Part 2

14.3K 327 8
                                    

MIGO

Sobrang kulit naman ng babaeng to.

Naku kung naging lalaki ka lang, sinapak na kita.

"Hey, what's going on here?"

Buti naman at nandito na tong si Sonny.

Napatingin ito sa katabi kong babae na may kasamang ngiting aso.

"Hi miss, you look very very familiar"

Sabi ni Sonny habang kinukumpas pa ang hintuturo. sabay upo ng pabagsak. At tumungo sa lamesa.

Kilala ko itong si Sonny.

Oo. Adventurous ang mokong na ito.

Pero kahit kailan di ko ito nakitang di natutumba kapag may ganitong inuman.

Kita mo to.

Lasing na lasing na lasing na.

Lakas mag-yaya, siya pala tong unang mana-knock out.

Naikusot ko ang palad ko sa aking mukha.

Puta.

lasing na nga pala to.

Haay.. ano ba naman yan.

Naloko na.

Paano ko kaya ito malulusutan?

Isip Migo! isip!

----------

EIRIK

Kasalukuyang nag-lalakad ako ngayon papunta sa pinagta-trabahuan ko jan sa may kanto.

Birthday kasi ngayon ng ka work mate ko.

Nagyayaya siya ng inuman.

Ganito kami lagi.

Kung sino ang may birthday, siya ang taya sa alak.

Mag-iisang taon na akong nagta-trabaho bilang barbero sa isang kilalang group of salon na marami ng branches sa iba't ibang lugar dito sa Maynila.

Pinasok ako dito ni Denver.

Noong una, ayoko naman sa ganitong klaseng trabaho.

Halos ang mga nakakasalamuha ko dito araw araw ay mga customer na nagpapa-relax, pakulay ng buhok, manicure, pedicure, hair waxing, rebonding at kung anu ano pang pampaganda na involve lahat ang kababaihan.

Oo.

May mga pagkakataon din na napag-kakamalan akong bakla - dahil nadin sa nature ng trabaho ko.

Lalo na at yung ibang kasama ko sa trabaho ay pulos bading.

May kasama akong dalawang babae sa trabaho.

Yung isa sa front desk kaso may edad na ito.

Yung isa naman..

Sayang.

Sayang kasi naging tomboy siya.

Maputi siya, chinita. Sakto lang ang katawan niya.

Mas matangkad ako sa kanya.

Pag nagtatabi kami, abot siya sa may balikat ko.

At naka undercut ang hairstyle.

Blonde naman ang kulay ng buhok nito.

Ang ganda niyang tomboy.

Kung di lang siya naging tomboy, liligawan ko yun.

At malamang baka kami na ngayon.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid habang medyo nagma-madali na sa paglalakad.

Bae Meets DreOnde as histórias ganham vida. Descobre agora