SPECIAL CHAPTER 4 *

1.6K 17 0
                                    

ALLYSSA EUNICE'S POV...

As expected ay agad na kinontak ni Christian ang kanyang mga kilalang organizers and planner para sa gagawing kasal sa susunod na buwan. Oo---dahil gusto na niya raw ako agad makasama mula sa paggising niya. Isang buwan pa lamang mula nung nagproposed siya skain at eto na kami ngayon nagpaplano na.

Natatawa ako sa tuwing maglalambing siya sakin. Hindi siya nagbabago at lahat ng mga bagay na gagawin pagkatapos ng kasal ay pinagpaplanuhan na niya maging ang honeymoon namin at pagkakaroon agad ng anak.

Masyado siyang makulit kaya pati ako ay hindi makakapagconcentrate sa sinasabi ng planner. Maging sa pagpapadesenyo ng gown ko ay nandyan siya. Bwat transaction ay gusto niyang andyan parin siya. Pareho naman naming napapagkasunduan ang mga kukunin naming Ninang's and Ninnong's sa kasal namin.

Cherry blossom ang gusto naming maging theme ng aming kasal kaya pink at red ang napili naming kulay sa kasal. Hindi na tinagal ang pagdesisyon namin tungkol sa imbitadong bisita dahil pinag ipunan niya talaga ang gusto niyang ibigay na kasal sa'kin. Sa isang hotel naman ang aming reception.

"Tumigil ka nga jan." Saway ko sa kanya. Nalilikutan kasi ako sa kanya dahil panay lamang ang paghalik niya sa kamay ko kahit pa man may kaharap kami.

"Im not ashame on showing to the whole world how important every minute that I spend with you."

Siguro ay namumula na naman ako sa malageaven niyang mga salita. Kahit na matagal na kaming may pinagsamahan ay parang bago pa lamang ang mga actions niya sakin. May kilig pa itong hatid sa akin at nakakaganang gumising ng maaga.

"Mamaya na nga yan." Asik ko pa. Ngunit hindi talaga nagpapaawat at hindi na binitawan ang kaliwang kamay ko.

"Ang cute niyo namang couple." Ani ng wedding planner namin.

"Thank you. Marami na rin kasing napagdaanan." Nahihiya pa ako ngunit proud akong siya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko.

Kahit maraming pagsubok pa ang daating sa buhay natin. Kung kaya mo lang namang mahalin ng pangmatagalan bakit hindi mo gawin.

"Mas maswerte nga ako sa kanya, kahit anong iwas ko noon sa nararamdaman ko siya at siya lang ang tinitibok ng puso ko." Ganting sabi niya at sabay kindat pa sakin.

Sus! Galawan na naman siya.

"I love you with all your flaws and imperfections." Pahabol niya pa. Hindi na ako nakapagsalita dahil parang natikom na nang tuluyana ng mga bibig ko at patuloy nalang na nag aabang sa mga salitang bibitawan niyang muli.

Nang matapos iyon ay pumunta na kami sa shop kung saan ako ng pagawa ng designs ko para sa gown. Kilala ko naman ang may ari nito madalas kami rito ni Chrysstall noon dahil mahilig kami sa mga magaganda ngunit simpleng designs nung minsang may inatas na output ang kanilang prof sa ganitong mga damit.

Naupo na lamang sa living area si Christian bago ako tumungo sa mismong loob ng shop na mayroong samu't saring disenyo ng pangkasal. Pangarap kong makabili ng magndang gown para sa pangarap ko ring magpakasal sa taong mahal ko. Na pag isahin kami sa harap ng maraming tao. At ngayon eto na ang daan patungo doon. Minsan nakakapagod ngunit masaya at excited na rin sa nalalapit na kasal namin.

"Mamita Pooh!" Biglang sigaw ko at patakbong bumeso sa kanya.

Mamita ang tawag ko sa kanya dahil yjn ang gusto niya. Bakla siya ngunit isa siya sa closest friend namin ni Chrysstall na designer.

"Gosh! Lumipad ang balita papunta rito at nagpahiwatig na ikakasal ka na." Kiniliti pa niya ako sa tagiliran ko.

Kilala na niya kasi si Christian noon pa man nung unang naging kami. Botong boto pa nga siya at napangako naming siya ang magdedesign ng mga gowns namin kapag ikakasal kami ng bestfriend ko.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now