Part 38

3.7K 84 3
                                    

Kim Domingo as Kim Dominguez. Nagbabalik para maghiganti o may binalikan? Kaaway kaya siya o kakampi? Hmmmm...

-----

MIGO

Halos magtatatalon sa tuwa ang anak ni Chase. Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko, pero magaan ang loob ko kay Hitori. She is a sweet girl. Kaya pala nasabi ni Chase sa akin noon na si Hitori ang nakabihag sa puso niya. Wala namang kasalanan yung bata kaya hindi ko siya dapat idamay sa kung ano man ang nakaraan sa pagitan namin ni Chase noon.

Medyo mataba si Hitori, at maputi, mana sa nanay. Siguro yung nanay niya, mataba. Hindi naman mataba si Chase. Chase never tell a story about Hitori's mother. Hindi na rin naman ako nagtanong pa, gusto ko na si Chase mismo ang kusang magkwento sa amin nun. Baka isipin lang ni Chase na may ibig sabihin yun pagtanong tanong ko sa kanya about sa nanay ni Hitori. Mahirap na, I should keep a distance. Baka isipin ni Chase, interesado ako sa gusto niyang mangyari.

Alam ko naman na hindi pa nakaka get over si Chase noon. Hindi ko lang pinapahalata sa kanya na nakukutuban ko na siya.

Naaalala ko nanaman yung sinabi niya sa akin noong birthday ni Hitori,

"I'm not over you yet... I want you to know that I'm here. Don't forget that."

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpakita kay Chase. Kase alam ko, the more na nagkikita kami, the more lang na hindi siya makaka get over.

Yun lang naman ang gusto kong mangyari. Ang maka get over na siya at bumalik na kami sa dati. Yung magkaibigan lang. Walang tinatago sa isat isa.
Kaso mukhang malabong mangyari yun.

Haay!!!

Gamit ang kotse ni Chase, pumunta kami sa Glorietta 3. Si Sonny ang nagmaneho. Sila Chase at Hitori nasa harapan. Ako naman nasa likuran. Nahiga ako muna. Grabe. Bat ba ako nagka pimple? Nasan ang hustisya?

"Utol, wag kang matulog ha," sabi ni Sonny. Tinitignan nya ako mula sa rear view mirror. "Kukwentuhan mo pa ako diba?"

"Pwede ba magmaneho ka nalang? Wala ako sa mood magkwento." Sabi ko. Nakahiga na ako nito.

"Hayaan mo na muna siya Sonny," sabat ni Chase. "Magkwekwento din yang si Migo, right Migo?"

"Buti ka pa naiitindihan mo ako Chase, kaya mahal na mahal kita eh." Sabi ko.

"Hay nako. As usual, Nanjan na si Chase para ipagtanggol ka," sabi ni Sonny. "Kung nandito lang si Jepoy, naku baka kinaltukan na kayo nun!" Sabi ni Sonny habang tatawa tawa.

"Alam mo Chase, kaya lumalaki ulo niyang ni Migo eh. Alam niya kase, nanjan ka na. May magtatangol nanaman sa kanya." Dagdag pa ni Sonny.

"Ano na pala balita kay Jepoy?" Tanong ni Chase.

"Wala kaming balita dun ni Migo, ni hindi nga namin alam kung asan siya sa states eh." Sabi ni Sonny. "Ikaw? Baka alam mo kung paano siya kokontakin? Baka friend mo siya sa social accounts mo."

"Actually, friend ko si Jepoy sa dati kong Facebook. But I don't think active pa yung account na yun. The last time I checked, yung huling post niya last 9 months ago pa." Sabi ni Chase.

"Grabe din yang si Jepoy no? Wala daw kalimutan, eh asan na siya ngayon?" Sabi ni Sonny. "Ni contact nga niya wala man lang may alam sa atin. Grabe. Kinalimutan na yata tayo nun."

"Eto naman nagtampo ka naman agad," ani Chase. "Baka busy lang talaga yung tao. Wag muna nating i misjudge yung pangyayari. Malay niyo, one of this days, bigla nalang siyang magpakita sa atin. We can never tell. Life is full of surprises."

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now