LIAN: Kung tungkol po kay Mario, nay, hindi ko po alam kung nasan siya. Nag-away daw sila ni Joy kahapon. Mukhang naglayas. *pabulong* Sana hindi na bumalik.

DEDANG: Ano?

LIAN: Kailangan paulit-ulit, nay?

DEDANG: Bakit hindi ako sinabihan? Punyetang Mario yan!

LIAN: Naglayas nga nay, di ba? Tapos magpapaalam sa’yo?

DEDANG: Oh sya, ako na’ng maghahanap sa kapatid mo. Sumunod ka na sa baba.

LIAN: Oh sige po.

Sa kabilang dako naman ng kabilang dako ng kwento, ay si Mario. Magdamag siyang naglalakad sa kung saan siya ihahatid ng kanyang mga paang puno na ng sugat dahil sa kakalakad. Gutom, puyat, at mabaho, pilit niya pa ring inaabot ang kung saang lugar hindi niya pa alam. Huminto siya…

KALBO: Hoy, pre. Bago ka dito, ah. Ano’ng pangalan mo?

MARIO: …

KALBO: Tangina! Pipi ka ba? Ha?

MARIO: …

KALBO: *kinuha ang kutsilyong nakalagay sa may pwetan niya* Putanginang…

Of Gossips

The rain poured hard raping the gumamela flowers surrounding a community the commoners call as Killage, Kilid ng Village. It was so cold that turning on the electric fan will be suicide. The children are outside – swimming in the muddy rainwater, all naked. It was a picture-perfect scenery… Ay gago, nag-eenglish na ako. Basta, umuulan.

Nasa labas ng bahay ang lahat ng mga anak nila Mario at Joy maliban kay Clara. Nagtataka kayo kung bakit si Basilio, na bulag, ay hindi ang binanggit? Wala lang, trip. Hindi pa raw feel ni Clara ang rainy season kaya hindi pa siya maliligo at magtatampisaw sa ulan. Para sa kapakanan ng specified details, narito ang buong pangyayari:

CRISPIN: Uulan yata.

BASILIO: Nasan? Nasan?

AGATHA: Ay nalintikang kambing, hoy Basilio, dapat ang response mo ay “Talaga? Weh, di nga?” Ulitin niyo.

CRISPIN: Uulan yata.

BASILIO: Talaga? Weh, di nga? Nasan? Nasan?

AGATHA: Gago, tanggalin mo ang “Nasan? Nasan?” Ilagay mo kasi sa kokote mo na bulag ka, wag kang magtatanong kung saan.

BASILIO: Ok, ok. Take three tayo.

CRISPIN: Uulan yata.

BASILIO: Talaga? Weh, di nga?

AGATHA: Yan! Perpek!

WHITNEY: Bravo, bravo, bravo. So, Agatha, may pinaglalaban ka?

AGATHA: Hoy, mantikang inglisera, tinuturuan ko lang si Basilio ng proper communications, the art of dialogue.

BRITNEY: Wow, angaling mo, Agatha. San mo naman nalaman yan?

AGATHA: Kayo ‘tong ingles nang ingles, di niyo alam?

WHITNEY: *pabulong* Pst, sis. Talo ka dyan, may mens yata yan ngayon. Let’s go.

AGATHA: Wala akong mens ngayon. At hindi pa ako nagme-mens. Pitong taong gulang pa lang ako.

WHITNEY: So what’s with the attitude, Aga?

BASILIO: Bwah, Aga? Hahaha, anong klaseng pangalan yan?

AGATHA: Tawagin mo akong Agatha, hindi pwedeng putulin at dagdagan. Ayoko sa Aga, mas ayoko naman sa Tha.

BRITNEY: These people are crazy. Tayo na, sis.

WHITNEY: Ay, motherfucking whore! It’s raining men!

CLARA: Alleluia?

WHITNEY: Tanga, umuulan. Bakit ka naman mag-a-alleluia? Shunga.

BASILIO: Eh lyrics kasi ng kanta yung nasabi mo, Whitney. Sinakyan lang niya. Peace out.

CRISPIN: Ahm… so ano na?

Tumahimik ang lahat ng sampung segundo. Ang tanging maririnig lamang ay ang panaka-nakang pag-utot ni Basilio (anong akala niyo? “Ang tanging maririnig lamang ay ang tiktak ng orasan”?). Wala silang orasan, wala ring battery, walang perang pambili, kaya bigti na.

At naghubad ang lahat, maliban kay Clara. Wag kayong mag-alala dahil hindi ito porn scene. Umuulan + mga musmos na bata = alam niyo na. Napansin ni Crispin na wala si Clara kaya bumalik siya sa bahay.

CRISPIN: Oh, Clara, tara ligo tayo!

CLARA: Ayoko pang maligo ngayon.

CRISPIN: Bakit naman? Dalawang linggo ka nang hindi naliligo ah, naaamoy mo sarili mo?

CLARA: Hindi. Ano ba’ng amoy ko?

CRISPIN: Nevermind. Suit yourself.

CLARA: Hindi pa kasi official na ina-nounce ng PAG-ASA ang rainy season sa bansa natin kaya hindi pa ako pwedeng maligo. Simple.

CRISPIN: May official announcement ka pang nalalaman eh noh? Sige, maglaway ka.

CLARA: L-O-L. Hindi nakabukas ang mga bibig ko.

CRISPIN: Ok. Whatever.

Hindi pa rin humihinto ang ulan. Dumami nang dumami ang mga batang nagtatampisaw, kasama na ang kinatatakutan ng lahat ng mga bata sa kanilang lugar – ang mga member ng As Whole. Lumayo ang lahat at binigyang daan ang mga mafiang bata na patungo kina Crispin at mga kapatid niya. This is war.

MAGDALENA aka LIL CHIX: Mga anak ng mga pota, nasan ang malibog niyong nanay?

BASILIO: Hindi ko nakita eh.

PROCOPIO aka SWAGGAH: Ay gago, bulag ka, tangina. Malamang, hindi mo talaga makikita.

MARA: Ano’ng kailangan niyo kay inay?

RESTITUTO aka LIL RASTAH: Yow, it’s none of your business. Peace out!

AGATHA: Dadaan muna kayo sa bangkay ko bago niyo makita ang nanay!

PROCOPIO aka SWAGGAH: No problemo. *kumuha ng icepick sa may pwetan niya*

AGATHA: Joke lang, hehehe. Hindi ko nakita, eh.

MAGDALENA aka LIL CHIX: Alam niyo ba ang kaharutang ginawa ng walangyang nanay niyo?

CRISPIN: Nasan ang sex video nila?

RESTITUTO aka LIL RASTAH: Nandito, bro. *pinakita ang cellphone* Hanep, diba?

BASILIO: Wow! Angaling ni nanay!

CRISPIN: Manahimik ka, assuming ‘tong nakakakita eh.

MARA: Ang sagwa naman ni inay dyan!

BRITNEY: WTF, mom did that? With whom?

PROCOPIO aka SWAGGAH: Sa boss namin. Kahapon nila ginawa yan, at na-inlove ang boss namin sa inay niyo pero iniwan niya ito at hindi na muling nagpakita pa. Kaya, nasan ang nanay niyo? Putanginang nasan siya?!

WHITNEY: Not here. Maybe doing another sex scandal with another guy?

CRISPIN: Nakakasira kayo ng momentum eh, mga epal. Maligo nalang kayo ng ulan!

BASILIO: Oo nga, mamaya niyo na hanapin ang maharot na ‘yun! Tara, ligo!

 LAHAT: Yeah! *dirty finger*

(Ipagpapatuloy...)

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin