Part 4

9.6K 293 3
                                    


EIRIK

"May bisita ka pala apo."
Dinig kong sabi ni Lola na galing sa labas. Katatapos lang siguro nito mag walis.

Ugali na kase ni Lola na magwalis sa tapat namin.

Mahilig kasi sa halaman si Lola. Meron kaming maliit na garden sa loob ng bakuran namin.

Ito na ang nagsisilbing distraction ni Lola upang di na niya maisip pa si Papa.

Kwento pa sa akin ni Lola nun, na mahilig daw sa halaman ang Nanay noong nabubuhay pa ito.

"Opo, La. Si ano nga po pala..."

Teka, pinatulog at pinatuloy ko na sa bahay namin, di ko man lang alam ang pangalan nito.

"Migo"
bulong ni Migo sa likuran ko na kasakukuyang nagkakape.

Tumayo ito at siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili.

"Magandang Umaga ho, Lola. ako nga po pala si Miguel, Migo po palayaw ko."
Nakangiting pagpapakilala ni Migo kay Lola.

"Lika ho, kain na ho kayo. Pasensya na ho at nauna na ako dito sa hapag. Di ko ho alam na may iba pa palang kasama si Eirik."
Paliwanag niya kay Lola.

Nakangiting papalapit naman si Lola kay Migo.

Tinitigan niya ito.

Tila may inaalala sa mukha ni Migo.

Kumunot naman ang noo ni Migo.

"May kahawig ka iho"
Gulat ko sa sinabi ni Lola kay Migo.

Nakangiti lang habang nakatingin sa kanya si Migo.

Umupo muna si Lola bago nakapag salita.

Pero, mukhang alam ko na ito.

Napa-upo na din kami ni Migo at takang nagkatingin sa akin.

Obvious na clueless siya sa sinabi ni Lola patungkol sa kahawig daw nitong si Migo.

"Alam mo ba, ang tagal ka naming hinintay.. san ka bang nanggaling ha bata ka?"
naku naloko na.

Mukhang inaatake nanaman itong si Lola.

Bukod sa high blood,
may sakit din si Lola sa puso at meron din siyang  Alzheimer's  disease.

Madalas niyang sabihan sa mga taong bumibisita dito na kahawig nila si Papa.

Unico hijo din kasi si Papa tulad ko. Kaya naging paborito ito ng Lola.

Simula nang iniwan kami ni Papa noon at pinili na sumama sa babaeng kabit niya, dinamdam na ito ng Lola kaya nakakasama sa kanya na mapagod at mag-isip isip.

Namatay na rin kase ang Nanay nun sa sakit nitong breast cancer.

Yun din ang bilin sa akin ng doctor nung huli ko siyang napa-check up.

Maging si Denver, naging biktima nadin yan ni Lola at pinagpipilitan na siya daw si Papa at nagbalik na daw ito.

"La, hindi ho iyan si Papa. Siya ho si Migo. Siya po yung tinulungan ko kagabi sa bar."

Malambing na paliwanag ko kay Lola habang nilalagyan ko siya ng kaunting kanin at itlog na maalat sa plato.

Ito kasi ang paboritong almusal ni Lola. Kaya, di na to nawawala tuwing mag-aalmusal kami.

"Bar ka kamo? Aba, Apo kelan ka pa natutong uminom ha? Alam ba yan ni Dante? Naku sigurado at magagalit iyon sa akin."

Si Lola talaga. Pero kahit ganyan na si Lola, mahal na mahal ko yan. Siya nalang kase ang natitirang mahal ko sa buhay.

Kay Lola na ako kumukuha ng lakas.

"Lola, matagal na ho akong nainom. Pati matagal na hong wala si Papa."

Maka ilang ulit ko na ba itong nasabi sa kanya?

Napatingin ako kay Migo na tila nag eenjoy panuorin kung paano kami maglambingan ni Lola.

"Sige kain ng kain"

Aya ko kay Migo. At ngumiti ako habang hinihigop ko ang kape ko.

May naalala nga pala ako patungkol sa nangyari kagabi...

FLASHBACK

"Salamat ha, naabala ka pa. Gusto mo hatid ka na namin?"

Alok sa akin ni Sonny.

Naku may lakad pa pala ako.

Naku, past twelve na.

Baka nagsisimula na ang mga yun ng wala ako.

Meron din kasing anim na missed calls si Cheena.

"Di na, napadaan lang ako kanina. Mukha kasing kailangan niyo ng tulong kaya nilapitan ko kayo."

"Ah ganun ba, naku salamat ha. Saan ka ba nakatira?
Hatid nalang kita para di ka na mag lakad"

Sasagutin ko sana siya na huwag nalang ng biglang tumunog ang telepono niya.

Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.

Nag sign naman ito ng wait lang, tumango naman ako at inintay siya.

Kakahiya din naman kung bigla akong magpapa-alam na aalis.

Patingin tingin ito sa akin at sa kaibigan niya na mahimbing nang tulog sa loob ng kotse.

Ilang intay pa at binaba na niya ang tawag at hinarap ako ng may alinlangang ngiti sa mukha.

Bakit?

"Ah.. Eirik, right?"

Mukhang may sasabihin ito.
Anu kaya yun?
Nahihiya hiya pa eh.

"There's some emergency in our place right now. And I- okay, how do I say this?"

Naghihintay lang ako sa sasabihin niya.

Pabalik balik pa to sa paglalakad.

Mukhang mahirap ang kung anu man ang sasabihin niya ah.

"Pwede ba na sa inyo muna matulog kaibigan ko tonight? Just for tonight only. Please?"

END OF FLASHBACK

Ayun, naki-usap pala sa akin si Sonny last night
kaya andirito ngayon si Migo sa amin.

Kanina habang tulog pa si Migo, tumawag sa akin si Sonny at panay ang pasasalamat nito sa pag sakay ko sa kalokohan ng nga mokong na ito.

Mamaya lang ay susunduin na ni Sonny si Migo.

Nang matapos kami mag agahan, hinayaan ko na muna na umupo at mag relax muna si Migo sa salas namin.

Baka akalain niyo malaki bahay namin dahil may mini garden kami.

Naku naku.

Simple lang bahay namin.

Nakiki-kabit lang kami ng ilaw jan kela aling Minda.

May oras din ang pag-gamit namin ng kuryente kala niyo ba?
kaya kung minsan, nagkakandila lang kami tuwing gabi.

Mula 4am gang 4pm lang kase ang oras namin sa kuryente.

Katakot takot pang paki usapan kay aling Minda bago kami napakabitan ng kuryente.

Ganun din sa tubig.
De oras.

Ganun talaga, tiis tiis kesa sa wala. Diba?

"Relax ka lang jan ha. Antayin mo nalang si Sonny para sunduin ka. Pag may kailangan ka, asa kusina lang ako ha."

Sabi ko kay Migo.

Pero, ang totoo nyan, tatawagan ko si Sonny.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now