Chapter Four

Mulai dari awal
                                    

"Damn it!" sigaw niya.

"Whooo! Shet!"

"Habol lang Dec!"

"Akalain mong tinakbuhan!"

Tuluyang nawala ang pamamanhid ng paa ko. Unti-unti kong naramdaman ang sakit na dulot ng pagkakadapa ko nang sinubukan kong tumakas kagabi. Nanghina ang mga binti ko, hanggang sa namalayan ko nalang na lumagapak ako sa sahig, at nanguna ang tuhod kong bumigay dahil sa pagtakbo.

"Damn it, woman!" gigil ang boses niya na nagdagdag sa kaba ko. Naramdaman kong tuluyan na siyang nakalapit saakin. Sinubukan kong tumayo, pero hindi ako nagtagumpay nang hawakan niya ang braso ko. Nagpumiglas ako, pero hindi ko nagawa dahil sa binti ko lang nawala ang pagkaparalisa ko.

Napaiyak nalang ako, at sa surpresa ko, may tunog ang pag-iyak ko hindi tulad kanina.

"What do you think you're doing woman?!"

Sinubukan kong magsalita. "W...w.a...g"

Unti-unting tumakas ang paghikbi ko sa bibig ko. Binuhat niya ako at bumalik kami sa direksyon kung saan ako tumakbo kanina.

"Hindi naman kita sasaktan." Mula sa naiinis na tono ng pananalita niya mula kanina, naging malumanay ang boses niya. Nakatingin siya saakin at nanatiling naka-kunot ang noo niya. Patuloy rin sa pag-agos ang luha ko.

"Jax, please open the door." Sabi niya sa mga kaibigan niyang kanina pa nagtatawanan at nag-iingay. Bumukas ang kotse at ipinasok niya ako. Muling naglapit ang mukha niya saakin nang yumuko ang ulo niya sa ulo ko, hanggang sa makarinig ako ng tunog.

Seat belt.

Lumayo na ang mukha niya saakin. Tumahan na rin ako sa pag iyak pero ang takot na nasa dibdib at isip ko ay hindi pa rin nawawala.

Humaplos ang kamay niya sa mukha ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Stop crying woman. You're safe." 'Yon lang ang sinabi niya, pagkatapos ay umalis na siya at isinara ang pintuan ng kotse sa side ko. Makalipas ang ilang segundo, bumakas ang driver's seat at pumasok siya sa loob.

"Stay still, Angel."











***

NAGISING nalang ako na karga karga habang papasok kami sa isang malaking bahay...o kung mansion man 'yon. Mas mukha kasi 'yong mansion kaysa sa malaking bahay man. Kasama din naman ang mga lalaking kasama niya kanina. Nagtatawanan ang mga ito ay inaasar ang lalaking bumubuhat saakin.

"Get the hell out of my property!" sigaw niya sa kanila.

"Hindi pwede, makiki-kain kami ng luto ni Manang Celina!"

"Oo nga, tsaka lagi naman kaming nandito. Sosolohin mo lang 'yang babaeng 'yan."

"Ina mo."

"MANAAAAAAAAANG CELINAAAA!"

Nakarinig kami ng nagmamadaling yapak. Lumabas ang isang matandang babae, halos kaedaran lang ni Tiyong,

"haru jusko ka talaga Zane! Akala ko kung ano ng meron!"

"Chill lang namang. Baka atakihin ka eh!"

"Aatakihin talaga ako sa pag sigaw mo! Ikaw na bata ka!"

"Pakain nalang ako manang, tas libre kita pang paderma!"

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang