Chapter 74 *

1.2K 20 6
                                    

KEITH'S POV...

Naikancel kahapun yung meeting namin sa Montesorie kaya ireresched iyon ngayong umaga.

Kaya naman maaga akong naghanda ng sarili ko. Excited narin akong makita si Yssan. Ang gaan gaan ng loob ko sa batang iyon hindi ko alam kung bakit. Kakaiba siya sa ibang batang nakilala ko.

Medyo may kalayuan ito sa opisina ko hindi kasi ako nakauwi sa Condo ko malamang guguluhin na naman ako ni Chloe. Bahala siya kung doon niya gustong matulog sa condo ko. Welcome naman siya doon as long as hindi niya ako bubwesitin.

Nang sa wakas ay nakarating na ako... Nakita ko namang bumaba sa kotse si Yssan.

dO.ob

OH THIS IS GREAT.

Lilihis na sana ako ng daan...

"Tito Fith." Biglang sigaw ni Yssan. Hindi na ako nakapagtago sa kanya. Dahan dahan akong humarap sa kanila at papalapit sila ngayon sakin.

I need to be calm.

Pilit naman akong ngumiti sa kanya sabay kaway pa sa kanya. Para naman hindi niya isiping hindi ko sana siya papansinin. Napakabibo talaga ng batang ito. Hinila pa niya ito ang kasama nito palapit sakin.

"Hello Yssan." Ginulo ko pa ng bahagya ang buhok nito. Ang cute talaga niyang tignan.

"Hello Tito Fith. Bakit po kayo nandito?"

"My meeting lang ako dito sa school ninyo. Pinatawag kasi ako ng principal."

"Ganun po ba." Nakakawili tong batang ito dahil super friendly siya. "Eto naman po ang Daddy ko." Napakaawkward naman ng scene na to. Hindi ko alam kung paano ba dapat magreact sa ganitong eksena.

"He's my friend Daddy."

"Really? Very good naman ng baby boy ko." Nag aalinlangan pa ako kung paano ako titingin sa kanya.

Hanggang sa...

Inabot niya ang kamay niya sakin. Tinignan ko pa siya at binigyan ng tinging nagatatanong kung seryoso ba siya sa kinikilos niya.

"Hi bro. Im Matthew." Inilahad niya nag kamay niya sakin.

Seryoso ko naman itong inabot at nakipagkamay. "Im Keith. Nice to meet you by the way." Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Gusto ko siyang sumbatan kung bakit niya tinago lahat sakin. Kung bakit hindi niya pinaalam sakin na may pamilya na pala siya. Edi sana hindi na ako umasa pa.

Bakit ba ang tanga ko ngayon? Tsk.

"Me too." Sarkastikong sabi ko. Kung hindi lang dahil sa pamangkin ko ay hindi ko siya papansinin. Para akong tinraydor ng sarili kong pinsan. Nakakainis.

"Daddy. Let's go." Masaya naman niya itong tinulak ang Daddy niya dahil sa excited pumasok.

"See you around." Napailing iling naman ako.

Ha?! See you around ka pa ha! Eh kung suntukin kaya kita ngayon. Masakit na masakit na. Bakit siya pa yung dapat na maging ama ng anak ni Chrysstall? Bakit ang pinsan ko pa!

Sana nagmahal nalang siya ng iba matatanggap ko pa sana. Pero eto? Sobrang sakit eh.

Yung nakikita ko siyang masaya habang ako patuloy na nasasaktan? Nakakagago.

Wala akong magagawa dahil andito na to eh. Nagbunga na ang pagmamahalan nilang dalawa. Ang tanga ko rin, mahal ko pala pero pinakawalan ko lang siya. Ako na mismo ang nagbigay ng pagkakataon sa kanila.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now