong balik ng kanin. Busog na busog ako nang matapos akong kumain, kaya para bumaba ang kinain ko ay hinanap ko ang walis tambo at dustpan at basahan pati duster.


NANG mahanap ko ang mga panlinis ay pumunta na ako sa sala para umpisahan ang paglilinis. Inuna kong punasan ang napakaraming figurines sa malapit sa pinto. Parang galing sa iba't ibang bansa ang mga figurines. May mga nakatatak kasi na pangalan ng iba't ibang bansa.


Nang lumipat naman ako sa kabilang shelfs ng figurines ay puro Marvel collections naman ang nakikita ko, at pinaka-marami ang kay Hulk at Iron Man. Hilig niya siguro? Isip ko. Itinuloy ko nalang ang paglilinis, hanggang sa marating ko ang sets ng picture frames.


Kadalasan sa nakikita ko ay picture ng babae at lalaki na mga nasa 30's lang 'yata ang edad. Habang pinupunasan ko ang isang picture ng isang lalaki na naka itim na tuxedo at itim na neck tie ay para bang nakita ko ang mukha ni Declan sa kanya. Para bang kahawig niya.


Hanggang sa sunod kong pinunasan ang isang family picture. Nakaupo ang mag-asawa, habang kandong ng lalaki ang isang batang napaka gwapo. Tumama ang centro ng paningin ko sa itim na itim na mata niya.


Si Declan.


Wala sa sariling hinaplos ko ang picture frame. Napaka-ganda ng ngiti ni Declan. Para bang ang saya saya niya at ganun din ang mga magulang niya. Isang bagay ang napagtanto ko.


Sa bawat oras na tinitignan ko si Declan simula ng magtagpo ang landas naming dalawa, isang emosyon ang hinding hindi nawawala sa mga mata niya. Kahit pa sabihin kong may nangyari na samin. Sa bawat pagtama ng mga mata namin. Hinding hindi nawawala ang isang bagay.


Kalungkutan.


"Bat kaya tayo pinagtagpo, Declan? Siguro dahil pareho tayo ng pinagdaanan at para siguro may maka-intindi saatin pareho 'no?" nasabi ko nalang.


Sunod kong pinunasan ang picture niyang graduation ng college. Familiar ang suot niya. Naka barong siya habang may kulay orange na kasama. Sa UP pala siya grumaduate. Napangiti ako. Sabi niya, hindi siya matalino, pero graduate siya ng UP.





NANG matapos akong magpunas ay lahat ng alikabok na nagkalat dahil sa trinabaho ko ay winalisan ko. Hirap pa akong i-usod ang mga sofa dahil ambibigat! Samantalang yung sofa sa bahay namin ni Tiyong ay kaunting tadyak lang, parang lalabas na sa bahay namin e.


"What the hell are you doing?" napalingon ako nang marinig ko ang baritong boses ni Declan. Napatigil ako sa pagwawalis.


"Uy gising ka na pala." Nasabi ko nalang. Napatingin ako sa matipuno niyang braso. Litaw na litaw ang muscles niya dahil naka itim niya na sweat shirt. Naiimagine niyo naman siguro kung gaano siya ka...hot?

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Kde žijí příběhy. Začni objevovat