MONICA: Spell dictionary!?

WHITNEY: D-E-C-T-I-O-N-A-R-R-Y! DECTIONARRY!

MONICA: Oh my God! Anong laman ng utak mo, girl?

WHITNEY: Wait!... Nasa Biology yan eh… Ahm…

BRITNEY: (bumulong sa kapatid) Ate, absent ka nun. Remember?

WHITNEY: Punyeta! Let’s go, Britney! Pakyu, Monica! Pakyu ten times!

MONICA: Spell fuck you!?...

 Sa bahay naman…

JOY: Mga anak, bumalik naba’ng tatay niyo?

BASILIO: Wala akong makita, nay! Nay! Tulong, wala akong makita! Huhuhuhu.

CRISPIN: Hoy unggoy! Bulag ka since birth! Ngayon mo lang na-realize? Move on, pre!

BASILIO: Ay oo nga pala. Ahehe.

AGATHA: Wala pa po si itay, nay. At kung hindi niyo pa nalalaman, kayo po ang may kasalanan kung bakit iniwan niya tayo.

STEPHANIE: Nay… putangina mo!

LAHAT: (dirty finger)

JOY: Hoy, kailan pa kayo natutong gumawa nyan, ha?

CLARA: Hindi po ako kasali, inay. Lubos akong naniniwala sa kalinisan ng salita at gawa ng tao na sumasalamin sa kanyang buhay.

JOY: Manahimik ka, Clara. Hindi ikaw ang kausap ko!

BASILIO: Nagmamalinis ang maharot, oh!

LAHAT: Boooooo!

JOY: Basilio, punyeta kang bata ka! Ocho anyos ka pa lang at ganyan nang kinikilos mo? Ha? Kanino ka natutong umasta nang ganito? Ha?

BASILIO: Eh sino pa bang kasama namin dito na araw-araw kaming tinatawag na punyeta?

LAHAT: Bravo! Hoooh!

JOY: Mga inutil! Punyeta! Mga walang utang na loob!

CLARA: Inay! Hindi po ako kasali!

STEPHANIE: Lumayas ka dito! Layas!

LAHAT: Layas!

JOY: Mga anak… *iyak ng bata*

At lumabas si Joy, balisa at nagmumura.

WHITNEY: Oh? Where’s mom going?

BRITNEY: Anong ginawa niyo to her?

BASILIO: Hoy, mga pelingera! Umayos kayo!

AGATHA: Ang sagwa niyong tingnan!

CRISPIN: Mukha kayong halo-halong binuhusan ng gasolina!

STEPHANIE: Britney, Whitney… Putangina niyo!

WHITNEY: Ah! How cruel!

BRITNEY: Pumasok na tayo sa loob, sis.

WHITNEY: Let’s go! Mga nalintikan ng kambing!

LAHAT: (dirty finger)

Sa kabilang dako naman ng kwento, at kwarto, ay si Lian. Mag-aalas-onse na at kailangan na niyang pumasok sa trabaho bilang sales attendant sa isang mall. Iniisip nya pa rin ang kahihiyang naranasan niya nang dahil kay Mario.

LIAN: Revenge is not good… Sometimes.

Kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto si Aling Dedang para sa pananghalian ng anak.

DEDANG: Lian, bumaba ka na nang makakain.

LIAN: Opo, nay.

DEDANG: May itatanong pala ako sa’yo.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon