Chapter 41 *

1.3K 21 0
                                    

Aaron's POV...

"Makita lang ulit kitang umiiyak babawiin na kita sa kanya." Nakita ko ang pagkagulat niya sa mukha dahilan para titigan ko rin siya.

"Mark my words this time Chrysstall. Masama akong magalit higit pa sa boyfriend mo."

Mahal ko na siya at kahit kailan ay hindi iyon nagbago. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang babaeng mahal ko sa lalaking pinagkatiwalaan ko sa kanya. Di ko lubos maisip kung ano nga ba ang dahilan para maging mukhang miserable si Chrysstall...

Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus ay bumaba na ako para mapuntahan ko ang teammates ko. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko parin siyang tulala.

Bakit ba mas pinipili niyang magmukhang kaawa-awa kung pwede naman siyang maging masaya?

"Bro? Bakit hindi ka sumali kanina. We have a nice game." Pagmamalaki nila sakin.

"Yeah, I've been here watching you guys." Sabay lapag ng mga gamit ko at makisali sa laro nila 7:30 palang at may isang oras pa ako at kalahati para maglaro.

Nagsimula na ako ng lari pero ang utak ko ay nanatiling kay Chrysstall maging ang paningin ko ay lihim kong sinusulyap sulyap sa kanya. Hindi naging maganda ang laro ko ngayon dahil wala akong naishoshoot. Kulang nalang ay tamaan ako at batuhin ng bola sa sobrang katangahan ko.

"Yurli! Out." Galit na tingin sakin ni Coach.

"Pasensiya na coach."

"Kung may problema ka ngayon ay ayusin mo at baka matamaan ka lang jan."

Wala akong magawa kundi ang sumunod nalang. Nagmaktol ako papuntang bench.
Nilingon ko siya pero bagsak balikat naman ako nung malaman kong umalis na siya.

Nakakatawang isipin na kakapasok ko palang ng game hindi ko man lang natapos ang isang quarter.

Hahahahahaha.

***************************************


KEITH'S POV...

Tuluyan akong huminto sa park. Pareho kaming dalawa ni Chrysstall na ito ang takbuhan namin kapag lagi akong may problema. Parang dito sa lugar na to nagiging tahimik ang pag iisip ko. Isinuot ko na ang jacket at hood ko saka lumabas ng kotse.

Palakad lakad ako habang panay hugot ng buntong hininga. Naalala ko pa nung una ko siyang makita ritong umiiyak dahil sa kanyang nobyo. Yung para siyang batang nagmumukmok sa duyan kahit gabing gabi na.

Yun ang mga panahong kahit hindi kami magkakilala ay kinausap niya parin ako hanggang sa nagtapat na ako sa kanya.
Binalikan ko yung wooden swing. Maayos parin ito at matibay. Doon ako umupo at nagpaduyan duyan na parang bata.

        ♡♡FLASHBACK♡♡

"Miss? Are you okay?" Tanong ko sa babae. Nung una ay akala ko hindi niya ako kikibuin kaya naman tumabi na ako sa kanya. Nang makita kong umiiyak siya ay parang nasasaktan din ako. Dinampot ko ang panyo na dala ko sa bulsa ko at binigay sa kanya. Ayokong makakita ng babaeng umiiyak.

"Thanks." Maliit niyang sagot sakin at pilit na ngumiti.

Nanatili ako sa tabi niya. Hindi naman siya naiilang na kasama ako dahil ang tahimik niya ngayon.

"He's leaving Philippines." Panimula niya. Nagulat ako siyempre hindi ko inaasahan na ibahagi sakin ang problema niya kaya naman naantig ang interes kong makinig sa kanya. Sa kapatid ko madalas gawin ito ang magbigay ng kaunting payo.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now