@Thirty (Part 3 Finale 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Muling tumunog ang doorbell at agad na siyang tumayo.

"May, ako na kaya!" pigil ni Mac.

"Ako na, baka mga si Elisse yan baka hindi na kayo umabot dito sa loob gumawa pa kayo ng eksena sa labas!"

Lumakad siya papuntang pinto at sumilip sa peephole. May nakita siyang lalaking nakatalikod na para paalis na. Agad niyang binuksan ang pinto at hinabol ito.

" Ed!? "

Humarap ito sa kanya at ngumiti.

" Sorry mukang matutulog ka na?! " nakatingin ito sa damit niya.

She wearing a very short short at medyo maluwag na spongebob na t-shirt.

"Hindi naman, bakit ka napadalaw?"

"To bring you this food and this! " sabay bigay ng invitation card.

"Engagement nino?" pero binabasa na ni May.

"Gallo and Barber engagement party!" bulong niya sa sarili.

"ate Anika!" nakangiting sabi niya.

"what? Ikakasal na si ate Anika?" nagulat na sabi ni May.

"Yes finally after so many years ng  away at bati nila ni Marco. They decide to tie a knot na!".

"Gusto ko na tuloy makita si ate Anika!"

"Kaya nga dapat pumunta ka kasi si Mommy want to see you too!"

Ngumiti si May sa sinabi nito.

"May sino yan!" sigaw ni Mac.

"May kasama ka?" nagtatakang tanong ni Ed.

"Ah si ano----"

Hindi pa tapos magsalita si May ng pumasok si Ed sa unit niya.

"Ed pare, ikaw ba yan?" tanong no Mac at lumapit naman si Ed.

Masama ang tingin ni Ed kay Mac.

"Anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong Ed.

"Visiting May kagaya mo!" ngumingising sabi nito.

"Is he courting you?" baling ni Ed kay May.

"Ano daw?" nagulat na sabi ni May.

"pare relax lagi ako dito kaya sanay na si May sa akin!" paliwanag ni Mac prenteng umupo si Mac sa sofa.

"May go back to your room and change you clothes!" utos ni Ed.

"Aba Ed huh, hiya----"

"May go to your room or ako magpapalit sayo!"

Inirapan ito ni May saka pumasok sa kwarto. Nang makapasok ang dalaga saka binalingan ni Ed si Mac na kasalukuyang tumatawa ito.

"Pare hindi ka pa rin nagbabago pagdating kay May napakaconservative mo!"

"Tuwang-tuwa ka naman sa nakikita mo!" halata sa boses nito ang inis.

"don't worry hindi si May ang bet ko!" sabi niya.

"May!!!!" biglang may nagsalita sa may pintuan.

"Nandyan na ang prinsesa ko!" sabi ni Mac.

Tumayo ito at lumapit kay Elisse. Nang makita ito ng dalaga ay agad niyakap nito ang lalaki at doon ay umiyak ng umiyak.

Biglang may humatak kay Ed.

"saan tayo pupunta?" agad na sagot nito.

Sumenyas lang si May na huwag maingay at dahan dahan silang lumabas ng unit niya. Nasa elevator na sila pababa sa main lobby ng mapansin ni May na hawak pa rin niya ang kamay ni Ed. Nang akmang bibitawan na niya ito saka humigpit pa ang hawak ni Ed.

MayWard Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon