Naglalakad na siya papasok sa gated park ng may marinig siyang dalawang babaeng nag-uusap ng tagalog.

“Kumusta naman ang mga amo mo Noor?” tanong ng isang babaeng kaharap nito na mahaba ang buhok. May hawak itong stroller sa tabi at mukhang pinatutulog ang batang nasa loob nito.

“Maayos naman sila ma’am at sir, Sonia. Yang alaga mo ba e tulog na o baka nahilo na yan sa kakayugyog mo.” Sagot naman ng nagngangalang Noor.

Nahihiya man pero kinapalan na niya ang kaniyang mukha at nilapitan ang dalawa. Wala pa kasi siyang nakilalang mga filipinos dito sa Canada simula nung dumating siya. Pero may nabanggit ang kaniyang among lalaki na may Filipino community raw dito sa Ontario.

“Hi,” bati niya sa mga ito na ikinalingon ng dalawa “sorry ha kung naging epal ako. Narinig ko kasi kayong nag-uusap kanina e. Masaya lang ako at may mga pilipino rin pala dito sa Ontario.”

“Anong pangalan mo?” tanong ng babaeng nagngangalang Sonia.

“Ako nga pala si Danica. Nasa eight floor kami nakatira ng alaga ko.” Sinilip niya si Bella sa stroller nito. Napangiti siya ng makita niyang nakatulog na pala ang batang binabantayan.

Tumayo ang isang babaeng nagngangalang Noor at inilahad nito ang isang kamay. “Ako naman si Noor. Magkakapitbahay lang pala tayo sa 8th floor. Teka tatawagin ko muna ang iba pa.” Umalis na ito sa harapan nila.

“Maupo ka muna.” Yaya ni Sonia sa kaniya.

“Salamat”

“Anong number ng condo ninyo?” usisa ng babae

“Sa 807 kami.”

Nakita niya ang paghinto ni Sonia sa pagyugyog ng stroller. “Yung mga Lim ba ang amo mo?”

Tumango siya.

“Naku mag-iingat ka sa babaeng amo mo dahil iilang katulong na ang kinuha ng mga yan sa agency. Kaya lang hindi tumatagal ng isang buwan at nagpapalit na naman. Wala pang apat na buwan ang mag-asawang yan dito sa building kaya hindi namin masyadong kilala ang mga yan. O andito na pala si Sandra” lumapit si Sonia sa kaniya at bumulong “dating naninilbihan si Sandra dun kaya lang pina-alis kaagad ng among lalaki matapos ang dalawang araw.”

“Danica, si Keery, Elvie, Sandra at Niccai. Sina Keery at Sandra ay taga 2nd floor nakatira. Ang yaman ng amo ng mga ‘to at ang pogi pa.”

“Naku huwag mo ng pagnasaan ang amo namin dahil wala ka ng pag-asa dun.” Wika ng babaeng Sandra ang pangalan. “Ako pala si Sandra.”

“Ako naman si Elvie.”

“Niccai magkasama kami ni Elvie. At amo namin sina Amyra at Enrique Iglesias yung singer.”

Napakunot-noo siya. “Sino yan?”

“Hindi mo kilala si Enrique!?” gulat na tanong ng mga bago niyang kaibigan.

Natatawang umiling siya. “Hindi talaga e”

“E sina Jane at Edzyr kilala mo?” tanong ni Sonia “sila ang mga amo ko. Hindi mo nga sila makikilala dahil hindi naman sikat ang mga yun.”

“Abnormal ka talaga my lagalabz.” Saway ni Noor kay Sonia.

“Totoo naman e.”

Napatawa na lang siya sa kulitan ng dalawa. Ilang oras din siyang nakikipag-usap sa mga ito. Naramdaman niyang magaan na ang kaniyang loob sa mga bago niyang kaibigan. Masaya kasama ang mga ito dahil laging may biruan at kulitan. Alas dos na ng hapon ng magpa-alam na siya sa mga ito. Hihintayin pa kasi niya ang school bus ni Rupert sa tapat ng condo nila. Pagkatapos niyan ay pakakainin muna niya ng snacks ang bata at magluluto na siya ng hapunan.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now