Part 68

2.7K 59 63
                                    

MIGO

Hindi ako pinatatahimik ng utak ko kakaisip sa kung ano nanamang plano ni Franco. He's been my greatest rival since high school. Hindi ko alam kung bakit matindi ang galit niya sa akin.

"Sir Miguel, gusto nyo po ba na umuwi?" Tanong sa akin ni Luke.

Habang hawak at tinititigan ko yung envelope na pinadala ni Franco, bigla ko naalala si Eirik. Bakit pati siya kailangan pang idamay ng putang inang Franco na yan?

"Luke, hatid mo na ako sa bahay. Pagod na ako."

Tumango si Luke. "Opo."

Palabas na kami ng opisina nang biglang pumasok si Dad. "WHAT THE HELL IS THIS?"

Padabog na nilapag ni Dad ang newspaper sa harap ko. Kasalukuyan pang nagkakalat ang mga urgent paperworks at payroll na kailangan ng pirma ko.

"Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng kahit kaunting kahihiyan? Nakuha mo pang ipamukha sa publiko na masama akong CEO. Those people na tinanggalan ko ng trabaho they deserve it! Mga anay lang sila sa kompanya ko!"

"Dad. Mali po na bigla bigla nyo nalang sila ipatanggal nang walang advance na paabiso. Dad, hindi ko naman intensyon na--" pinutol ni Dad ang sasabihin ko pa sana.

"DAMN YOUR MOUTH! SINO KA SA TINGIN MO PARA DIKTAHAN AT PAGSABIHAN AKO NG GANYAN? PURO SAKIT NALANG SA ULO YANG PINAGAGAGAWA MO SA AKIN! KUNG HINDI LANG DAHIL SA KAGUSTUHAN NI PAUL, HINDI KITA ILALAGAY JAN SA POSISYONG MONG YAN! I AM SICK OF YOUR WASTED JUVENILE EXCUSES, MIGUEL!"

I form my hands into a fist. Pinipigilan ko ang magalit sa kanya. Alam ko naman na labag na labag sa kalooban niya na ilagay ako bilang CEO sa kompanyang ito. I am trying my best real hard para makamit at maabot ko ang mga high expectations ni Dad sa akin. Pero, alam ko hinding hindi ko kailanman mahihigitan sa kanya si Kuya Paul.

"I'm sorry, Dad. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama." Tapos bigla akong lumabas ng office para makasagap ng sariwang hangin. I walk my way up sa rooftop. Dito lagi ang tambayan ko kapag toxic ako sa Dad ko. Tulad ngayon. Nakasunod si Luke sa likuran ko. Alam ko na hindi lang niya ako maiwan.

"Uuwi na po ba tayo, Sir?"

"Luke, you can go home now. Pahinga ka na."

"Paano po kayo?"

"I'll be fine."

Tumango si Luke at iniwan na ako dito sa rooftop.

Nasa ganung pagkakataon ako habang hawak ang sentido at humuhugot ng malalim na hininga nang biglang nag ring ang phone ko. Si Chase.

"Sa wakas sinagot mo din. Tara dito sa bahay may dinner akong hinanda para sayo. I just want to say I'm sorry." Sabi ni Chase sa kabilang linya kasabay ng kanyang usual calm and monotone manly voice.

Pinagbigyan ko ang kahilingan ni Chase. I drive myself sa place niya. Habang nasa daan ako, walang ibang laman ang utak ko kundi si Eirik dahil sa kanya lang ako humuhugot ng lakas.

Nang nakarating na ako sa bahay ni Chase, medyo nagtaka ako kase may dalawang kotse ang naka park sa tapat ng bahay ni Chase. Kilala ko si Chase, wala naman siyang hilig sa luxury at sports cars kaya imposible na sa kanya ang mga ito. Ganun din si Candice. Kaya lalo akong na puzzled sa kung anong mangyayari ngayong gabi.

Pumasok ako sa loob pagtapos akong pagbuksan ng maid nila Chase. Pinapunta niya ako sa salas. Habang papunta at naglalakad ako sa salas, iba ang kaba ko lalo na nung may mga pamilyar na boses akong naririnig.

Nang nakarating ako sa salas, nakita ko agad si Josh may kausap siyang lalaki nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. Kinabahan ako kase Josh looked my way tapos yung hinala ko sa lalaking nakatalikod at nakaupo ay tama kase si Eirik yon.

"Migo!" Eirik suddenlly stood up. Marahil nagulat din siya kagaya ko. Agad niya akong nilapitan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Eirik habang hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan ko sobrang gulat at lito ako. "Anong ginagawa mo dito Eirik sa bahay ni Chase tapos kasama mo pa itong si Josh?"

"Hindi ko alam, baka tulad mo pilit lang akong sinama dito ni Josh. Ipapaalam ko naman sayo eh kaso andito ka din pala." Sabi ni Eirik.

"Ha? Pinapunta ka ni Chase dito? Paano?"

"Hindi ko alam. Maniwala ka. Hindi ko alam."

Naniniwala ako sa sinabi ni Eirik. Ramdam ko naman yung honesty ng kasagutan niya sa akin.

"Ipapakita nyo talaga kung paano nyo na miss yung isa't-isa?"

Napatingin kami sa nagsalita. Si Mac lumabas mula sa kusina at may dalang whiskey. Kutob ko na baka sa kanya yung isang sasakyan sa labas.

Baka andito din si Franco.

"Ba't andito ka?" Tanong ko kay Mac.

Mac put his hands in the air as if sumusuko sa awtoridad. He shrug his shoulders. "Wala rin akong idea. Basta ang alam ko masarap ang alak na iniinom ko ngayon."

"Andito ka na pala."

Chase said habang pababa ng hagdan.

"Chase ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit kami andirito?" Tanong ni Eirik.

"Mabuti pa simulan na natin ang dinner." Tumango si Chase sa maid nila. Hindi niya pinansin yung tinanong sa kanya ni Eirik.

Iba ang kutob ko kay Chase.

"Umalis na tayo dito." Bulong ko kay Eirik.

"Hindi ka rin ba komportable?" Bulong niya.

"Ikaw ba komportable ka?"

"Oo kase andito ka eh." Tapos he lighty punch my right arm.

Parang ayos lang kay Eirik ang lahat, hindi ko alam kung pinapagaan lang ba talaga niya loob ko o baka katulad ko, tense din siya? Pero hindi naman siya mukhang tense tulad ko ngayon.

Nang lahat kami ay nasa mesa na, nagsalita si Chase.

"Migo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko lang sagutin mo ang ilang katanungan ko sayo nang buong katapatan."

Katabi ko si Eirik sa kaliwa. Si Josh at si Mac naman ang nasa kanang bahagi ng mesa. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Eirik ng kamay ko.

"Nagmamahalan ba kayong dalawa ni Eirik, Migo?"

Tanong ni Chase na kinagulat ng lahat.

Itutuloy...

Facebook.com/BaeMeetsDre

Bae Meets Dre © 2020

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bae Meets DreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon