Part 62

2.9K 97 43
                                    

EIRIK

Dapat ba akong matuwa?

Dapat ba akong mainis?

Bakit hindi ako makagalaw?

Dapat ba akong magkunwari na casual lang ang pagkikita naming muli ni Migo?

Isang taon. Labing dalawang buwan ko siyang hindi nakita. Ganoong katagal ko siyang na missed. Tama. Na-missed ko siya. Walang nagbago.

Na missed ko nga ba talaga siya? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Bilis Eirik! Wag kang tumayo jan na parang tood.

"Pareng Eirik?!" Gulat na sabi ni Sonny sa akin. Pati siya walang pinagbago.

Harapin mo ako Migo. Wag kang duwag. Wag mo kong talikuran ulit. Wag mong ulltin yung ginawa mo sa akin at iiwan mo ulit ako ng isang taon.

Humarap siya. Tulad ko, nagulat din siya. Pero bakit hawak siya sa kamay ni Kim? Bakit ang sakit? Sila na ba?

The moment na humarap si Migo, nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko. Nagtama ang parehas naming gulat na mata. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Yung mukha niyang iyan. Yung mga mata niya. Yung kulay ng balat niya. Lahat yun na missed ko ng isang taon. Yan ang mukha ng taong mahal ko.

Excited na lumapit si Sonny tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Pareng Eirik, ikaw nga! Small world, is it?"

Ngumiti ako. Mayamaya din ay niyakap ko na din siya at kinamusta. Nagkunwari na casual ang kilos kahit na masakit sa akin na hawak ni Kim yung kamay ni Migo.

Baka OA lang ako mag-isip? Hawak lang naman ang kamay eh. Walang malisya. Wag kang paapekto. Holding hands lang yun.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Ikaw, anong ginawa mo dito?" Tanong ni Sonny. "Don't tell me ikaw ang naka booked dito ngayon?"

Magbabakasyon din ba sila? Bakit dito pa? Ang daming resort dito sa Boracay. Ano 'to, Biro o coincidence? Nakakatawa.

"Hoy, Utol!" Tawag niya kay Migo. "Ano ka jan? Halika dito! Si pareng Eirik o, andito siya!"

Parang mas excited si Sonny na makita ako.  Nakita ko na bumitaw si Migo sa kamay ni Kim.

Hindi kami nakapag-usap ni Migo. Napagkasunduan nila na sumama nalang sa amin.

Kami ang naka booked dito ngayon. Libre sa akin 'to ni Josh. Pa birthday niya kay lola na kahapon ay nag 80 anyos na.

Yung unang isang oras nila dito kasama namin, puro si Sonny ang nagkekwento. Nakikinig lang ako sa kanya. Paano ba naman, wala ako magawa kundi bantayan si Migo ng tingin. O mas okay na sabihin na hanggang tinginan lang kaming dalawa ni Migo. After one year, mauuwi lang kami sa titigan? Eto namang si Migo at Kim na laging magkasama. Ayaw na yata lubayan ni Kim si Migo.

Puro tinginan lang kami ni Migo tapos pag nagka-salubong mata namin, biglang iiwas siya at titingin sa iba. Bakit hanggang ngayon, sinasaktan mo pa rin ako?

Gusto ko sana siyang lapitan tapos hablutin at dalhin siya sa lugar na kaming dalawa tapos, tangina, tumakbo na kaming palayo sa lugar na 'to.

Hindi naman kasi dapat ganito. Hindi naman ako dapat na nasasaktan. Kapag sinabi ko ba kay Migo na mahal ko pa rin siya, maiitindihan na niya kaya? Hindi na ba siya matatakot? Ipagsisigawan na niya kaya na ako ang dapat na kasama niya?

Sana subukan ni Migo na tumingin sa akin. I can feel Migo's presence kahit na malayo kami sa isa't-isa sa loob ng isang taon. The feeling is so strong. I hope he really feel the weight of my stare ngayon.

Bae Meets DreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon