Chapter 17 *

2.1K 53 6
                                    

#Chapter17

CHRYSSTALL'S POV...

Kumain lang naman kami at nag ikot ikot sa lugar. It was too romantic for a date pero wala akong gana minsan natutulala nalang ako habang kinakausap niya. Then hinatid na ako ni Aaron sa bahay kasi ayaw niyang mapagod ako at dahil marami pa akong gagawin na hindi ko naman alam kung maaasikaso ko rin.

Nahihiya naman kasi akong sa bar ako agad mag aya. Tsaka ayokong magkuwento tiyak na magtatanong iyon. Tsaka kahit hindi pa kami lubusang magkakilala pakiramdam ko matagal ko na siyang nakakasama dahil magaan ang loob ko sa kanya.

Napakamaintindihin rin ni Aaron hindi siya yung tipong pipilitin ka sa gusto niya. Mabilis rin ang naging byahe namin. Pagkarating namin sa bahay ay nakita ko kaagad si Keith na nakasalubong ang kilay niya.

Awtomatiko namang napataas ang kilay ko sa kanya. Ang kapal din naman niyang magpakita pa rito.

Pagkababa na pagkababa ko ay sinuntok ni Keith si Aaron.

"Stupid! Pati si Chrysstall dadamayin mo sa kagaguhan mo! Dont you dare treat her like what you did with your ex's or else I'll bury you alive." Galit na galit niyang pagkasabi.

Sumuntok din si Aaron kaso di niya natamaan at tumilapon lamang siya sa gilid. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito silang dalawa. T'was like they knew each other already. 

"Ano ba kayong dalawa!" Pag aawat ko sa kanila kaso parang hindi ko ata sila kaya.

"Tig-tigil na kayo. Ano ba!" But still di parin sila tumitigil.

Suntok dito, suntok doon ang ginawa ni Keith ngunit tinatanggap lang ito ni Aaron at pawang nakangisi lang itong pagmasdan ang ginagawa ni Keith. Naaawa ako sa kanya dahil putok na rin ang kanyang labi. 

"Titigil ba kayo or magtatawag ako ng security?!" Buong lakas kong pinaghiwalay sila. Medyo nahirapan rin ako doon ngunit humiwalay naman si Keith sa kanya.

"Ano bang problema mo? Umuwi ka na!" Bulyaw ko kay Keith ngunit hindi siya natinag. Still masama ang tingin niya kay Aaronn.

"Let's talk Chrysstall." Hinila niya ako ngunit nagpumiglas ako.

"No, umuwi ka na! Ano bang problema mo?"

"Pagpapalit mo ko sa lalaking yan?"

"Oo!"

Natigilan siya sa sinabi ko at napailing iling. Nakikita ko ang sakit sa mukha niya sa sinabi ko. Ayokong mauwi kami sa ganito ngunit siya misno ang nagtutulak sakin para iwasan siya.

Agad kong nilapitan si Aaron na ngayon ay nakaupo sa lupa. Tinulungan ko siyang makatayo.

"I'm okay Chrysstall. K-Kaya ko na ang sarili ko."

"No, you're not. Ang dami mung pasa."

"Hihilom rin iyan." He still convincing me kaya matagal ko siyang tinitigan.

Alam kong hindi. Alam kong iniinda niya lamang ito para hindi magmukhang kawawa. Bilib rin ako sa kanya dahil kahit alam niyang may laban siya hindi na niya sinikap na lumaban at manakit pabalik.

"Okay, but please allow me to help you."

Inalalayan ko si Aaron papasok ng kotse niya.Ayokong maabutan pa sila nila Mommy na nag aaway dahil sakin.

"Mag iingat ka."

"I will." Pinilit niya pang ngumiti at mag mukhang ayos.

"Itext mo ko ha. Salamat sa oras mo."

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now