Part 55

3.1K 90 8
                                    

A YEAR AFTER

Nakatayo ako sa pamilyar na marmol na bloke kung saan may nakasulat na pangalan..

RIP

Atty. Paul Robertson Francisco

Born: Febraury 13, 1989
Died: October 25, 2014

Our beloved Son, brother, friend who is now with the lord..

"Hi, Kuya." Sabi ko habang inaayos yung dala kong bulaklak at nagsisindi ng bagong kandila. Umupo ako sa malamig na marmol.

May sariling museo si Kuya Paul na pinagawa ni Dad. May sariling kusina ang loob nito, maliit na salas, CR. Parang bahay lang. Walang masyadong palamuti ayon nadin sa katauhan ni Kuya Paul noong nabubuhay pa siya.

Napaka simpleng tao lang talaga ni Kuya. Isa siyang magaling at tinitingalang attorney sa batch niya noon. Masunurin siya kay Dad. Kaya nga paboritong paborito siya ni Dad eh, pero, kahit kailan never akong nakaramdam ng inggit kay Kuya Paul.

Since kami lang ang dalawang anak, kaya sobrang close namin talaga. Simula noong namatay si Kuya Paul naging mag isa na lamang ako. Wala na kasi akong karamay kapag sinisernuman ako ni Dad. Masakit sa akin na kinukumpara ako palagi sa anino ni Kuya Paul. Magkaibang magkaiba kami. Sa anong kinabait niya, siya naman ang kinasama ko. Ayon kay Dad, I was the blacksheep of the family.

I open a bottle of smirnoff at tinungga ang laman niyon, kailangan ko ng lakas ng loob.. The bitter, the better! Wala akong kinain maghapon kaya medyo mahapdi iyon sa tyan. But I don't care.. Ngumiti ako. For the first time, aamin na ako kay Kuya.

"Kamusta ka na sa langit, Kuya? Ayos ka lang ba jan?" Bulong ko habang pinupunasan yung marmol na bloke kung saan naka print yung pangalan niya.

Atty. Paul Robertson Francisco

Napangisi ako. Buti ka pa kuya, nasunod mo gusto mo. Unfair kalang kase, ako naman ang sumalo ng obligation mo.

Okay.. Here we go..

Isa

Dalawa..

"Kuya.. matagal na akong involve sa drag race.. Sorry kung ngayon ko lang inamin sayo. Malakas na loob ko kase, hindi mo na ako makakaltukan kase isa ka nalang malamig na bangkay."

Mahirap umamin kay kuya Paul noong nabubuhay pa siya kase sigurado ako na ibaban niya ako sa mga kotse at motor ko and worse baka ipa-hold niya yung credit cards ko. Pero alam ko, hindi naman niya gagawin yun. Kilala ko si kuya Paul na gang salita lang siya pagdating sa mga pananakot niya saken noon.

Aaminin ko, mahirap talagang umamin sa kanya noon na involve ako sa drag racing, though alam ko na natutunugan
na niya ako. Di lang siya nagsasalita kase wala pa namang masamang nangyayari sa akin.

Kagagaling ko lang ngayon sa isang 10 million bet race kung saan ako, bilang reigning champion sa drag race ay may nakatunggaling mga baguhang challengers. Apat pa sila. Pero dahil sa gamay na gamay ko na ang karera at lahat ng technique kabisado ko na, napakadaling lampasuin ng apat. Sisiw lang. Kung baga, no sweat. Hindi nga ako na challenge eh.

Actually, nagsilbing ultimate distraction ko ang drag nitong huling 11 na buwan bago ako nagsimulang mag train sa company ng dad ko. The pressure is there. Dala dala ko ang apilyedo ng Dad. At lahat ng mata ng publiko sa akin nakatututok. Binabantayan yung bawat kilos, galaw, at salitang binibitawan ko.

Living in a multi billionaire family like this, gives me hard time. Masyadong pressured ako lalo na pa't ako na ang hahawak ng kompanya ni Dad instead na si kuya Paul. Which is si kuya naman talaga ang originally na magmamana ng kompanya. Naka plano na ito bago pa man daw ako mapanganak. Pero, dahil sa nawala sa amin si kuya, ako na ang sumalo lahat ng pressure at judgement ng tao sa paligid ko. Especially, kay Dad.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now