MAY Special Someone! ( Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why?" bulong ni Edward kay Maymay.

Nakikita niya ang reaksyon nito halatang hindi ito natutuwa sa nirereport ng babaeng kinapos ata sa tela. Kahit man walang maintindihan sa nerereport nito english naman salita.

"Wait...wait... Stop , can you elaborate that context. It has something that you need to support that detail but I dont understand. I think some data are missing!" hindi na makatiis na sabi ni Edward.

"Ahh.. Parang wala naman pong missing!" sabi ni Krishna.

"Me too, parang may kulang nga sa report!" sabi naman ng taga accounting.

"Ang kulit kasi sabi huwag bawasan yung report, wala na mahuhuli na kayo may pinagtatakpan kasi!" sabi ni Maymay sa isip.

"Mr. Moriones as head of finance you should know if the reports are correct and accurate. Haven't you seen this bago prenisent dito?" tanong ni Edward.

"Sorry sir, I think I miss that portion!" nakayukong sabi nito.

"Buti nga sayo!" bulong sabay ngisi ni Maymay.

Sakto naman nakatingin sa kanya ang babaeng tinubuan ng boobs.

"So ano kami ang mag-a-adjust for you? you are given a ample time to do that reports and even this meeting is not surprise, it was schedule. Why I have a gut feeling that your not prepare?!" tanong ni Edward kay Moriones.

"Sorry Sir!"

"You can't say sorry to all employees and our clients everytime you commit mistake. You should take responsibity for this!, so sino pwedeng mag-explain sa akin ng maayos niyan? para naman hindi masayang ang mga oras natin pare-parehas. Think mr. Moriones, you should have a back-up plan for this after all your the head manager of finance at hindi ka lang naman basta nalagay sa posisyon na yan kung hindi mo deserve ang title!" deretsong sabi ni Edward.

"Grabe si Boss, strikto talaga at deretso kung magsalita!" shock na sabi ni Maymay sa sarili.

"I think someone here can answer your question sir!" apila ni Krishna.

"Krishna stop it!" sita ni Christian.

"Bakit she is the responsible for this report. Siguro naman kaya niyang sagutin ang mga tanong sa kanya!" makahulugang tingin nito kay Maymay.

"Talaga ms. Krishna, sino?" simpleng tanong Edward.

"Your secretary sir, dati siyang empleyado ng finance!" nakataas pa ang kilay nito na parang sinasabi nito kay Maymay "akala mo huh, makakaganti rin ako sayo!".

Ngumiti lang si Maymay "bring it on Girl!" sabi niya sa isip niya.

"Ms. Entrata can you explain to us that report?" tanong ni Edward sa kanya.

"Yes sir, but can I used my own version of that report? !" sabay tingin niya sa babaeng tinubuan ng boobs.

Kitang-kita niya kung paano nagbago ang hilatsa ng pagmumukha nito. Isa sa dahilan kung bakit sila nagtatalo ng araw na sesantihin siya ng boss niyang manyak dahil may gusto itong ipabago sa report which is hindi niya magawa dahil labag yun sa pagiging professional niya sa trabaho. Dahil ayaw niya pinagtulungan siya ng dalawa na nauwi sa pagsisante sa kanya.

"Yes, ms. Entrata you can use your report!"

Kinuha ni May ang usb niya sa bag at lumapit sa loptop at pinaskil nito sa projector ang original na report na ginawa niya.

"Before po kayong magtanong hayaan nyo po i-explain ko muna lahat ng ito!"

"You may proceed !" sabi ni Edward.

MayWard Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon