Part 6

8.3K 266 6
                                    

MIGO

Nakaupo ako sa sofa nila Eirik. Habang ang Lola naman ni Eirik ay nagbuburda.

Halata kay Lola na matagal na niya tong ginagawa dahil sanay na sanay na ito sa pag pasok ng sinulid sa karayum.

Ngumiti ako habang pinag mamasdan ko ang Lola ni Eirik habang abala ito sa pagbuburda.

Iginala ko naman ang paningin ko sa bahay nila Eirik.

Di kalakihan ang bahay nila. medyo sira sira na ang kisame nito. halatang matagal na itong nakatayo.

simple lang din ang loob ng bahay. may isang tv, yung turtle back pa. may isang electric fan. may istante kung saan nakapatong ang tv set, at may radyo doon na halatang halata na lumang luma na ito. mapapansin mo yun sa disenyo ng radyo.

siguro may sentimental value iyon sa kung sino man ang nagmamay ari niyon.

Antik na ang tawag sa mga lumang gamit diba?

mukhang di lang yung radyo ang nakakuha ng atensyon ko,

nakita ko din ang mga naka display na mga picture frames sa istante kung saan nakapatong ang antique na radyo.

Tumayo ako at nilapitan ko ang mga iyon para makita ko sila ng maayos.

napangiti ako sa mga litratong nandoon.

may isang kuha ng masayang larawan ng pamilya.

Si Eirik siguro itong may hawak hawak ng diploma. naka ngiti ito at naka taas ang diplomang hawak nito.
katabi niya sa kanan si Lola, at may isang babae sa kaliwa naman ni Eirik, siguro ay nanay niya ito.

hmmm... maganda ang nanay ni Eirik. maputi. marahil dito nagmana si Eirik sa kulay ng balat niya.

Napangiti ako.

Sa isang litrato naman, kuha iyon ng batang Eirik.
mukhang kinder pa siya nun.

hehe. ang cute cute pala niya nung bata pa siya. medyo mataba siya noon dahil maumbok ang mga pisngi nito sa litrato.

sa isang frame naman ay kuha ni Lola. may kandong kandong itong bata. sino kaya yun? medyo nahahawig ito kay Eirik.

Kinuha ko yung picture frame na iyon para mas makita ko ito ng maayos.

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Lola sa aking likuran.

"Ayan si Dante nung bata palang siya, ang cute niyang bata ano?"

nangiti si Lola habang pinakilala niya sa akin ang kandong niyang bata.

Paano niya kaya nalaman na yun ang tinitignan ko sa mga picture frames na nasa harap ko ngayon?

Tila may pagka-psychic itong Lola ni Eirik. hehe

So, ito pala ang Tatay ni Eirik.

ginantihan ko lang ng ngiti si Lola na hawak hawak pa din ang telang binuburda.

saglit pa akong nag ikot ikot ng paningin.

medyo kupas na din pala ang mga dingding nila.

halatang lumang luma na itong bahay. Pero, malinis at naka orginize naman ang mga gamit sa loob.

malinis sa bahay si Eirik.

Nagawi ang panigin ko sa litrato na nakasabit malapit sa wall clock.

Si Eirik to ah?

Kuha iyon siguro nung grumaduate siya noong college.

Napatitig ako sa litratong iyon ni Eirik.

Bakit ganito ang naramdaman ko? weird. siguro na mesmerize lang ako sa litratong iyon ni Eirik.

Ang ganda kasi ng kuha niya dun. para siyang isang modelo. may ibabatbat pala tong mokong kung isasabak mo ito sa pageants.

Di talaga maalis ang paningin ko dun sa litrato.
mukha na kong timang na nakatitig.

"Baka naman matunaw na ako nyan? napalingon ako kay Eirik. papalapit ito sa kinatatayuan ko. napansin kong may dala itong naka balot sa plastic bag.

"Mukhang kanina mo pa tinititigan litrato ko ah?"

Namula ako dun sa sinabi nya at nag iwas ng tingin.

Guilty lang ako?

kinakabahan ako.

Bakit? >,<

"Di ako nakatingin sa litrato mo, dun ako naka tingin sa wall clock niyo."

tinuro ko pa ang wall clock. palusot.com, hehe.

Nakatayo siya sa harap ko at saglit lang na tinitigan ako. sabay abot sa akin ng dala niyang plastic bag. kinuha ko naman iyon mula sa kanya.

"Yan yung suot suot mo kagabi. lalabhan ko sana kasi may mantsa yung polo mo, may kaunting dugo sa may kwelyo. kaso baka di matuyo." nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi niya yun.

Umayos ka Migo. Umayos ka.

Hindi. Hindi pwede to.

binigyan niya lang ako ng isang ngiti at tumungo na ito sa kusina.

May pader kasi na naghaharang mula kusina at sa salas nila Eirik.

Kaya di naman niya makikita kung napangiti ako. ;)

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now