Part 34

3.4K 83 9
                                    

Sweetest Mistake, yan ang label ni Chase kay Migo.. Alamin kung bakit. Tuloy lang po sa pagbabasa. Salamat sa mga naghihintay ng update..

------

CHASE

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong tulala. Kung di pa ako binusinahan ng malakas ng sasakyang nasa likuran ko, baka hanggang ngayon, tulala pa din ako.
Kanina pa pala green ang traffic light.

May luha nang tumulo sa kanan kong mata. Masakit. Sobrang sakit.
Bakit kasi ikaw pa?
Bakit ikaw pa?
Bakit sa dinami daming tao sa mundo ikaw pa ang nagustuhan ko Edward Miguel?

Matagal ko nang pilit na kinalimutan tong pakiramdam na 'to.
Ginawa ko na lahat.
God knows.

But the feeling is like a bruise so hard to erase. Parang permanent tatoo. Imposible nang mabura.

This pain is indescribable,
This unrequited love I feel for him is getting worse .

Bakit ikaw pa rin? Bakit kahit paulit-ulit kong piliting wala nang pag-asa, ikaw pa rin ang pinanloloko ng puso ko sa utak ko?

Gusto nang kasuhan ng utak ko ang puso kong mala-budol budol ang modus. Sasabihin niyang pwede pa kayo pero sa totoo lang, wala talaga.

Ito namang tanga kong utak, nagpapaniwala sa puso ko. Eh kung tutuusin, siya ang may kontrol sa puso ko. Mahina talaga. Marupok kung umibig.

At sa bandang huli, alam kong ako rin ang talo. Pakatanga eh. Asang-asa sa mga bagay na gawa-gawa lang ng emosyon.

Muli nanamang tumunog ang telepono ni Migo, hinahayaan ko nalang iyon. Kusa namang nawawala tapos tutunog nanaman.

FLASHBACK..

Napagkasunduan namin ni Migo na mag inom nung gabing iyon. Parehas pa kaming may pasok bukas nun, pero okay lang. Okay lang na malasing, siya naman ang kasama kong malalasing eh.

"Junior nalang tayo ha." Sabi ni Migo. "Okay lang ba sayo?"

"Oo kahit ano. Okay lang." Sabi ko.

"Teka, hindi ka nga pala umiinom ng hard no?" Tanong ni Migo. "Sure ka bang kakayanin mo 'to?"

Tumango ako. "Kakayanin. Sanay naman ako na kinakaya mga bagay bagay eh."

Tumingin sa akin si Migo habang binubuksan ang alak at nilagay sa pitsel na may yelo. Sana hindi niya nahimigan na may laman ang huling sinabi ko sa kanya.

"Grabe ka." Sabi niya. "Lasing ka na agad? Di pa nga tayo nagsisimula. Haha."

Umupo kami sa sahig. Naka sando lang siya na black ako naman, t shirt. Nagring ang phone ni Migo. Tumayo ito at sinagot ang tawag.

Hindi ko na naman inalam kung sino kausap niya, saglit lang kase dumating na siya agad. Baka si Jepoy lang yun o si Sonny.

"Oh game na." Sabi ni Migo at umupo na sa sahig. Nagsalin ito ng alak sa baso at tinungga lahat ng laman nun. "Ahhh.. Grabe, sarap! Oh ikaw na, lagyan na kita ha."

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now