Part 39

3.4K 121 22
                                    

Bangs Garcia as Candice Ramirez, Migo's first love and first heartbreak..

Hanggang saan aabot ang fighting spirit nito na makuha ulit si Migo? Ngayong unti unti nang bumabalik ang nakaraan.. Magiging sila pa kaya ni Migo ngayong may panibago nanamang sagabal?

-----

KIM

"Wala ka palang pakelam ha," sabi ni Cloe. "Kaya pala ganyan reaksyon mo. Yan kase ang bagal mo! May paalis alis peg ka pang nalalaman jan, Oh ayan tuloy, may anak na pala yung boylet mo!"

Edward Miguel Francisco...
Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagkita kami sa Macapagal, hindi rin nung sa may Boiler room, una kong nakilala si Migo noong college palang ako.

Minsan habang naglalakad ako pauwi, may nakita ako sa daan na lalaking nakaupo sa isang sidewalk. Lasing na lasing ito noon kasi kita ko may hawak 'tong bote ng alak. Akala ko nga nung una, naiwan siya ng flight niya. Kasi sa tabi niya, may maleta siyang daladala.

Tapos yung passport pa niya, pakalat kalat sa daan. Wala siyang pakelam kung may makakuha nun. Kita ko sa mukha niya na may pinagdadaanan ito. Halata sa kanya na mayaman din ito.

Noong mga panahon na iyon, maitim pa ako at medyo mataba pa. Kaya, hindi na ako magtataka kung hindi niya ako nakilala nung gabi na iyon sa Macapagal..

Hindi ko inakala na sa simpleng pagkikita namin na iyon, magbabago ang lahat. Literal na nagbago. Kasi, dahil sa kanya, nagkaron ako ng lakas na loob na magpaganda. Hindi ako pansinin noon dahil nga sa maitim ako at chubby. Salamat kay Cloe. Lagi kasi siyang nanjan para damayan at suportahan ako..

"Oh ano na plano mo friendship? Mukhang wala ka na palang pag asa.."

"Ano ka ba Cloe, buti nga may asawa na siya. At least, may sasaway na sa kanya." Sabi ko nalang.

Syempre, kahit na kaibigan ko si Cloe, may mga bagay na kailangan sarili mo nalang ang makakaalam tulad nito, aaminin ko. I still have feelings kay Migo.. Kaso, tulad nga ng sinabi ni Cloe, wala na akong pag asa..

If seeing is believing, then I already know
I have to let him go...

"Pasalamat ka, sinakyan kita nun sa Boiler room na kunwari hindi ko talaga kilala si Migo. Although, first time ko naman talaga na nakita ko si Migo nun ng personal.." Sabi ni Cloe.

"Kung hindi pa kita siniko nun, baka maging lola basyang ka nanaman!" Sabi ko. "Kilala pa naman kita, kapag nagsalita ka na, tuloy tuloy na.. Kahit yung mga di dapat maungkat, nauungkat."

"Peace friendship!" Sabi ni Cloe sabay peace sign.

Habang nasa ganung pag uusap kami ni Cloe, hindi ko maiwasan na hindi tignan sila Migo. Nasa may kabilang botique lang sila ng Barbie. Mga tatlong botique ang pagitan namin kaya hindi naman niya ako makikita.

Kitang kita ko na masayang masaya si Migo pati yung karga niyang bata. Nakakapagtaka, hindi naman mahilig sa bata yang si Migo noon. Iba talaga kapag sariling dugo mo na. Malakas ang kapit.

Napapaisip nga ako, san kaya nagmana yung bata? Siguro haponesa ang napangasawa niya? Halata sa bata na may lahi iyong banyaga.

She's a lucky girl...

"Oi friendship! Eto oh mukhang bagay sayo. Sukat mo nga." Sabi ni Cloe.

Napansin ni Cloe na nakatingin ako kela Migo from afar..

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now