Part 8

8.6K 261 4
                                    


MIGO

Gusto kong pasalamatan ang kabutihang nagawa sa akin ni Eirik.

Naisipan kong bilhan sila ng mga groceries bilang kapalit sa pag sagip sa buhay ko nung isang araw sa bar.

Napansin ko kase na salat sila sa mga household supplies. Kaya, sana makatulong itong gagawin ko sa kanila.

Nais ko sanang bilhan nadin ng gamot si Lola Anita.
Kaso, hindi ko naman pala alam kung anong gamot ang mga iniinom ng Lola ni Eirik.

Naging maasikaso sila sa akin lalo na si Eirik.

Masasabi ko na maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang Lola.

Paano kaya naipagsasabay ni Eirik ang trabaho sa pag aaral noon? Siya lang din naman ang tanging inaasahan ng kanyang Lola sa mga gastusin sa bahay.

Lahat kargo ni Eirik, mula sa pagkain nila araw araw, sa bayaran ng tubig at kuryente, kay Lola Anita, at syempre para na rin sa kanyang sarili.

Di ko tuloy maiwasang hangaan si Eirik.

Napangiti ako sa naisip.

Kasalukuyang nagmamaneho ako papunta kela Eirik nang tumunog ang phone ko.

Sinuot ko ang bluetooth headset at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Utol? asan ka?"

Sabi ni Sonny sa kabilang linya.

"Nagmamaneho ako, ano meron?"

"Nagyayaya si Chase, andito na daw siya sa Pinas. Pati, birthday daw ng anak niya ngayon."

Medyo kinabahan ako sa narinig kong pangalan na binangit ni Sonny.

Chase. Chase.

Kamusta na kaya si... Chase?

Matagal tagal na simula nung makita ko siya.

It's been what, two years?

Napa isip ako dun.

Nakalimutan ko na may kausap pala ako.

"Ano sabay ka ba sakin o mauna na ko dun?"

Saglit akong di nakasagot ng mahagip ko sa daan si Eirik.

San kaya galing to?

"Hello Migo? Utol, anjan ka pa?"

"Ah Sonny call back kita saglit lang."

Tinangal ko ang headset sa tenga ko at binusinahan si Eirik.

Napalingon naman ito at kumunot ang noo marahil nagtataka kung sino ang sakay ng pulang kotseng nasa harapan niya.

Nakangiti ako nang lumabas sa kotse.

"Migo?"

Halatang nabigla siya sa kung sino ang nakita niya na bumaba sa magarang kotseng nasa harap niya.

"San ka galing?"
Tanong ko nang makalapit na ko kay Eirik.

"Rumaket lang ako jan sa may Kabilang kalye"

Sagot niya habang naniningkit ang mata.

Sobrang init ba naman kase, alas dos ng hapon ba naman!

"Ayos ah"

Sabi niya habang ginagala ang paningin sa kotse ko.

Ningitian ko lang siya.

"Mayaman ka nga talaga. Mukhang iba nanaman to sa nakita ko nun sa Makati ah"
Sabi niya nang nakangiting nakatingin na sa akin.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now