Part 21

5.1K 135 3
                                    

MIGO

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay.. "Migo.." Nananantya ang boses niya habang binabangit niya ang pangalan ko.

I gave him a questioning look. Hindi ako sumagot. Inaantay ko lang ang sasabibin niya.

"I'm not over you yet... I want you to know that I'm here. Don't forget that." Lakas loob niyang pagtatapat sa akin.

Teka, teka, no, NO! this can't be happening! not you as well. Sana alam ko ang contact number nila John Travolta at Nicolas Cage, tatanungin ko kung saan sila nagpa- face off. Balak ko nang magpapalit ng mukha e! haay.. ba't ba kase Miguel, Miguel!

"Ichan–" Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko kaya di ako makapag salita, I am finding the right words to say to him without giving him a hint na sasaktan ko siya, kung pwede lang sana.. I tried to clear this obstruction. "Pasensya na – I mean, mag usap nalang tayo next time."

I turned, but he grabbed my arms and he spun me around.

"I'll prove you that I am the right one for you, Migo." Ichan say those with voice full of confidence.

Suddenly, I felt pity on him. Bakit ba 'to nangyayari sa akin? Ganun ba ka attracted yung charm ko?

Nang matapos na ang party, habang nakasakay ako sa kotse, habang traffic, napadako ang tingin ko sa isang billboard.

HAVE YOU EVER WISH TO BE SOMEONE YOU'RE NOT?

mukhang may pinapatamaan ang billboard na 'to..
Ako? oo, matagal ko nang hinihiling na sana iba nalang ang pagkatao ko. Kaso, sa sitwasyon ko, imposible, nakadikit na sa buong pagkatao ko ang apelyidong "Francisco"

"Hey utol, anong trip yan? tahimik mo a," untag sa akin ni Sonny. Kanina may kausap 'to sa kanyang telepono, feeling ko may mag aaya nanamang mag inom or something. Sana nga, sana may mag aya. Dahil gusto kong magpakalasing ngayon. Yung tipong wasak. Para pag uwi ko sa condo, matutulog nalang ako. Kapag ganung ang nangyari, di ko maaalala ang mga nangyari sa araw na 'to. Kabwiset!

Nang makarating na kami sa Condo, nagpaalam na si Sonny na uuwi na daw muna. Kaya nang maka alis na 'to, siyang pasok ko naman sa elevator. Nang nasa may palapag na ako ng condo ko, I saw Ate Sabel sa may tapat ng pintuan ko. Naku! Baka malaman niya na may ibang tao ngayun sa unit ko! Nagmadali ako ng lakad. Bago pa man maka pag doorbell si Ate Sabel, nabanggit ko na agad yung pangalan niya na siya namang lingon niya.

"Ate sabel, what are you doing here?" Hingal na tanong ko sa kanya. hmm.. Okay medyo kabado din ako na baka malaman ni Ate na may ibang kasama ako sa unit.

"Naku, sir Miguel! buti nalang at nakita kita. Kanina ka pa daw kasi tinatawagan ni Don Jaime, di mo daw sinasagot mga tawag niya kaya pinapunta naman ako dito ni Senyora para sunduin ka," aligagang sambit ni Ate Sabel. Halata na may iba pa 'tong di sinasabi sa akin.

"Okay, bakit naman daw? Papahiyain nanaman ba nila ako in front of their business partners?"

"E sir Miguel, ang totoo niyan.."

"Ano? Say it Ate, pinapakaba mo naman ako e,"

"Gagawin ka na daw nilang CEO agad agad.."

"What?!! All of a sudden? Sigurado ka ba jan Ate?" Di ako makapaniwala sa binalita ni Ate Sabel sa akin. Bakit kaya napakabilis naman ng desisyon ni Papa? I checked my phone, Dad has 8 missed calls while Mom has 12, ano, ganun ba 'to ka urgent? Agad agad talaga?

Agad ko namang pinaalis si Ate Sabel at binilinan ko na susunod nalang ako pero, nag insist pala daw si Mama na hindi siya aalis ng hindi ako kasama. Haay... Ano ba naman!

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now