Chapter 13: Red light

Beginne am Anfang
                                    

Then he left.


I was so guilty the whole time.

Tahimik akong nakaupo rito sa infirmary habang nakakatitig sa sahig. Kasama ko sila Silver at Sapphire rito sa loob. Kalmado na si Silver pero si Sapphire ay matalim pa rin ang mga mata.

Muling nagflashback sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina. Okay na sana, makakalusot na sana kami pero may nakakita sa amin at doon nagsimula ang lahat. Ni hindi man lang sila nagtanong, basta na lang nilang sinaktan si Ford habang ako ay hinawakan nila nang sobrang higpit.

The door swung open. Nanlaki ang mga mata ni Blake nang makita ako rito. Napatayo na rin ako dahil sa gulat. Mukhang nakarating na rin sa kaniya ang balita.

The door opened once again and Risei entered with a mad expression. She's glaring at me. Bigla akong natakot. "What the hell did you do, transferee?!"

Galit na galit siyang lumapit sa akin pero may malapad na likod na humarang sa harapan ko. It was Blake.

"Anong nagawa ni Dannah sa 'yo?" 

"Tumabi ka diyan." 

"Hindi," pagmamatigas pa ni Blake. Napakapit ako sa damit niya. Alam kong disappointed at galit siya sa akin ngayon pero pinili niya pa rin akong protektahan.

"Pinahamak niya si Ford! Siya ang dapat naparusahan!" Bigla akong natigilan. Tama naman siya. Pinahamak ko si Ford. Kung hindi dahil sa kagustuhan kong makita ang kapatid ko, hindi mangyayari 'to kay Ford. Hindi siya mabubugbog. Hindi siya mapaparusahan.

"Risei, what are you talking about? Ford did that to himself." Napatingin kaming lahat kay Silver nang bigla siyang magsalita.

"Ford did that to himself?! Are you kidding me?" 

"Even if it's his idea or not, choice niya pa rin kung itutuloy niya."

Nanggigil bigla si Risei sa narinig mula kay Silver.

"It's his choice. Calm down."

"Whatever." Sa isang iglap bigla na lamang tinulak ni Risei si Blake paalis sa harapan ko at walang pasabi akong sinampal. Nalasahan ko agad ang dugo mula sa pumutok kong labi. Ang lakas ng sampal niya. Ang sakit. Para bang nagmanhid ang buong kaliwang pisngi ko.

"Risei!"

Bigla ko na lamang naramdaman ang magkabilang kamay ni Risei sa buhok ko at marahas itong hinihila. Napapikit at napadaing ako sa sakit. Parang mabubunot ang bawat hibla ng buhok ko. Hinampas-hampas ko ang kamay niya pero wala pa rin. 

Blake tried to protect me. Even Sapphire Quinn is pulling her away.

"Don't touch me!" 

"Risei, stop!" 





⪼ R I S E I

After I've let the bowstring go, I watched how the arrow misses the target. This is the fifth time and I'm about to break this stupid thing. I tried it again, but failed. Nabato ko na lamang ang bow na hawak hawak ko dahil sa inis.

Risei, stop!

Muli ko na namang naalala ang sigaw sa akin ni Ford. Sa sobrang sama ng loob ko that time ay hindi na ako nagdalawang-isip na lumabas. Nakakainis kasi! Ano bang meron sa Dannah na 'yon para ilagay ni Ford ang sarili niya sa alanganin? Ano bang meron sa babaeng 'yon para ipagtanggol siya ni Sapphire?

"Damn!" Sigaw ko at sinipa pa ang bow pero may umapak rito. Umangat ang tingin ko at para bang mas lalo akong nainis nang makita ko sa harapan ko si Blake. I rolled my eyes at him. Isa pa 'to.

"Leave me alone." I turned my back at him and all I could hear is footsteps getting closer. "I said, leave me alone!" Sigaw ko sa kanya at agad siyang hinarap. Napahinto ito sa paglalakad at inosente akong tiningnan.

"Hindi. Gusto kitang kausapin." 

Napairap ako sa inis nang marinig ang sinabi niya. Yung inis na 'to, parang may luha nang kasunod. 

"Fine, ako na lang ang aalis." Akmang lalagpasan ko na sana siya pero hinigit niya ang braso ko. Marahas ko namang iwinakli ang kamay niya. Anong karapatan niyang hawakan ako?! Ever since he asked me a favor ang feeling close na niya sa akin!

"Hindi ko gusto ang ginawa mo kay Dannah," he confronted me. I only stared at him in disbelief. Many people have already confonted me because of how I treat other people and react to certain circumstances. So does he think this would scare me?

"And so?" I rolled my eyes and was about to leave again, but he caught my arm. I glared at him, he doesn't glared back, but his gaze was enough to make me speechless.

"Mag-sorry ka, please?" 

The guts of this new student. Now I'm completely speechless.

As If I'm going to do that. Sa parents ko nga hindi ako nag-sorry noong iniwan ko sila para sa Academy na 'to, sa katulad pa kaya ni Dannah?

"Sino ka sa tingin mo para utusan ako?" Tanong ko sa kanya at tinaliman siya ng tingin. 

"Ako ang iyong konsensya." 

"Are you fucking kidding me?!" Sigaw ko sa kaniya at marahas na iwinakli ang pagkakahawak niya sa braso ko. This will be the last time na kakausapin ko ang lalaking 'to. Naiinis ako. Hindi ko gusto ang presence niya.

"Wait, Risei!" Narinig ko ang paghabol niya sa akin kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad. When he grabbed my arm again, that's when I lose my shit completely. I threw a punch, but he dodged skillfully. I hit his shoulder and he stumbled back. "Magtatanong lang ako! Walang sakitan!" Sigaw niya habang nakahawak sa parteng tinamaan ko.

"I won't answe—"

"Nagkita na ba tayo noon?" He asked, cutting my words off. Unti-unting bumaba ang kamay niya kaya napatingin ako roon at nakakita ako ng isang singsing. 

It was the infamous pair of diamond ring.

And I own one.

"Risei?" He called my attention and when I saw his eyes and how soft they look right now, there's a pause in my heartbeat that made me completely out of words.

_

Infernio Academy 1: Touch of HellWo Geschichten leben. Entdecke jetzt