Part 54

3.3K 76 5
                                    

EARLIER

EIRIK POV

Nagawa kong lagpasan ang pang walong araw na wala na ako sa condo ni Migo sa Makati. Naging busy ako sa bagong environment, bagong mukha, dahil pinasok ako ni Josh sa pinagta-trabahuan niya. Isa na akong real state broker. It has been a welcome distraction para sa akin.

Kasalukuyan akong nandito sa office ng head ng team namin.
Sa isang linggo kong simula dito, nagawa kong makabenta ng unang task na pinahandle sa akin. Kaya heto ako ngayon, tuwang tuwa sa akin ang boss ko. Halos hindi mo maipinta sa mukha niya ang kagalakan. Hindi daw lahat ng first timer na kagaya ko, nagagawang makabenta ng isang unit. Ang siste pa, sa first floor kumuha yung bumili sa aking lalaki. Kaya malaki ang kickback ko dito. Kaya hindi magkamayaw sa tuwa ang boss ko ngayon.

"Excellent job, Eirik! Congratulations! Bagay ka talaga sa team ko. Ang mga kagaya mo ang hinahanap ng kompanyang ito. Keep up!" Masayang lahad sa akin ni Vincent, ang head ng team at kasakulukang boss ko.

I gave Vincent my warmest smile, I shook hands with him.
Good Job, Eirik! Sabi ko sa sarili ko. This is a good start..

Halos isang linggo na pala. Nang wala siya..

Isang linggo na ang nakalipas simula noong umalis ako sa condo ni Migo. Isang linggo na din ang nakalipas nang tangkain kong ibaon sa limot ang nararamdaman kong ito. Ngunit ako'y bigo. Dahil may mga pagkakataong naiisip ko parin si Migo.. How could he have this unnerving effect on me? Kahit na malayo na ako sa kanya, naapektuhan pa din niya ako. As if na nanjan lang siya sa paligid tahimik na nagmamasid.

Mabait si Josh, binigyan niya kami ng Lola ng matitirhan. Hindi ako makatanggi sa kanya. Alam ko na hamak na empleyado lang siya ng lalaking inibig ko, pero, taliwas sa pagkaka-kilala sa kanya ni Migo noon sa kanya sa Bizu, mabait at mapagkakatiwalaan naman si Josh.

Alam mo yung lalong mas nagpapahirap sa akin? Josh and Migo are exactly look alike. Mula sa get up. Sa kilos. At sa pananalita. Migong Migo. Ang pinagkaiba lang, si Josh ay gym buff. Halatang alagang alaga ang outer apperance. Si Migo naman, kahit walang effort, may natural na charisma.

Asikasong asikaso kami ng Lola dito sa apartment na tinitirhan namin ngayon ng Lola. Ayon kay Josh, dito daw siya dati namamalagi noong nagsisimula palang daw siyang magtrabaho sa kompanya ng mga Francisco bilang real state broker.

Hati kami sa bayad sa upa, iyon ang napagkasunduan namin. Noong una, ayaw pang pumayag ni Josh, pero sa huli, ang kagustuhan ko pa din ang napagkasunduan. Ayaw ko kase na lagi nalang akong nakaasa. Nakahanap na ako ng ibang trabaho kaya medyo malaki na ang sinasahod ko. Sapat na para sa pang-gamot ng Lola at pangkain namin sa araw araw.

Paminsan minsan, nadalaw dito sa amin si Denver at dito natulog. Namiss ko din naman siya, sangang-dikit ko siya, kaya kung asan ako, nandun din siya.

"I think we should have a drink tonight!" Sabi ni Josh.

Masaya siya sa isang task well done. Hindi ko rin naman maitago sa sarili ko ang pagiging masaya. Aaminin ko, proud na proud din naman ako sa sarili ko.

Pagkauwi namin sa apartment, agad na tinawagan ko si Denver para imbitahin sa kaunting inuman. Bumili si Josh ng dalawang box ng S&R at ilang bote ng smirnoff, this is a special night to celebrate!

.
.
.

AT THE MOMENT.. CHEAP BAR

MIGO

"Migo? Migo? Can you hear me? Are you okay?" Chase snapped at me.

Bumalik ako sa kasalukuyan.

I saw their faces na nakatingin lahat sa akin.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now