Part 22

5.1K 130 2
                                    

MIGO

"Kung hindi ako nama-malikmata'y aakalain ko na ang kaharap ko ngayon ay si Jaime," masayang sabi ni Tito Wataru sa akin habang kami ay nagdi-dinner. I gave him my perfect 'thank-you' smile.

Siya ang Tatay ni Ichan at step father naman siya ni Candice. Huli kong nakita si Tito, four years ago. Medyo matagal na din 'yun but Tito is still the same as I last saw him.

Sabi nga ni Tito Wataru,  I look like exactly as my Dad when Papa was in my age. Ganyan naman lagi ang mga naririnig kong complement kapag may mga ganitong family gatherings, even some of my Dad's business partners complimented me the same.

"Saan pa ba magmamana 'yang anak ko? Syempre, sa Daddy niya," ngayon ko lang nakita na masaya si Papa since Kuya Paul passed away. "E ang pagiging chick magnet, namana din kaya?" Pabirong tanong ni Tito kay Papa. Pero ang sunod na isinagot ni Papa  gives me chills. "Aba'y kung di mo pa naitanong 'yan naku, maraming Babae ang naghahabol dito kay Edward Miguel, right Son?" Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong wine, umiwas ako ng tingin. Dapat ba akong sumagot? Sasagutin ko ba talaga? I have to! Naghihintay sila, I have to speak. "Ah.. Opo, yes Dad is right, Tito. Manang mana po ako kay Dad," sa wakas ay naisagot ko. Di ko alam kung san nanggaling yung sinagot kong 'yun, sinasakyan ko nalang ba si Papa? Ewan. Bahala na. Go with the flow Migo, lilipas din 'to..

"Ah, teka, maiba nga ako, where's your Daughter, Wataru?" Naku, pasaway 'tong si Mama. Tinanong pa  talaga si Candice. "Actually, she's on her way, I called her before we start, may inasikaso lang kaya na late, but she will come," imporna ni Tito kay Mama. Papa gave me a questioning stare. Para san naman yan Papa? Nakakailang naman. I wish Sonny is here. "Kamusta na pala kayo ni Candice, Miguel? Are you two doing well?" Tanong ni Papa habang sumubo ito ng steak, "Oo nga pala anak, di ka nagkekwento tungkol sa inyo ni Candice," gatong pa ni Mama. Haay!! Kung pwede ko lang isigaw na wala na kami, gagawin ko talaga. Hindi kasi sila aware na matagal na kaming hiwalay ni Candice. They all thought na we are destined for each other. God is one of the strongest witness that time, noong baliw pa ako sa pagmamahal kay Candice. And yes, now, I hate myself, It really don't mean now. It's all down the drain. I already washed them years ago. "Hay, 'yaan mo na ganyan na talaga mga kabataan ngayon, mahilig nang magsikreto," salamat naman at nag segway si Tito, thank you Lord. "Maayos naman po kami, ayun, going strong," hindi ako sanay na mag tell ng lie. But it almost sounds convincing now and hopefully... believable. But my gaze turn to Papa, he doesn't look convinced. I know that he doesn't even believe me.

Maya maya dumating na din si Candice, "Oh ayan na pala siya, Hi, Candice. Stunning as ever sweetheart," masayang bati sa kanya ni Mama. "Hi, din po Tita, good evening, mas maganda pa po kayo sa akin," as they exchange pleasantries they kiss and hugged each other, same for Papa and Tito. "Candice, where's your brother? Ba't 'di mo siya kasama?" Tito ask Candice habang umupo naman ito sa tabi kong bakanteng upuan na talagang nakareserve na para sa kanya. "Ichan is not feeling well, Di daw siya makakapunta," paliwanag ni Candice habang papalit palit pa ng tingin kela Mama at Papa to Tito. "Hayaan mo na, Wataru, maybe he's having a jet lag," saad ni Mama. "Hi, babe, did you miss me?" Ha? Ako ba yung tinatanong niya? Tama. Dapat sakyan ko 'tong si Candice. We both know na mapapasama kami sa mata ng aming mga magulang kapag nagkataon na nalaman nila na we broke up years ago. "I'm fine, babe, na miss kita..," sagot ko kay Candice while gently holding her hands and gave her a kiss sa cheek. I secretly squezzed her hands and gave her a stare, para malaman niya na I'm only doing this just for show. Baka kasi ano isipin niya kung bakit ko 'to ginagawa. "Don't worry babe, I can keep up," she whispered in my ear, then give me a kiss sa cheeks. Hinayaan ko lang siya. Kahit na kanina pa ko pigil sa mga emotions ko kasi 'di talaga ako komportable kanina pa, tapos dumagdag pa 'tong si Candice. Hindi din mawala wala sa isip ko yung mga titig ni Papa sa akin. Haay ano ba 'to?

Nang matapos ang dinner, nag usap na sila Tito at Papa about sa joint business venture ng company's nila. Tito proposes to my Dad kung pwede daw ang Fransisco Aislance Shipping Line ang mag angkat muli ng mga food supplies nila Tito sa China, Switzerland, and Canada. May mga branches kasi ang shipping lines namin doon sa mga bansang iyon. Walang isip isip, agad na pinirmahan ni Papa ang kontrata at they shake hands tanda ng kanilang pagkakasundo.

Bakit ba naman hindi na nag isip pa si Papa? matagal na naming business partners ang Sugimori Foods Incorporated. Para lang nag renew ng contract sila Tito sa amin. Through the years, wala naman naging problema at napaulat na dissatisfaction ang mga kliyente ni Papa sa aming business, magaling magpatakbo ng malaking companies itong si Papa. na mula pa sa kanunununuan ng mga Fransisco. Madami nang naupo doon bilang CEO at lahat sila, magagaling tulad ni Papa, It was supposed to be Kuya Paul who will take over the CEOs position sa kompanya, but dahil nga namatay siya, so 'matic, ako na ang next in line at someday, ako naman ang magte-take over ng posisyon ni Papa sa company.

"Excuse me, I need to step outside," paalam ko kela Mama at Candice nandito kami sa may living room. Bigla ko kasi naalala sila Eirik sa condo. Hindi ko na din sila naaasikaso this days, lagi naman akong wala at panay labas ko. Baka isipin nila na ginagawa ko lang sila dung taong bahay o 'tiga pag bantay ng unit ko.

"Smoking again, Son? I thought you'd stop that?"

"No, Mom, I just want to call someone." I insisted hurriedly going towards the back kitchen.

"Sino naman 'yun Miguel? Candice is here naman, why bother calling someone?"

Hindi na ako sumagot kay Mama at lumabas na ng bahay, ayaw ko nang humaba pa ang usapan. Dito ako ngayon sa garden, favorite hang out ko everytime I am here..

"Sir, Miguel, drinks po gusto niyo?"
Untag sa akin ni Ate Sabel, dun ko lang napagtanto na matagal na pala akong tulala. Kung di pa niya ako kinausap baka magmukha na kong tanga na nakatulala sa kawalan.

"It's okay Sabel, ako na bahala kay Migo, you can go now," narinig ko ang mga tunog ng stilletoes ni Candice tanda ng paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ko sa balikat,
"What's bothering you Migo, are you okay?"

"Candice, pasensya na kung nasungitan kita kanina sa party. I'm sorry, I didn't mean that," totoo naman talaga na di ko ginusto yung mga nangyari sa amin kanina sa party. Nadala lang ako ng patong patong na emosyon. Naiisip ko pa si Eirik, hoping na sana siya ang maging dahilan para mapawi ang mga agam agam ko.

"It's okay. I understand," she smiles at me habang tinabihan na ako sa inuupuan kong wooden chair. Kasya naman dalawang tao dito. Parehas naman kaming lean ni Candice.
"You can talk to me anytime, Migo,"
mahinahon na pahayag ni Candice sa akin.

"Bakit nanjan ka pa din? After all the times na iniiwasan kita, lahat ng calls mo, messages mo, lahat 'yun iniignora ko, but still, you're still there," sabi ko habang nakatuon parin ang atensyon ko sa kalangitan.

"I understand everything Migo, in fact, I deserve all of it. Napakasama kong girlfriend sayo dahil hindi ko man lang inisip ang magiging kalalabasan ng pagtupad ko sa pangarap ko. And that is losing you.. You are a nice person Miguel, I really admire you for that. This is all my goddamn fault..." ramdam ko na umiiyak na si Candice sa tabi ko, inalo ko siya to make her feel better. Baka mamaya may makakita sa amin, baka ano pang isipin dahil umiiyak 'tong si Candice.

"Candice, believe me, God knows, I'd tried to hold on to us, Umasa ako na isang araw na babalikan mo ako at yayakapin. Pero, lahat ng yun ended up wishful thinking.."

Naranasan niyo na din ba na magmukhang tanga at umasa sa inaakala niyong perfect na na relasyon? Ganito kasi ako. Ganito yung example ng love story namin ni Candice. Si Candice na kauna unahang babaeng natutunan ko nang mahalin. And probably, the last...

Bae Meets DreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon