Part 17

6.4K 171 12
                                    

MIGO

I was in my condo one friday morning.

Kasalukuyang nasa may terrace ako nagkakape kasi inaantay ko matapos yung tiga linis dito.

Naalala ko pala na bukas na pala ang dating ni Chase galing Japan.

Makikilala ko na din pala si "Mystery Girl" na naka kuha ng puso nitong si Chase.

Napangiti ako dun sa thought na -  at last he got over to that feeling...

Maya maya din..

Pumasok na ako sa loob kasi medyo masakit na sa balat yung init ng araw.

Nang matapos na siya, nasa sofa na ako nun naka upo.

"Sir Miguel, okay na po, una na po ako."

Tinawag ko siya saglit.

"Bakit sir?"

May dinukot ako sa wallet ko at iniabot ko sa kanya ang tip niya.

Di ko alam kung magkanong halaga yun.

Basta inabot ko nalang iyon sa kanya..

"Naku sir, salamat po"

"Ingat ka. Next week ulit ha"

Nakangiting lumabas siya ng condo ko.

May naalala kasi ako nun...

Si Eirik.

Ganito kasi yun e...

"Oo. Wala nga kaming pera, pero sama sama naman kaming magka-kapamilya."

natuwa lang ako sa sinabing yun ni Eirik.

Sa sinabi nga ba niya o kay Eirik ka mismo natutuwa?
Sabi ng utak ko.

Oo nga pala. Medyo limang araw na ang nakalipas nung huli ko siyang nakita.

Busy na kasi siya nun sa trabaho bilang barbero.

Umayos kayo, mamaya mapano yung tao kasi iniisip natin!

Maya maya, tumunog ang telepono ko, si Sonny yun
Kaya sinagot ko ang tawag.

"Hello, utol? asan ka?"

"Sa condo bakit?"

"Emergency e."

biglang lungkot na boses ni Sonny.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Bakit napano ka ba?"

"Di ako. Si Eirik kasi... nasunugan sila. Andito ako ngayon sa lugar nila. Tara na dito. Aantayin kita"

Pagkarinig ko ng balitang yun, agad agad akong nagbihis at lumabas na ng condo.

Buti nalang at yung kotse yung nadala ko.

Nagmadali ako sa pagmamaneho papunta kela Eirik.

Habang nagmamaneho, may mga katanungang  sunod sunod na nagpa-pop out sa utak ko...

Napano kaya siya?
Okay lang kaya siya?
Si lola Anita kaya?
Paanong nangyari yun sa kanila?
Bat si Sonny andun?
Paano niya kaya nalaman?

Di ko maiwasang mag alala kay Eirik at kay lola Anita.

Naku naku, bat ba kase iniisip ko yung tao kanina. yan tuloy, nagkatotoo nga na may nangyaring di maganda kay Eirik.

Hinampas hampas ko pa ang ulo ko na tila isang baliw.

Bae Meets DreOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz