"Code number 23110705, April 10, 2018. Sold for Three Million Dollars."

Napapikit ang mata ko kasabay ng luha ko. Tahimik akong nagdasal na sana panaginip lang 'to. Na sana pakawalan nalang nila ako dahil wala akong kasalanang ginawa sa kanila. Unti-unti na ring pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi ng nasa speaker at nung nurse nung nasa kwarto pa ako.

Unti-unti ko ng napagdudugtong dugtong. Nakidnap ako ng sindikato, at sa tingin ko ay ibebenta nila ako sa mga mayayamang negosyante at sa tingin ko ay hindi lang ako ang nasa ganitong sitwasyon.

"Code number 23110703, April 6, 2018. Sold for Five Million Dollars."

Masaganaang umagos ang luha sa mga mata ko nang biglang nabawasan ang ilaw sa kinaroroonan ko. Hanggang sa unti-unting bumukas ang pintuan sa harap ko at tama nga ako. Tinted ang kinalalagyan ko.



***Play the song for better feels. Lol.****

Bumungad sa paningin ko ang grupo ng mga kalalakihan sa labas ng kinaroroon ko. Nakakarinig ako ng ingay pero para bang nawala lahat ng naririnig ko, kasabay ng paglapat ng paningin ko sa isang lalaking nagsusulat mula sa isang maliit na papel. Pinunit niya 'yon at ibingay sa isang lalaking naka-itim na sa tingin ko ay tauhan ng kumidnap saakin. Tumingin ang lalaking nagsusulat saakin pagkatapos ay ibinulsa niya ang papel na hawak niya, kapagkuwan ay pumasok siya sa maliit na lugar na kinalalagyanko kung saan ako nakatali.

At nang makapasok siya ay doon ko lang namalayan na tinatanggal na pala ang tali sa kamay ko paitaas. Tuluyan na akong nakawala mula sa pagkakatali ng mga kamay ko. Alam kong wala akong lakas para kuhanin ang balanse ko patayo, kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na bumagsak total, wala naman akong sapat na kakayahan dahil paralisado ang buong katawan ko.

Ang akala kong pagbagsak ng katawan ko ay hindi naatuloy ng may dalawang braso ang pumalibot sa hubad kong likod. Napapikit ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga ng lalaking sumalo saakin sa ulo ko. Lumipas ang ilang segundo ay binuhat niya ako at lumabas na siya sa loob kung saan ako nakatali kanina.

"Let's go." Aniya. Tumingin ako sa kanya at doon ko nakita ang mukha niya ng malapitan. Una kong napansin ang naka-kunot noong makapal niyang mga kilay, ang mahaba niyang pilik mata, at ang pang Hollywood niyang matangos na ilong. Kamukha niya 'yung bida sa fifty shades of grey, at ang maliit niyang labi na mamula mula at sa tingin ko ay basa pa at...malambot.

Bigla akong nakarinig ang mga boses sa likod namin habang naglalakad siya. Doon ko napagtanto na marami siyang lalaking kasama, at isang maduming ideya ang pumasok sa isip ko.

Kaya ba? Kaya ba nila ako binili pam-painit ng gabi nila?

Kusang namuo ang ang luha sa mata ko. Tuluyang tumulo 'yon sa gilid na mata ko. Nagtama ang paningin namin. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.

"You're mine now, lady." Bulong nito.











PATULOY lang ako sa pag-iyak hanggang sa makalabas kami ng building. Tumigil kami sa parking lot. Binitawan niya ako at marahang itinayo at isinandal ang katawan niya sa bewang ko. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, at sa oras na 'to ay nagtagumpay ako.

Sinubukan ko ring igalaw ang mga paa ko, at tuluyan itong gumalaw. Napangiti ako ng kaunti sa tuwa. Hawak niya ang bewang ko at hindi 'yon mahigpit. Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng paghakbang ko. Sinubukan kong tumakbo. Nawala ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Hirap ang paggalaw ng mga binti ko, pero ipinagpatuloy ko ang pagtakbo ko.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin