“Merci” wika ng lalaki sabay ngiti sa kaniya.

‘Ano raw?’ nagtatakang tanong niya. ‘Merci daw e Danica pangalan ko. Loko loko talaga.’ Himutok niya.

Bago huminto sa first floor ang elevator ay nawalan ng kuryente ang buong building. Napalitan ng pulang ilaw ang luob ng elevator. Madaling nagsikuha ng cellphone ang ibang kasama nila. Nag-alalang napasilip siya sa stroller ni Bella.

‘Whew buti nalang naka tulog si Bella.’

“Mukhang matatagalan pa bago bumalik ang kuryente” bulong niya sa kaniyang sarili “maka-upo na nga lang dito sa sulok.”

“istop! In da nim op lab bekos you brik my hart.” kanta niya sa mahinang boses habang nakikinig sa binili niyang mp3 sa china town. “ay ito na lang peborit ko.” Nag scroll down siya at pinili niya ang isang kanta ng ABBA na ‘Money, money, money’.

“I wurk ul nayt, I wurk ul dee, to pee da bills I hab to pee, eent it sed. And estill der neber sims to bee a singol peeni lep por mee. Dats too bad. In mai dreems I hab a plan. Ip I gat mee a wiltee man. I wudent hab to wurk at ul, ayd pool around and hab a bol. Mani, mani, mani. Mast bee pani in da rits mans wurld. Mani, mani, mani olways sani In da rits mans wurld Aahhh—ahhh Ul da tings I kood doo. Ip I had a little mani. It’s a rits mans wurld. It’s a rits mans wurld.” Kumpyinasang kanta niya.

Napahinto siya sa kanyang pagkanta ng maramdaman niyang may tumapik sa kaniyang balikat. Nakatunghay sa kaniya ang lalaking guwapo kanina.

“The elevator is fixed.” Wika nito sa ingles.

“Oki sir tenk yu berry meni.” Pasalamat niya dito. Tumayo na siya at lumabas ng elevator tulak ang stroller na dala niya.

“Wait!” habol sa kaniya ng lalaki. “I’m Pierre Tremblay.” Inilahad nito ang isang kamay para makipag kamay sa kaniya.

“D-danica Jumawan.” Nahihiyang sagot niya dito bago niya tinanggap ang pakikipag kamay nito.

“Puwede ba kitang maimbitahang kumain sa cafeteria?” tanong ng lalaki sa salitang tagalog.

“M-marunong kang managalog?” nagtatakang tanong niya dito.

“Oo naman. I have business in Manila at may dalawang kasamahan ako sa bahay na pilipina.”

“Aaahhh”

“So?”

“Wala akong dalang pera e. Sa park lang sana punta namin ng alaga ko.”

“Don’t worry libre ko kayo.”

“Sige ba.”

‘Ang bilis mo talaga Danica pag libre na ang narinig mo.’ Kastigo niya sa kaniyang isipan.

Sa labas sila ng cafeteria kumuha ng upuan. Sa buong condo, ang cafeteria ang may mas magandang view dahil nakaharap ito sa lake. Ipinaghila pa siya ni Pierre ng upuan bago nito inayos ang stroller ni Bella sa kaniyang tabi.

“Waiter!” tawag nito sa nag-aabang na waiter.

“What can I do for you Mr. Trambley?” tanong ng waiter pagkalapit nito.

Tumingin si Pierra sa kaniya. “May gusto ka bang kainin?”

“Kahit na anong sandwits na lang at limonid.” Sagot niya dito.

“Give us a chicken salad sandwhich and lemonades please.”

“Is that everything, sir?”

“Yes. For now, thank you.”

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now