Part 15

6.9K 175 1
                                    

EIRIK

kasalukuyang naglalakad ako pauwi galing trabaho. Grabe ang daing tao kanina sa shop. Dinagsa kami. Ganito naman lagi kapag payday. Nakaka pagod. Di kanina magkanda mayaw mga kasamahan ko sa sobrang dami ng taong gustong magpagupit, pedicure, rebond, coloring at kung anu ano pa.

Buti nalang at day off ko na bukas. Makakapag pahinga na din ako.

In my surprise, bigla kong naalala si Migo nang makakita ako ng isang bata na naglalaro ng laurang kotse-kotsehan. Kaparehas pa iyon ng kulay ng kotse ni Migo.

Napangiti ako na tila isang batang maliit na binigyan ng matamis na chocolate.

Kamusta na kaya yung baby face na yun?

Yan na yung bansag ko sa kanya..

"Baby face" di kasi halatang bente anyos na siya. Mukha siyang sixteen.

Aaminin ko, medyo madalas ko na siyang maisip nitong mga nakaraang araw.

Ewan ko ba, bigla bigla ko nalang siyang naaalala.

May mga pagkakataong nakikita ko siya sa kung saan kahit na alam ko na ako ay namamalik mata lamang.

Ano kayo tong nararamdaman ko?

Aaminin ko, miss ko na siya.
Gustong gusto ko na talaga siyang makita muli.

Kaso, ni hindi ko man lang pala natanong ang number ni Migo.

Tanging kay Sonny lang ang alam ko na numero. Nahihiya naman ako na hingin ang number ni Migo kay Sonny.

Nasanay na kasi ako na lagi siyang nandyan...

Yung mga papunta punta niya sa bahay..

Yung mga pasopresa niyang pagbisita.

Minsan nga di na ako nasosopresa dahil inaasahan ko na na dadating si Migo sa bahay.

Minsan, napapaisip ako na sana, ako ang dahilan ng madalas na pagbisi-bisita ni Migo sa bahay..

Loko yun, laging sinsangkalang ang Lola.

Minsan nga nung isang araw na di nakapunta si Migo ay nagtanong at hinanap na siya ng Lola.

O diba, kahit ang Lola, gustong gusto na din si Migo.

Naging busy na din ako sa trabaho nitong mga nakaraang araw. Paubos na kasi yung gamot na iniinom ng Lola.

Nakakabawi naman ako sa mga tip ng mga guest namim sa shop at yun naman ang ginagamit ko na budget. Iniipon ko iyon para sa pangkain namin sa araw araw ng Lola.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si kuya Kanor, yung nagtitinda ng fishball.

Tinignan ko sa bulsa ko kung may natira pang barya. kanina sa shop pinag aarbor ng katrabaho ko mga barya ko pang yosi nila.

Hmm..may dose pesos pa ako. Ayos.

Tumungo ako kay kuya kanor. Binati ko ito. Matagal na akong suki ni kuya Kanor sa mga tinda niyang fishball.

Lagi na akong nabili sa kanya kapag break time kapag nakita ko siya na naligaw sa lugar kung saan ako nagtatrabaho.

Pag di ko naman siya nakita, aabangan ko siya sa pag uwi.

"O suki! kanina pa kita inaabangan dun sa may kanto kanina, bat di kita nakita?"

Sabi ni kuya Kanor habang hinahalo ang mga tinda niyang fishballs, squidballs, at maliliit na hotdogs.

Isang food cart business ang pinagkaka-abalahan ni kuya Kanor.

Nagtitinda siya ng kwek-kwek, bato-bato, isaw, dugo, itlog ng pugo, meron din siyang palamig at iba't iba pang street foods.

Bae Meets DreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang