Part 40

3.5K 185 26
                                    

Jan Stephen Noval bilang Eirik Rivera. Kelan kaya siya mabibigyan ng oras at panahon ni Migo? May oras pa bang darating para sa kanila ngayong unti unti ng bumabalik ang nakaraan niya at ni Migo? Paano kapag mas nakilala pa niya si Migo? Handa pa ba niyang ituloy ang unsaid feelings nila sa isa't isa?

Chapter song: This Love Maroon 5, (bakit this love? Wala lang. Yun kasi yung kanta sa radyo habang sinusulat ko to.) bago nio basahin VOTE NA AGAD. :D

------

MIGO

I was just about to pay the toys to the cashier nang makarinig ako ng isang komosyon. Nung una, hindi ko na muna pinansin yun, dahil nga nasa mall ako, madaming tao, maingay, kaya natural na siguro iyong ganung ingay.

But when I saw a crowd of people sa kabilang botique, dun na ako napalabas at napapunta sa komosyon..

Hindi yun yung tipo na pag nag sale yung isang brand, dinudumog. Hindi ganun, iba to, the crowd is more like mga usisero at usisera.

I'm not that type of a person na intrigero, usisero, or tsismoso, but something caught my attention on the way sa komosyon..

Dinalian ko ang lakad ko.
Nang makarating na ako sa boutique, Nagulat ako sa nakita ko.
I was right.

Kaya pala parang familiar sa akin, kase si Candice ang nakikita ko ngayon.

"What the fuck!" Bigla kong sabi.

It was Candice and.. Kim!

Kitang kita ko na nagsasambunutan yung dalawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan o sino ang nauna sa kanila pero base sa nakikita ko, Candice dominates over Kim.

Nakita ko na pilit inaawat ni Cloe yung dalawa. Parang hindi 'to kakayanin ni Cloe na mag isa kaya agad ko silang pinuntahan para awatin.

"Candice! Candice! Fuck ano ba? Itigil nyo na yan!" Bulyaw ko sa kanila.

Nilapitan ko agad si Kim.
Siya kasi yung mas agrabyado sa dalawa.

"Candice! What the fuck is this?" Tanong ko.

"Umalis ka jan Migo! Wag mong ipagtanggol ang hayop na babae na yan!" Candice said that in full rage.

"Candice tama na!" Awat ko sa kanila. Aambahan nanaman kasi nito si Kim para muling sambunutan.

"Sige!" Sabi ni Candice. "Ipagtanggol mo ang ahas na babaeng yan! Wag kang magpapaniwala sa kanya! Ginagamit niya lang yung itsura niya para makuha niya ang gusto niya!"

Napatingin ako kay Kim.

"Ano bang sinasabi ni Candice?" Tanong ko kay Kim.

"Wag kang maniniwala sa kanya Migo. Wala akong inaahas. At mas lalong lalo na wala akong inaagaw." Sabi ni Kim. Umiiyak na si Kim, gulo gulo ang buhok. At mukhang nagsasabi naman ito ng katotohanan.

"Sinungaling ka!" Bulyaw ni Candice. "Gagawin mo lahat makuha mo lang gusto mo! Wag ka nang magkunwari!"

"Hoy Candice! Alam mo ba na pwedeng pwede ka naming ipadampot sa guard! Grabe mo pagsalitaan friendship ko! Pwede ka naming kasuhan ng verbal abuse!" Bulyaw ni Cloe.

"Cloe, tama na.." Sabi ni Kim

"Anong tama na friendship? Papayag ka nalang ba na maliit maliitin ka ng babaeng yan?" Sabay duro ni Cloe kay Candice.

"T-teka, teka," Biglang singit ko. "Ano ba yung kinakagalit ni Candice? Anong inaahas? Anong inaagaw? Tsaka paano kayo nagkita? Paano?" Takang tanong ko. "Tsaka paano kayo nagkakilala?"

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now