“Alam mo parang nagkita na tayo. Pamilyar kasi ang mukha mo e.” sabi niya. Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki. “hindi ko lang alam kung saan tayo unang nagkita.”

Mahinang tumawa si Pierre “We lived in a same condo in Philippines. I saw you many times with your…. Boyfriend? And you remember me in the grocery store?

‘Boyfriend? Baka si Jake lang yun o kaya si Lemuel.’ Napaisip tuloy siya kung sinong boyfriend ang sinasabi nito.

“Baka amo ko yung nakita mo o kaya yung bestfriend ko na bumisita sa akin dun. Umalis na ako sa amo kong yun dahil mas malaki ang sahod dito sa Canada.” Pagsisisningaling niya. Kahit na malaki ang sahod dito sa Canada ay masaya naman siya sa pamamasukan niya kay Jake. Kung hindi nga lang nangyari ang dapat hindi mangyari ay di sana hanggang ngayon ay dun pa rin siya nagtatrabaho.

“Whatever you say my dear.” Wika ni Pierre na nagpatahimik sa kaniya.

Mukhang mahihirapan siyang makumbinsi ito na wala silang relasyon ng dati niyang amo. Para sa kaniya, ang ano mang namagitan sa kanila noon ay nakabaon na sa limot. Ayaw na niyang maalala pa ang masasayang araw nilang dalawa ni Jake dahil umiiyak lang ang kaniyang puso.

“Ilang taon ka na dito Danica?”

“Mag tatatlong buwan pa lang, sir.” Sagot niya dito.

“Huwag mo na akong tawaging sir. Call me on my first name. Feeling ko kasi mas tumatanda ako sa edad kong thirty tuwing tinatawag mo akong sir.”

“Sige po kung yan ang gusto mo, P-pierre?”

“Isama mo na rin sa pagtanggal ang salitang ‘po’ dahil sumasakit na ang bewang ko.”

Napabungisngis siya sa biro nito.

“O ayan tumawa ka na rin.”

“Ikaw kasi ang KG mo.”

“KG?”

“Ano ka ba? KG… as in kell juy!”

Si Pierre naman ang napabungisngis.

MANILA, PHILIPPINES

          “JAKE sweetie can we go back to Tagaytay?” malanding tanong sa kaniya ni Brylle.

Nasa opisina silang dalawa dahil may tinatapos siyang draft mula sa isang sikat na restaurant. Sinundan siya ni Brylle mula eskuwelahan para lang kulitin na mag outing ulit sa Tagaytay. Nitong nakaraang araw ay pinagbibigyan niya ang babae na makipaglapit sa kaniya ulit.

“How many times do I have to tell you Brylle na wala akong panahon this week. Besides, alam mo namang may tinatapos akong mga school requirements para maka graduate na ako this year. My Dad need my help and in order for me to do that, I have to finish school.” Mahinahong paliwanag niya dito.

“Fine.” Pagmamakatol nito na parang bata “sa bakasyon na lang siguro para makasama ang lahat ng barkada, okay?”

“Fine with me.”

“Aalis na ako.” Sabi ni Brylle. Pero bago pa ito tuluyang magpaalam ay nilapitan siya nito sa kaniyang pagkaka-upo sa isang swivel chair para yakapin sa kaniyang likod.

Ilang minuto rin niyang naramdaman ang pagkakayakap nito. Ang akal niya ay aalis din ito kaagad. Nakakunot-noong inikot niya ang swivel chair para harapin si Brylle. Pero imbes na si Brylle ang kaniyang makita ay si Danica ang nakatayo sa kaniyang harapan.

“Danica?” gulat na tanong niya dito.

Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya si Danica. Ilang araw at buwan rin niya itong hinahanap ngunit walang maglakas loob na sabihin sa kaniya ang eksaktong kinaroroonan nito sa Canada.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now