Part 32

3.4K 93 6
                                    

MIGO

San pupunta yun?

Tss.. Siya pa ang may ganang umiwas, Eh siya nga tong nagmamatigas kanina.
Nagso-sorry na nga yung tao, ayaw pang tanggapin.

Ma pride!

"Galing mong sumayaw ha, dancer ka ba talaga?" Tanong ni Cloe.

"Ah, hinde hinde. Di ako dancer. yung kanina, wala lang yun, wag mo nang pansinin. hehe. medyo na inspire lang ako ng konti." Sabi ko naman.

Medyo natawa siya at si Kim sa sagot ko. Bigla tuloy akong nahiya.
Sigurado ako na namumula na ako ngayon. Buti nalang at nag iinom, hindi halata na nagba-blush ako.

"Na inspired? Talaga?" Tanong ni Kim.

"Saan naman Migo?" Tanong ni Cloe.

Ayun lang.
Natatameme ako.
Yan kasi, ang daldal daldal mo Migo.
Babae lang yan!
Ba't ba napakarupok mo!

"Ah... minsan lang kasi ako makakita ng magandang babaeng katulad mo, Kim." Sabi ko.

Napalakpak naman sa tuwa si Cloe sa nasabi ko.
Iba talaga epekto ng alak sa tao, nagiging totoo ka. Nalalabas mo saloobin mo.

"Aww... I think he's the one na friendship! Sayang nga lang..." Sabi ni Cloe kay Kim.

Nakita ko na sinikuhan ni Kim si Cloe. Nagiging madaldal na kasi ito.

Larawan ng isang witty na babae ang kaibigan ni Kim, na napag alaman ko na Cloe pala ang pangalan. Napaka straight forward, outgoing, tackles, madaldal na tila hindi nauubusan ng sasabihin.
Siya ang female counter part ni Sonny.
Hindi nagkakalayo ang kanilang ugali.
Siguradong magkakasundo sila.

"Francisco? Are you related to Congressman Jaime Francisco?" Tanong ni Cloe.

Nabangit ko kasi ang family name ko, hindi na ako magtataka kung kilala niya si Dad. Namangha naman si Cloe. Lalo na si Kim.

"So trapo ka pala?" Tanong ni Kim.

"Parang ganun, halos kasi sa side ng Dad ko, karamihan nasa politics, mula sa mga pinsanan ko, Tita, Tito, nasa politika." Sabi ko. "But I don't want to be a politician, yung kuya ko pa, pwede. Pero ako, ayoko."

Medyo hindi ako komportable na pag usapan ang political history ng family ko, pero kapag ganitong klaseng tao ang makakausap mo, mapipilitan ka talagang sagutin.

Nagpalinga linga ako sa paligid.

Nasaan na kaya si Eirik?

"Uyy!!! That's my song! Lika sayaw tayo!" Yaya ni Cloe sabay diretso na agad sa gitna, hindi na inantay kung may susunod ba sa kanya o wala.

Tumugtog nanaman kasi yung "Shut Up and Dance".

Lasing na si Cloe.
Si Kim, ganun na din. Pero, mas cute siya kapag namumula.
Ako, kaya pa naman, medyo bumaba level ng alak ko sa katawan dahil sa kadaldalan ni Cloe.

Pero, nasaan si Eirik?

"Hey, Migo okay ka lang?" Tanong ni Kim. "Kanina ka pa di mapalagay, kanina ko pa yan napapansin. Is there anything bothering you?"

"Ah wala naman. Don't worry. I'm okay." Sabi ko.

"Alam mo, If you are looking for your friend, 'yaan mo na yun. Matanda na 'yun, kaya na niya sarili niya." Saad ni Kim.

Nakakaramdam talaga ako ng kung ano kapag naririning ko pangalan ni Eirik. Kahit nga pinag uusapan lang eh, may kaba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Basta ang alam ko, kay Eirik ko lang yun nararamdaman.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now