Part 63

4.2K 113 137
                                    

MIGO

Dumating si Josh pagkaraan ng ilang minuto. agad agad na winelcome ito ni Jepoy. Pinansin ako ni Josh pero binalewala ko lang. Nag init bigla yata kamao ko.

Hindi ko alam ang magiging takbo ng pakiramdam ko pagkakita ko sa pagmumukha ni Josh. Nasa tabi siya ngayon ni Eirik at si Jepoy naman ang katabi ko.

"Game! Mas maganda siguro if we go back to zero, what do you think, Migo?" Jepoy held my right shoulder.

"Whatever. All I want to know is who wins this game." sabi ko sabay pukaw ng tingin kela Eirik. Si Josh, hindi siya makatingin sa akin ng deretso.

"I'm Jepoy." Nakangiti si Jepoy kay Josh habang ako masama talaga ang timpla.

Nagsimula ang laro pero hindi ako naging komportable. Iritable ang naging pakiramdam ko.

"O, Eirik, dito mo na pwede ilabas yung mga natutunan mo sa akin. Wag mong kalilimutan yung mga tinuro ko sayo." Sabi ni Josh habang naka-akbay kay Eirik.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga pasimpleng "gestures" ni Josh kay Eirik. Pinipigilan ko lang ang sarili kong sumabog kase andito si Jepoy.

Kapansin-pansin ang pagiging close  ni Josh kay Eirik. Sa tuwing nakakapasok si Eirik ng bola, halos hindi magkamayaw sa tuwa si Josh at pasimpleng nahahawakan si Eirik sa ibang parte ng katawan nito. Nanjan yung may pahawak sa balikat, braso, likod, kung minsan ay nag-aapiran pa silang dalawa sa tuwa.

"Whoo! Ayos ang galing mo na sa billiards Eirik. Proud ako sayo!" Komento ni Josh nang makasargo ulit si Eirik.

Isang taon ba naman silang magkasamang kumakain at natutulog sa iisang bahay di nga malabong maging close sila. Ang sakit naman, para akong Pinapa-ulanan ngayon ng milyong milyong pana.

Sa inis ko sa nakikita, Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas dahil naging sunod sunod nadin ang pagsargo ko. Dahilan para malampasan namin ang score nila Eirik at Josh.

"Ano ba yan! talo na tuloy tayo. Parang hindi naman kita tinuruan niyan." malambing na sabi ni Josh kay Eirik.

Kahit kami na ni Jepoy ang lamang sa laro, hindi okay ang mood ko. Nanggigigil ako.

Hindi nakaligtas sa akin ang pag-aakbay ni Josh kay Eirik tuwing nakikita niya akong tumitingin sa gawi nila, biglang nagiging extra sweet si Josh dito. Nagtitimpi lang talaga ako.

Malakas ang pakiramdam ko na Josh doing this on purpose. Gumaganti ba siya sa pag-iinterogate ko sa kanya sa CR kanina? What a low minded broker!

Nanalo kami ni Jepoy. Nag-aaya pa ng isang set si Eirik pero ako na mismo ang umayaw. Nawalan na ako ng gana.

"Tara! Inuman nalang tayo. Punta tayo sa bar!" aya ko.

Inakbayan ako ni Jepoy.

"Something wrong?" bulong niya sa tenga ko.

Hindi na ako magugulat kung bakit ganun si Jepoy. Kilala na niya ako kaya alam niya na badtrip ako.

Biglang tumunog ang telepono ko. Si Kim ang tumatawag. Asking me kung asan ako.

Habang kausap ko si Kim, I saw Eirik's eyes. Nagkatitigan kami. Alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ganito ang asal ko. Habang si Josh, nakadikit padin kay Eirik.

"I just need a drink." bulong ko. Halos mabali na sa kamay ko ang cue stick na hawak hawak ko.

"Okay then."

Walang sali-salitang nilisan ko ang kwarto.

On the way sa bar, akala ko nakasunod sa akin si Jepoy. Nakatanggap ako ng tawag sa kanya na magpapahinga nalang daw siya. Ako naman, hindi rin nagtagal sa loob ng bar kumuha lang ako ng apat na beer at tumuloy sa beach front.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now