Part 36

3.5K 90 14
                                    

MIGO

"GOOD MORNING SUNSHINE!!!"

"Uyyy!!!"

Nagulat ako sa mukha ni Utol habang may malapad na ngiti ito na pinangbugad sa akin.

Tumayo ito at nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha na tila nagtatampo. "Grabe naman yang reaksyon mo, ganun bako kapanget?" Sabi ni Sonny.

Nag inat inat muna ako bago sumagot. Grabe nagulat talaga ako sa mukha niya.

"Eh kung ganyang mukha ang bubungad sa akin tuwing umaga mas nanaisin ko pang matulog nalang muli." Sabi ko naman.

Binato ako ni Sonny ng unan sa mukha. "Loko! Get up na sleepy head!! Wala ka sa condo mo para mag astang senyorito!" Sabi ni Sonny.

Kumunot ang noo ko, ginala ko paningin ko.
Nun ko lang napansin na wala nga ako sa condo.

This room was very familiar to me. Dito ako madalas dalhin ni Chase kapag nalalasing ako noong high school eh. Teka! Chase?

Whaat??!!

"What am I doing here?" Tanong ko sa sarili ko.

"Yan nga din ang gusto kong itanong sayo eh. Ano nga ba ginagawa mo dito ha utol?" Sabi ni Sonny. "Don't tell me napaaway ka nanaman."

"Nasa... Macapagal ako kagabi.. tapos... nag bar ako tapos... May nakilala akong---"

"May nakilala ka?" Pagputol ni Sonny sa kwento ko. Umupo ito sa tabi ko. "Chicks ba? Ano ano maganda ba?" Sabay taas baba ng kilay niya.

Naalala ko na kung ano nangyari sa akin kagabi.
Nakilala ko si Kim... tapos... si Eirik.. Hala!

"Oi anu na." Sabi ni Sonny.

"H-Ha?" Sabi ko.

"Tulaley ka Migo. Ano ba talaga nangyari sayo? Kung di pako tinawagan ng superman mo, baka hanggang ngayon hinahanap ka parin namin ni Eirik!" Sabi ni Sonny.

"S-superman? Eirik?" Clueless kong tanong sa kanya.

"Oo. Si superman mo. Si Pareng Chase! Nu ka ba, nakalimutan mo na siya agad?" Sabi ni Sonny. "Eh diba kahit noong mga high school pa tayo, yang si Chase na ang laging life saver mo. Everytime na nalalasing ka, lagi siyang nanjan. Nu ka ba."

"Hinahanap ako ni Eirik?" Pag iiba ko ng usapan.

Nagpaikot ng mata si Sonny. "Oo. Hinahanap ka niya sa akin kagabi." Sabi niya pa.
"Alam mo, bilib din ako jan kay Eirik eh. Talagang nag effort. Nag aalala sayo. Biro mo, kinulit nya pa ako last night para mahanap ka lang. At take note ha, alas tres na ng madaling araw yun! Grabe. Naawa ako. Kaya, tinulungan ko na siya. Akala ko pa nga baka may nag te-threats nanaman sayo eh." Kwento ni Sonny.

"Kawawa naman yang si Eirik. Wala pang tulog yun. Kaya pinatulog ko muna. Sakto namang tinawagan ako ni Chase kanina. Ayun." Sabi pa niya.

Nag aalala sa akin si Eirik? Akala ko ba galit siya sa akin?

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now