Part 67

2.6K 70 32
                                    

MIGO

"Sir, Miguel andito po uli si Sir Chase. Papapasukin ko po ba?"

"Wag mokong abalahin Luke. Sabihin mo may conference meeting ako."

"Pero Sir, yan na po sinabi ko sa kanya kanina."

"Bakit ba siya andito?"

"Kase sabi nyo sa akin kanina pabalikin ko siya kase sabi nyo may conference meeting kayo."

"Ako ba nagsabi?"

"Relax lang po kayo, Sir Miguel."

Napahawak ako sa ulo ko. Tama. Relax kalang Migo..

"Sabihin mo kay Chase nag out of town ako good for three weeks."

Hindi ko pa handa makita si Chase matapos ang ginawa niya sa Boracay last week. Aakalain mo bang si Chase magagawa niyang takutin at banggain si Eirik? Si Chase natatahitahimik may tinatago palang ugali.

"Okay po, Sir Miguel." Pero halatang nagulat si Luke.

"Sige na Luke, iwan mo muna ako."

Nagsalin ako ng whiskey pagkaalis ni Luke sa office ko. Habang nag uunwind tumunog ang phone ko. It is Kim.

"Hey baby!"

"Hey.."

"Baka naman nagpapakapagod ka jan ha."

"Hindi naman. Nagpipirma lang ako ng mga papel."

"You're tired ramdam ko sa boses mo. Take a rest again. Alam kong pagod ka sa lahat."

"Thank you for being there. Makausap lang kita masaya na ako. Nawawala na pagod ko."

"See you later.. i love you."

"I love you."

Agad na binaba ko ang phone ko pagkababa ni Kim sa kabilang linya. Hindi siya ang inaasahan kong tatawag sa akin. Nadismaya ako kase hindi si Eirik ang tumawag. Matapos ng ginawa sa kanya ni Chase tatawagan pa kaya nya ako? Damn.

An hour and a half. Muling tumunog ang phone ko. Nagising ako doon. Pagtingin ko, si Candice. Nagdalawang isip pa ako bago sagutin. Ano nanaman kailangan nya this time?

"Candice, I'm busy. What do you want?"

"I'm just checking you. Kamusta ka?"

"I told you I'm busy."

"Pwede ba kita ayain mag coffee?"

"Candice, alin sa sinabi ko ang hindi mo maitindihan?"

"I keep an eye on you from now on lalo na at dumadami nanaman ang talahib sa paligid mo."

"Candice, ano nanaman ba to?"

"I just wanted to make sure na okay ka."

"I'm busy."

"Gusto ko lang naman kamustahin ang ex ko. Kahit paano naman eh may concern parin ako sayo."

"Well, not me. Kung wala kang sasabihing maganda better put your call down."

"Hindi ako papayag na mapunta ka lang kay Chase o kay Eirik."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"I know everything, Migo. Tulad nga ng sinabi ko my eye is glued on you from now on."

"Candice, stop this craziness!"

"Titigil lang ako kung mabawi kita."

"Busy ako Candice. Sige na kung wala kang sasabihing matino, I'll hung up now."

Bae Meets DreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon