Part 35

3.3K 87 8
                                    

CHASE

Nakarating na kami sa bahay. Bumaba ako para buksan yung gate. Pag garahe ko ng kotse, nakita ko agad si Mama.

"Ichan, where have you been?" Tanong ni Mama. "Tumawag ako sa office kanina, maaga ka daw nag out sabi ng secretary mo."

I kissed her sa cheek. "Nag aya lang po si Mike Ma, konting inom lang po." Sabi ko.

"Nakainom ka pala tapos you're driving pa, bakit hindi ka nalang nagpasundo?" Tanong ni Mama. "Sana naipagmaneho ka nalang ng driver natin."

"Ma, okay lang po ako. Hinatid ko pa si Mike on the way kaya medyo na late po ako ng uwi." Sabi ko.

Typical na talaga si Mama sa pagiging maaalahanin sa akin. Lagi niyang katwiran, ako ang nag iisang unico hijo niya. Kaya, minsan pinagpapasensyahan ko nalang siya. I love my Mom. Sa kanya ko lang binubuhos lahat ng saloobin ko. Parang magkaibigan lang ang turingan namin ni Mama.

"Ikaw ha, napapadalas na yata yang inom niyo ni Mike, baka kung saan saan ka na niyan dinadala ha." Sabi ni Mama.

"Ma, hindi naman po ganun si Mike. Na miss lang po talaga ako nun. Tagal ko kasi sa Japan." Sabi ko.

High School friend ko si Mike. Kasakasama ko siya kapag may mga org kaming dinadaluhan. Kagrupo ko siya sa Ap Club. Dun kami nagkakilala.

"Ah.. Ma," sabi ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya na kasama ko nanaman ngayon si Migo.

"Ano yun Ichan?" Tanong ni Mama. "May gusto ka bang sabihin?"

"May kasama ako Ma."

Kumunot ang noo ni Mama. "Sino naman? Akala ko ba hinatid mo na si Mike?"

"Hindi si Mike Ma." Sabi ko. "Si M-Migo po kasama ko."

Nanlaki mata ni Mama. Alam ko nagulat siya sa kanyang narinig.

"Si Migo?"

"Opo Ma."

"Nakikipagkita ka nanaman ba sa kanya?" Tanong ni Mama. "Ichan hindi ka pa ba nadadala?"

Huminga ako ng malalim. Gusto kong ipaliwanag kay Mama na hindi ko naman intensyon na makita ngayon si Migo. Sapat na nakakamusta ko siya dahil kay Sonny.

"It wasn't my intention to see him Ma." Sabi ko. "I just found him sa kalye. Nakahiga. Lasing na lasing--"

Pinutol ni Mama ang sasabihin ko.

"Tapos bumaba ka naman at tinulungan mo?" Sabi ni Mama. "Tapos dinala mo pa siya dito? Ano ba tingin mo sa puso mo, bato? Anak naman.. Hindi ka na ba natuto?" Hinawakan ni Mama kamay ko. "Hindi ka pa ba nadadala? Sinaktan ka ng lalaking yan Ichan baka nakakalimutan mo."

"Ma, he's still my friend. Ganun naman ang gawain ng kaibigan diba? Tinutulungan ang isa't isa. Nagkataon lang na nakita ko siya sa daan. He needed help. Kaya Tinulungan ko siya." Sabi ko.

"Ichan. Alam ko na magkaibigan kayo niyang ni Migo, pero sana, ang akin lang, umiwas ka na. Baka maungkat nanaman ang nangyari sa inyo noon." Sabi ni Mama.

Tinutukoy ni Mama yung nangyaring pagtatapat ko kay Migo noon bago ako lumipad papuntang Japan. Kay Mama ko unang kinuwento yun. Pinayuhan ako ni Mama na magpalamig muna. Umiwas. Kaya ang naisip ko, pumunta sa Japan.

"Ma, matagal na po yun. At natuto na po ako. Alam ko na po kung saan ako lulugar." Sabi ko kay Mama.

Niyakap ko si Mama. Buti nalang at may ganitong ina ako ngayon. Kahit na hindi kami magkasundo ni Ate, nanjan naman palagi si Mama para pagsabihan ko ng mga ganitong problema. Tanggap ni Mama ang pagiging bakla ko. Hindi niya ako pinandirihan. Hindi niya ako hinushagan. In fact, mas lalo ko pang naramdaman na mahal ako ni Mama. Mas lalo ko yun nakita sa kanya. Simula nung mag open ako about sa totoo kong sekswalidad, naging mas close pa kami ni Mama. Okay na sana kaso, hindi pa ito alam ni Papa. Alam ko na galit si Papa sa mga katulad ko. Alam ko na hindi niya agad ako matatanggap.

"Kung pwede lang po sanang burahin yung mga nangyari noon, matagal ko nang ginawa. Sana hindi ko nalang siya nakilala Ma. Sana ganito nalang, yung magkaibigan lang kami. Walang attachment sa isa't isa." Sabi ko habang yakap si Mama.

"Ichan, anak, Kahit anong pilit mo sa kanyang gustuhin ka niya o pansinin man lang ang mga ginagawa mo para sa kanya, wala kang mapapala kung wala talaga." Sabi ni Mama.

"Ma, hindi ko naman po ginusto na maging ganito ako eh." Sabi ko na medyo napapaiyak na.

"Mapapagod ka lang sa mga 'sana ganito' at 'sana ganyan.' Akala mo matapang ka na kapag pinilit mong kayanin, kakayanin mo," sabi ni Mama. "Pero wala naman. Walang kwenta. Kasi alam mong sa simula palang na naramdaman mo ito, alam mong talo ka na kahit hindi pa nagsisimula."

"Sana sinusulat nalang yung feelings para mas madaling burahin." Sabi ko.

"Nanay mo ako. Anak kita. Tulad mo, umibig na din ako dati at nasaktan. Kaya naiitindihan ko yang pinagdadaanan mo ngayon. I've been there." Sabi ni Mama. Bumitiw ito sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya mukha ko. "Kailangan mo lang matutong magpakatatag. Ichan, Iba ang pursigidong sigurista sa tanga." Sabi ni Mama habang pinupunusan ang luha ko sa mukha.

Matapos ang pag uusap naming iyon ni Mama. Binuksan ko na yung pinto ng kotse tapos dinala ko na  agad si Migo sa kwarto ko.
Dating gawi, hiniga ko siya sa kama, binanyusan, pinalitan ang suot na damit. Tapos, uupo ako sa tabi niya. Tititigan siya. Ganito naman lagi ang set up eh. Tuwing may problema si Migo, sa akin ang takbo niya. Kapag nalalasing siya noon, ako ang nag aasikaso sa kanya. Minsan sila Jepoy at Sonny. Pero, madalas ako. Tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Okay na talaga ako na ganito.

There are things that meant to stay in the past. Hindi na kailangan pang balikan,
Migo became my sweetest mistake. At alam ko, hinding hindi ko yun pagsisisihan.

"Makakalimutan din kita Migo.." Sabi ko.

Hinawakan ko kamay niya at dinama ko yun sa mukha ko.
Hindi ko mapigilan ang maiyak sa sitwasyon ko ngayon.

"Darating din ang panahong titigan kita sa paraang nakilala kita. Hindi na sa paraang minahal kita ng sobra.."

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now