Chapter 33: The formed alliance

Start from the beginning
                                    

"What's that?" Naglakad si Mr. President patungo sa gawi ko at sapilitan pang kinuha ang kamay ko. But he found nothing.

"Don't touch her like that." Silver warned. But the old man just twitched his lips and ignored him.

"Saan mo siya dadalhin?" Malamig na tanong ni Ford kaya nilingon siya naman ang nilingon ni Mr. President. He's referring to Thalia.

Pero hindi siya sumagot.

This old man is triggering me. Una, wala siyang ginawa noong nalaman niyang muntik ng may mapahamak dahil sa sunog tapos ngayon mas mukhang inaalala niya pa si Thalia kaysa sa mismong biktima na si Dannah? 

"Malalim na ang gabi. Marami pa akong gustong sabihin sa inyong sampo at marami pa kayong ipapaliwanag sa akin pero ipagpabukas na lang natin ito." 

At ano naman ang ipapaliwanag namin sa 'yo? 

"Bukas, alas-otso ng umaga sa Infernio Hall."


Katulad nga ng usapan, ngayong umaga. Sa Infernio Hall.

Pagkapasok ko ay hinanap ko agad kung nasaan sila Dannah. Hindi ko alam kung  bakit sila ang hinahanap ng mga mata ko imbis na humanap ng mauupuan. Huminto ang paningin ko sa stage at nakita kong nakaupo roon sila Hadley at Ford, magkatabi sila at seryosong nag-uusap. 

"Sa stage raw tayo." I gasped when I felt someone spoke behind me. Napalingon ako sa nagsalitang si Silver na ngayon ay nauunang maglakad patungo sa stage. My feet was hesitant to walk. First of all, bakit kami lulugar sa stage?

"Tara." Rinig kong aya ni Hadley at Ford sa isa't isa at iniwan ako.

I followed with a confused mind.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakumpleto na kaming lahat. Napuno na rin ang buong Hall at dumating na rin si Mr. President. Katabi ko sa upuan si Silver at si Denver. Mas ayos na 'to kaysa sila Hadley pa ang makatabi ko because for sure I can feel nothing aside from awkwardness.

"Siguro naman alam na ng lahat na nasunog ang main building at ang girl's dormitory." Panimula ni Mr. President na ngayon ay nakaharap na sa mga estudyante. Kitang-kita ko ngayon ang malapad niyang likod at malaking pangangatawan na nababalutan ng isang pormal na kasuotan.

"Siguro naman alam niyo na kung bakit nandito ang sampong ito sa harapan niyong lahat." 

Bakit kami mismo hindi namin alam? Why are we here by the way? Bida kami ngayon, ganon na?

"I asked the all of you to vote. Sinabihan ko kayong ilagay sa isang pirasong papel ang kung sino sa tingin niyo ang may kagagawan ng sunog." 

And why aren't we aware?!

"Ang sampong ito ang may pinakamaraming boto." 

"What the hell?!" I snapped, but Silver was fast enough to prevent me from making another scene. 

Bakit kami? Bakit kami ang pinaghihinalaan nila? At higit sa lahat, bakit hindi namin alam na nagbotohan pala sila? This is crazy! Is this some kind of set up of what?

"Bakit hindi namin alam na nagbotohan pala?" Si Ford ang naglakas ng loob na magtanong. Exactly! At bakit hindi ito nakarating sa amin? This is so unfair! We can't even defend our sides!

"Because since the very beginning, the ten of you are the primary suspects of this incident." Mr. President told us and the students had plastered a devilish chuckle on their faces.

We can't even say a word.

Mr. President started with the tally.

"Hadley Farell got 52 votes. Siya ang number one suspect." 

Or is this some kind of joke?! Well, this one isn't funny at all. Hadley is sick that time, so paano niya magagawang sunugin ang girl's dorm at main building? At higit sa lahat, bakit niya naman 'yon gagawin? I know Hadley, hindi niya 'yon magagawa.

"Bakit ako?" Tanong ni Hadley na ngayon ay gulong-gulo na. Her eyes is roaming around the hall, seeking for answers. Pero lahat sila ay nakatingin lang sa amin. Ang iba ay nakangisi, habang ang iba ay walang ka-emo-emosyong nakatitig sa gawi namin. 

A student stood up kaya napatingin ang lahat sa kaniya.

"You set the girl's dorm and main building on fire! You wanted to kill Quinn kaya mo sinunog ang main building pero nang malaman mong nasa girl's dorm na pala siya ay pati 'yon ay dinamay mo! Nagalit ka sa kaniya dahil hindi ka niya tinratong kaibigan kaya mo 'yon ginawa!" Sigaw ng babaeng nagngangalang Leah na sinang-ayunan ng lahat. My lips parted, I'm so shocked to the point that I can't think straight. 

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko pero ko hindi 'yon pinansin at kahit ayaw ko siyang tingnan ay ginawa ko pa rin. Pero akala ni Hadley kaya ako nakatingin kasi napaniwala ako. Pero hindi. Alam kong hindi niya 'yon magagawa.

Kilala ko si Hadley.

"No! No! That's not true! Hindi ako galit sa'yo kaya hindi ko 'yon gagawin! Wala akong ginagawang masama!" 

"Liar!"

"Bitch, stop lying!"

"Umamin ka na!"

Samu't saring mga sigawan ang naririnig ko. Kung kani-kaninong boses ang rumerehistro sa pandinig ko pero isa lang ang pinararating ng mga boses na iyon. Na sinungaling si Hadley at dapat na siyang umamin.

No. That's not true. Hadley sees me as a friend. Hindi niya 'yon gagawin sa akin. Hindi niya 'yon magagawa.

"Sapphire, don't listen to them. Listen to me. Listen to me please. Alam mong hindi ko 'yon magagawa sa'yo 'di ba?" Pagmamakaawa ni Hadley na para bang maiiyak na. Ngayon ko na lang ulit siya nakitaan ng takot.

"Ms. Farell, the majority wants you out. I will have you suspended for the meantime to investigate further." Anunsyo ni Mr. President kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Nagsigawan pa ang mga estudyante na animo'y tuwang-tuwa sa naging hatol ni Mr. President. 

Sa isang iglap, may mga naglabasang tauhan ni Mr. President mula sa magkabilang gilid at walang ano-ano'y hinawakan ang magkabilang braso ni Hadley na ngayo'y hindi na alam ang gagawin.

"Wala akong ginagawang masama!" Sigaw pa niya habang kinakaladkad siya palayo.

"Wala ba tayong gagawin? Baka kung anong gawin nila kay Hadley kahit suspension lang 'yon." Nag-aalalang tanong ni Dannah sa amin.

"Kapag si Mr. President na ang nagsalita, wala ng pwedeng tumutol. Rules are rules." Sabi ni Denver na nakatingin rin kay Hadley na ngayon ay nagpupumiglas. Nagtama ang mga mata namin at sa isang iglap ay bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. She's begging for my help. She needs my help. 

Nagtatalo ang isip ko. May parte sa akin na ayaw ko siyang tulungan at manatili na lamang rito sa kinauupuan ko dahil baka tama pala ang sinabi ni Leah na nagawa 'yon ni Hadley dahil sa galit sa akin. Pero gusto ko rin siyang tulungan dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi niya iyon magagawa sa akin.

But... if I don't help Hadley, if we don't help her what's going to happen with her? 

"To every rule there is an exception." I stood up with my clenched fists. My eyes shifted to Silver. Nakangiti ito sa akin ngayon na para bang may kung anong iniisip. But he looks proud.

"And a fearless one is ready to demonstrate it." He commented kaya napakunot ang noo ko pero sa ilang segundo naming pagtititigan ay nakuha ko na ang ibig sabihin ng ngiti niya. Alam niya kung ano ang binabalak kong gawin. Alam niyang gagawin ko na ang tama ngayon.

"Go." I moved when he gave me a signal. I ran as fast as I can. Takbo lamang ako ng takbo patungo kay Hadley at nang maabutan ko siya ay agad kong hinatak pabalik ang malamig na kamay niya. 

Maybe she's a friend for you too.

Yes.

Hadley is a friend.


_

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now