“Maayos na ba lahat ng gamit mo?” tanong nito sa kaniya.

“Oo. Salamat.” Sabi niya sabay tago ng picture sa kaniyang likuran.

“Sino yan?” tanong ni Pierre. Nakita na pala nito ang picture na hawak niya.

“Wala.” Umiling siya dito.

“Common let me see.” Pamimilit nito.

“Wala nga e.” ulit na sabi niya. Nahihiya kase siyang ipakita dito ang larawan kung saan ang gulo-gulo ng buhok niya.

“Please…” sabi nito na nag puppy eyes na naman.

Napatawa na naman siya dahil sa itsura nitong parang natatae.

“Payn! (fine)” sabi niya sabay abot ng picture.

“Is this you!?” gulat na tanong ni Pierre na natatawa.

“Sabi ko na nga ba’t pagtatawanan mo yung piktyur ko e. Akin na nga yan.” Hinablot niya ang hawak nitong larawan. Nagmamadaling itinago niya ito drawer niya.

“Do you miss him?” seryosong tanong ni Pierre.

“Hindi.”

“Sigurado ka?”

“Ang kulit mo rin ano?”

Hindi niya alam kung pangamba ba yung nakita niya sa mukha ni Pierre. Sa ngayon, ayaw muna niyang isipin ang mga bagay na yan dahil magkakababy na siya. At kailangan niyang magsumikap para sa magiging kinabukasan ng magiging anak niya. Minsan ‘di niya maiwasang isipin na lalaki ang baby niya na walang ama. At natatakot na rin siyang pumasok sa isang relayson dahil baka hindi nito matanggap na isa siyang dalagang ina. Marami siyang nababalitaang tsismis tungkol sa mga dalagang ina na minamaltrato ng amain ang mga anak nito. Ayaw niyang mangyari yan sa magiging anak niya.

“Puwede mo ba akong samahan sa library? May importante akong sasabihin sa ‘yo?” si Pierre.

“Sige” nagpatiuna ng lumabas ang lalaki sa kaniya.

             “ANONG importanteng sasabihin mo?” tanong ni Danica sa kaniya pagkapasok nila ng library.

Lumapit siya sa kaniyang malaking office table at binuksan ang isang drawer. “Maupo ka muna.” Utos niya dito.

“May natanggap akong tawag mula sa matalik kong kaibigan kanina.” Panimula niya “ang sabi niya may naghahanap raw sa ‘yo dito sa Ontario.”

Napakunot-noo siya.

“Sino?”

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now