Part 64

2.6K 75 33
                                    

MIGO

This hurts like hell.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Pakiramdam ko, nasaksak ako. Literal na nasaksak ng harap-harapan. Putang ina, what did I just saw?

Pinapamukha na ba sa akin ng tadhana ang pinabayaan ko? Ang sakit. Puta, ang sakit!!

Walang ibang laman ang isip ko kundi yung sinabi ni Josh kanina sa beach front.
Para akong naka-headset na iyon lamang ang musikang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko. Mabigat ang damdamin ko sa mga nangyayari.

Muli kong tinanong ang sarili ko, kaya ko nga bang gawin? Makakaya ko ba talagang kalimutan nalang si Eirik? dapat ko na ba siyang isuko? Still, hindi na ako tinantanan ng mga punyetang confusion na 'to!

Di ko na napigilan ang luhang tumulo sa kaliwa kong mata. Patulo nadin yung kanan pero pinigilan ko.

I found myself sitting in disbelief.

Bakit ganito kahirap ang situation ko sa nararamdaman ko para kay Eirik? God, sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana hindi nalang namalagi yung pakiramdam ko para sa kanya dito sa dibdib ko.

May mga kaibigan nga ako, pero asan sila? Haay... Tinulugan lang ako. Hindi naman ako pwedeng magpakita kay Kim na ganito ang ayos ko. Damn!

Hindi mo ba nakita? Mukha namang masaya si Eirik kasama yung putang inang Josh na yon. Kailangan kong ipaintindi sa sarili ko na masaya na si Eirik kasama si Josh. Pero kahit anong gawin kong ipaintindi sa isip ko, alam ko na mas magiging mas masaya ako sa piling ni Eirik.

I don't know how long ako nakaupo at nakatingin lang sa blangkong dingding na nasa harapan ko. Balot ng kadiliman ang pwesto ko ngayon. Tahimik at walang katao-tao. Tanging ang ingay lamang ng tubig dagat ang maririnig mo ngayon.

Tulad ng damdamin ko, balot din iyon ng kadiliman - kadiliman na hindi ako sigurado kung masisislayan ko pa ang liwanag. Liwanag na kung saan nandoon din ang mga sagot sa mga katanungang nagpapabigat ng damdamin ko ngayon.

Kung wala akong nararamdaman para kay Eirik, bakit ako nagkakaganito? bakit laging siya ang laman ng isip at panaginip ko? why Eirik's name always resound in my head? hindi ko maitindihan ang sarili ko.

But despite all the confusions, one thing is for sure, I love Bryan Eirikson Rivera whether it's wrong or right. And I'm wishing a divine intervension for me to be able to stand up for what I'm feeling.

"Migo?"

Napatingin ako sa di pamilyar na boses ng lalaki. At napakabilis ng sunod na pangyayari dahil walang ano ano'y bigla bigla niya akong sinuotan ng itim na tela - sinout niya iyon sa buong ulo ko kaya wala ako makita kundi kadiliman.

"S-sino ka! Pakawalan mo ako! Hindi mo ba ako kilala??!!" Sigaw ko habang panay ang pagpupumiglas ko sa lalaking naglagay ng itim na tela. "BITIWAN MO KO!!"

Kahit na anong pagpupumiglas ko, hindi ko magawang makawala sa lakas ng kapit niya sa dalawa kong braso. Napuno ng takot at kaba ang buong sistema ko. Sino naman kaya ito?

"PAKAWALAN MO KO SABE!! ANO BANG KAILANGAN MO? SINO KA BA??!!"

Ramdam ko na pinaupo niya ako sa wheelchair. Tinali ang magkabilang kamay ko sa armrest.  Tapos maya maya ay nagsimula kaming gumalaw. Ramdam ko na tinutulak niya ako sa kung saan. Malakas siya. Kaya wala ring kwenta kung manlaban ako. Ubos na ang lakas ko ngayong araw tapos eto naman ang nangyari.

Laking tuwa ko nang tinanggal na niya yung saplot ko sa ulo, ngunit, bigla niya akong pinasukan ng kung anong embudo sa bibig ko tapos maya maya may nalasan akong mapait na likido. Alak?

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now