Part 65

2K 84 30
                                    

MIGO

Kinabukasan, four thirty-five, nagising ako sa pagdila sa akin ni Husher. Si Husher andito? Napabangon ako sa excitement.

Tumahol siya ng dalawang beses. Namiss ko pala si Husher. Havent seen this big guy for weeks dahil naging busy ako sa kompanya ni Dad.

Tumayo ako at nilaro si Husher. Regalo sa akin to ni Kuya Paul. Kaya especial na aso si Husher. Hindi siya basta basta. Masaya ako at nandito siya.

"Magandang umaga po, Sir Miguel." Bati sa akin ni Luke.

"Kanina ka pa jan?"

Ngumiti at tumango si Luke.

Napansin kong may luhang tumutulo sa aking mata. Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi kanina. When I about to get up, it's four tirty five in the afternoon. Walang bakas ng hangover kundi maluwag at magaan ang pakiramdam ko ngayon.

Tumuloy ako sa sink at naghilamos. I wanted to feel the cold tap water para magising ako sa huwisyo. Tama si Chase naisip ko na dapat ko nang tanggapin kung sino talaga ako habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Nakarinig ako ng katok at si Sonny ang niluwa ng pinto.

"Hey, you're up. I saw you about past five am kanina Nakahiga ka sa buhangin. Okay ka lang ba?"

Kung ganoon baka si Utol ang nagdala sa akin dito.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

I feel empowered now actually.

"Nice. Then handa ka na sa game."

"What game?"

Isang nakakalokong ngiti ang sinagot sa akin ni Utol.

"Get your ass ready. Gagawin kong memorable 'tong post birthday celebration mo." He winked.

Pagtapos niyang sabihin yon iniwan niya akong nag iisip sa kalokohan niya na hindi na yata mauubos at matatapos.

I decide to wear a red shirt. Hindi naman striking red color, yung tamang pula lang bago ako lumabas ng kwarto.

Husher suddenly draging me to the beachfront. Barking my way to him. Ang cute ni Husher habang tumatahol at kumakaway ang kanyang buntot. Na miss din niya siguro ako ng sobra.

I decide to wear my only red shirt. Buti nalang at well trained sa akin si luke kasi dala niya yung mga mahahalagang gamit ko ngayon.

Nagmadali ako mag gargle at lumabas na ng kwarto. Masarap sa pakiramdam yung mainit na sinag ng hapon sa balat ko. Hindi na ako nag abala pang maligo, nagmumog lang at okay na.

Husher suddenly barks my way to the shore. Sinundan ko siya habang nagwawagwag ng buntot. Namiss ko ng sobra yung tunog ng tahol niya.

Umupo ako sa buhangin. Iba ang dala ng buhangin ng Boracay banayad at masarap sa talampakan. Nalibang ako kay Husher at muli kong naalala na hahanapin ko pala ang girlfriend ko. Tumayo na ako at pupuntahan na sana sila Utol ng matigilan ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

Si Eirik! At nakapula din siya! Agad na nanginig ang buong katawan ko.

My heart suddenly beats fast at it's very most upmost speed. Nanlamig kamay ko.

My knees were shaking.

Kalma, Migo!

"E-eirik." Tangina pati pagbigkas ko ng pangalan niya utal pa!

"Migo. Let's talk."

Nagkatitigan kami. It feels so right staring at him like this, as if we could see each other's soul. Nakikita ko ang sarili ko sa hinaharap na kasama siya. This is the future I wanted. Malayo sa lahat. Malayo sa gulo. Malapit kay Eirik.

Ano naman pag-uusapan namin ni Eirik? Malinaw na sa akin ang sinabi ni Josh kagabi. Wala na kami dapat pag-usapan pa. Malaya na kami sa isa't-isa.

"About what?" Pilit kong hindi ipinahalata kay Eirik yung boses kong may tampo sa kanya.

"Sa lahat ng bagay. Marami ako gustong pag-usapan. Kamusta ka na? Balita ko, CEO ka na. Congratulations."

I kept my composure. Dapat hindi na ako magpaapekto pa kay Eirik.

"I'm doing well. Thanks."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang siya sa akin. At ganun din naman ako sa kanya.

Hindi ako makapag concentrate dahil ba sa lamig ng hangin? Yung pagtama ng tubig sa paa ko? Dahil sa presensya niya? O baka dahil sa kung ano bang pinupunto nitong si Eirik?

"Na miss kita." Sabi ni Eirik.

Those words instantly haunts me. Puta ang sarap sa pandinig. I wanted to absorb every word that his mouth just said. Hindi ako makapaniwala na sinabi sa akin ito ni Eirik.

"H-hindi ako nagkaron ng maraming oras para mas makilala ka pa, Migo. Nanghihinayang ako. Ano nangyari? Bakit mo ako iniwan? Bakit ka nawala? Pwede mo bang ipaliwanag sa akin? H-hindi kase ako maka catch up. Migo, sobrang na miss kita."

Gusto ko nang mag break down sa mga narinig ko kay Eirik. Patulo na luha ko. Kinilabutan ako. Nanghina lalo ang tuhod ko. My muscles became clenched.

"Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama."

"Tama? Naririnig mo ba yang sarili mo? Tama bang iwan mo ako sa ere? Migo, you left me hanging on a thread. Wala bang halaga sayo yung pinagsamahan natin dati? Wala lang ba sayo yun? Si Lola? Wala lang ba siya sayo? Ako? Paano ako? Wala lang ba ako sayo?"

Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin si Eirik. Aware ako na maraming makakakita sa amin kapag ginawa ko yon. Pero, hindi iyon ang nasa isip ko ngayon.

"Talaga lang ha? Eirik, nakita kita na masayang masaya ka na  sa piling ng empleyado ng kompanya namin. Lalo pa akong naguluhan nang pumasok ka sa kompanya ko. Nagmamalaki ka na ba? Bakit mo to ginagawa kung alam mong magkakaganyan ka?"

Umiling iling si Eirik.

"Sagutin mo ako. Wala na ba akong halaga sayo?"

Eirik kung alam mo lang, gusto ko nang bumitaw. Kailangan ko nang bumitaw pero.. may mga bagay na hindi ko kayang bitawan.. at isa ka mga bagay na yon. Hindi kita kayang isuko. And I will never.

"You have Josh now. Ano pang silbi ko diba?" Talaga sinama ko pa sarili ko?

"Bakit? Si Kim ba? Migo, si Kim ba?"

I looked away. Sinubukan kong mag iwas ng tingin.. almost, I tried.

"Wala kang alam Eirik."

"May alam ako kase may laban ako! mahal mo ako Migo! Alam ko."

"Walang kwenta tong pakiramdam ko para sayo kase mali ito. Maling mali."

"So meron nga, merong ka ngang nararamdaman sakin at hanggang ngayon hindi mo pa din mapanindigan. Alam ko at ramdam ko na yan matagal na. Nakita kita na nakatitig sa graduation picture ko noon. At iba ang naramdaman ko. At simula noon, nagkaroon ako ng kutob na sana parehas tayo ng nararamdaman."

Tapos naalala ko yung naging pag-uusap namin ni Chase kagabi. Hindi ako makapagsalita. Gustong gusto kong magpadala na sa nararamdaman ko. I felt glad. Masaya ako kase nandirito at nasa harapan ko si Eirik. Pero, kapag nagpadala ako, madaming masasaktan. Lahat maari at pupwedeng mawala sakin.

"I have missed you, more than words can say.." bulong ko at sapat na yun lakas nun para marinig ni Eirik.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now