Part 45

3.2K 75 9
                                    


MIGO

"Ano na kontak mo na?"

"Hindi nga sinasagot eh.."

Sinubukan pa niya ng mangilang beses, redial mga 3x...

"Shit. No answer.."

Ni loud speaker ni Chase ang telepono niya.. Pinarinig sa akin ang..

The number you are trying to reach is currently unavailable..

Fuck naman! Saan ka ba nagpunta Utol!

Sinubukan ko din tawagan si Utol sa telepono ko, kaso nabigo ako. Boses lang ng babae ang sumagot..

The number you are trying to reach is currently unavailable..

"Mukhang kulang kulang kayo ngayon ha? Nasaan yung dalawa niyong kasama? Hahaha!!" Biglang singit ni Franco sa amin ni Chase.

"Franco, wag mo nang simulan." Sabi ko.

"Wala naman akong sisimulan kung walang nagsimula." Sabi ni Franco sabay baling ng tingin sa akin.

"Hanggang ngayon parin ba Franco?" Si Chase. "Mag move on ka na. Wala namang ginawang masama sayo si Migo."

"Anong wala? Dahil dito sa tropa mo," Sabi ni Franco sabay duro sa akin. "kaya nawala sa akin ang limelight noon!"

I smirked.

"Isip bata ka parin pala Franco." Sabi ko. "Kaya pala iniwan ka ni Jordana noon. Hindi ka pa rin marunong tumanggap ng pagkatalo mo."

Pagtapos na sabihin ko iyon, bigla biglang nag iba ang timpla ni Franco. Walang anu ano'y bigla niya akong kinuwelyuhan. Napaatras naman ako sa impact tapos may nabangga ako na waiter sa likuran ko.

Nagkalat ang mga dala nitong wine glass sa sahig. Nagkanda basag basag, Siya naman nakapansin ng atensyon ng ibang tao sa amin.

"Wag na wag mong madamay damay si Jordana dito Francisco! Wag na wag mong mabanggit banggit ang pangalan ng girlfriend ko dahil wala kang alam. Wala!" Sabi ni Franco habang nakahawak padin ito sa kwelyo ko. Matalim ang pagkakatitig, at galit na galit ang itsura niya ngayon.

Hindi ko nalang siya pinatulan.
Dahil alam ko, kapag pinatulan ko siya, lalo lamang lalala ang sitwasyon. Baka mauwi lang ito sa away. Nakakahiya, nandito pa naman si Dad. Kaya purong pagtitimpi ang ginawa ko.

"Franco! Bitiwan mo si Migo!" Awat ni Chase.

Bago niya ako binitawan. Nag iwan ito ng matalim na pagkakatitig.

"May araw ka rin sa akin Francisco."
Sabi ni Franco. Sabay binitiwan yung kwelyo ko ng may pwersa kaya napaatras ako.

"Hoy Franco!"

Tumingin ito kay Candice na nuon ay papunta sa direksyon namin.

Tumayo naman yung waiter at pinulot ang mga nabasag na piraso ng mga wine glass.

"Anong ginagawa mo?!" Sabi ni Candice kay Franco sabay punta sa tabi ko.

Inaayos niya ang kwelyo ko. Hinawakan ko kamay niya para pahintuin siya sa ginagawa niya. Nagulat si Candice sa ginawa ko.

"Tama na sabe Candice. I can take care of myself." Sabi ko.

"Migo?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin, nakita ko si Kim. Biglang kinabahan ako na ewan.

Ang ganda niya talaga.
Walang katulad.

Lalapitan ko sana si Kim pero pinigilan ako ni Candice, hawak niya ako sa braso.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now