Chapter One: Beginning

19.7K 459 230
                                    

Diary ng Walang Pantywritten by: butterrrr_

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Diary ng Walang Panty
written by: butterrrr_

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

Warning: This story is unedited. Expect grammatical and typographical errors ahead. Thank you!

***

Marie

Napaismid ako nang lumakas ang ulan. Timing na timing ah. Kakalaba ko lang ng mga panty ko at sigurado akong wala na naman akong masusuot bukas. Pupunta pa naman ako sa isang kompanya at mag-a-apply. Bwisit.

Tinitigan ko ang kulay pink, blue, green, red at iba ko pang mga panty na nakasabit sa alambre. Mayroon akong pitong panty. 'Yung pink, may nakasulat na Monday, then so on. Gusto ko 'yung gano'n eh. May schedule. Sa kasamaang palad, umulan noong Lunes. Linggo na ngayon at wala na akong susuoting panty kapag nagpatuloy pa ang ulan bukas. Saan kaya ako makakahanap ng panty?

At tsaka, mahirap lang kami. Walang pera pambili ng washing machine na may kasamang drier. "Marie! Halika ka dito!" rinig kong tawag ni Nanay. Baka dala na niya yung bio-data na pinapabili ko.

Pinuntahan ko siya sa sala namin. Napansin kong medyo tumataas na ang tubig sa baba at kung magpapatuloy pa 'to ay paniguradong lulubog na ang bahay namin. Mag-a-ala titanic na naman ako nito.

"Oh eto. Dalawa lang ang nabili ko kaya ingatan mo nang hindi ka magkamali." Ibinigay nito sa akin ang isang folder. May ibinigay din siyang supot na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Ano 'to nay?" tanong ko sa kanya.

She's not my biological mother. Kapatid lang siya ng yumao kong ina. Hindi naman talaga ako laking Maynila. Nakatira ako sa probinsiya. Napilitan lang akong lumuwas dahil sa matinding pangangailangan ng pera. Sa kasamaang palad, puro utang din ang iniwan ko doon sa amin. Buti na lang talaga at may nag magandang loob sa akin na kumupkop habang naghahahanap ng trabaho sa malawak na lugar na 'to. Mabait din si Nanay Loreta. Biyuda na siya at wala ring anak. Kaya hindi na ako nagtataka kung parang anak na rin ang turing niya sakin.

"Panty 'yan. Binili ko sa ukay-ukay. Napansin ko kasi na wala ka ng panty na susuotin. Pasensya na kung mas malaki sayo. Ang importante, hindi makita yang bulaklak mo."

Napasimangot na lang ako.

"Pwede naman akong hindi mag panty Nay."

"Aba'y huwag mo akong subukang bata ka. Pwede mo 'yang gawin dito sa bahay pero hindi sa labas." Dinuro-duro nito sa akin ang hawak niyang kutsilyo. Sandali, paano nagkaroon ng kutsilyo sa kamay niya?

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon