Chapter Fifteen

Começar do início
                                    

Nagkibit balikat ako. "Ewan, kasi siguro wala na akong dahilan para magsungit?"

"Wala? You mean to say, mas may reason ka ng ngumiti?"

"Hmm.." bumuntong hininga ako. "Pwede? I mean, na realized kong bakit ko susungitan ang taong nagtanggal saakin sa impyerno—"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "At dinala ka sa rurok ng langit?" tanong niya. Awtomatikong natadyakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Mabuti nalang ay sapul siya 'don. Kulang nalang ay mapahiyaw siya sa sakit.

"Wag mong dalhin sa lamesa ang kadugyutan mo!" pinandilatan ko siya.

Bakas sa mukha niya ang sakit, pero nagawa niyang tumawa habang nakangiwi parin. "I mean, what do you mean na inalis kita sa impyero at dinala sa?" pag-iiba niya ng bersyon ng sinasabi niyang kalokohan kanina.

Nagpatuloy siya sa pagkain, habang ako ay napalalim ng hininga at tinignan siya. "Ang ibig kong sabihin, bakit ko susungitan ang taong nagdala saakin sa ligtas na lugar, diba? Dapat sigurong pasalamatan ko siya o kahit ano?" hindi sigurado ang huli kong sinabi. Siguro dahil naibigay ko na sa kanya ang katawan ko, kapalit ng bagay na itinulong niya saakin. Ayokong sabihin. Pakiramdam ko mabigat sa loob ko kapag sinabi ko 'yon. Mabigat sa loob kapag nasabi ko sa kanya. Kasi pareho naming ginusto.

Napatango tango siya. "Hmmm, music to my ears?"

Napatitig ako sa kanya. Ginawa niyang baso ang cup ng noodles. Hinihigop ang sabaw. Halos itaob ang cup. Nagsalita ako."Aantayin ko nalang siguro 'yung panahon na papakawalan mo ako sa puder mo. Aantayin ko nalang na maging malaya ako." Sagot ko sa kanya. Hindi ko 'yon sinabi para marelax siya at para mapadali ang pagtakas ko, kundi dahil 'yon ang totoo.

Pagkasabi ko non ay nalukot ang mukha niya sa hindi ko malamang dahilan. Kung kaninang parang daga siya kung makasimot doon sa cup, ngayon naman ay parang nawalan siya ng gana dahil ibinaba niya 'yon. Kunot noo siyang tumingin saakin.

"It will be very soon, Arianna." Aniya sa seryosong boses.

Tumango nalang ako at hindi na sumagot. Bumalik ang pagtatakha ko. "Bakit?" natanong ko nalang.

Tumayo siya. Matagal bago niya sinagot ang tanong ko. "ANong bakit?"

Sinundan ko siya ng tingin. "Tapos ka ng kumain?"

Binuksan niya ang gripo. "Oo, bitin ako."

"Gusto mo magluto ako?" tanong ko ulit. Hmarap siya saakin at umiling.

"No need. Nag order ako ng pagkain, parating na rin siguro 'yon. Aantayin ko nalang." Hindi nagbago ang tono ng pananalita niya. Seryoso parin 'yon at para bang galit siya.

Hindi ako nakapagsalita. Para bang nawalan ako ng sasabihin sa kanya. Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig mula 'don at uminom. Pagkatapos ay inilpag niya ang baso sa lababo. Walang tingin tingin siyang umalis at nilampasan ko. Ni hindi manlang siya nagsalita.

Sinundan ko siya ng tingin. Napatitig ako sa pagkain sa harap ko. Bigla akong nawalan ng gana. Parang bumalik 'yung mabigat na bagay na pumipiga sa dibdib ko noong mga nakaraang araw. Bigla akong nahirapang huminga.

Hanggang sa namalayan ko nalang, may patak ng luhang dumausdos pababa sa pisngi ko galing sa mga mata ko.







***

Hindi tulad kaninang tanghali na naging mabilis ang paghuhugas ng pinggan. Bumagal ang kilos ko, at halos ayaw kong igalaw ang mga kamay ko. Para bang nawalan ako ng gana. Hindi ko rin alam kung bakit naiiyak ako. Paulit ulit kong tinatanong, Ano bang nasabi ko? ANobang mali sa sinabi ko samantalang sinabi ko 'yon para sa hindi siya ma-offend. Para magaan sa loob na tanggapin. Na hindi ako sapilitang aalis dito sa bahay niya ng walang pahintulot niya. Hindi niya ba nakuha ang ibig kong sabihin?

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora