CHAPTER SEVEN ✔

3.5K 48 0
                                    

#FIWYChapterSeven

*************************

CHRYSSTALL'S POV...

Mabilis lamang na lumipas ang mga araw at linggo.Its been a month na simula nung inilibing si Mark. Pinilit ko rin noong umattend sa kanyang libing bilang respeto na rin sa kanya at sa kanyang pamilya.

Today is saturday and Im going to the beach. I want to accept the fact na hindi na siya babalik, na namatay na siya at dahil sa isang aksidente. Ayokong sisihin ang sarili ko I want to forgive myself for not being with him for enough time.

"Yaya,  lalabas na muna po ako."

"Saan ang punta mo, Hija?"

"Pupunta po akong tabing dagat."

"Hindi ka ba man lang mag aalmusal o kahit magbaon ka nalang. Teka ipaghahanda kita."

"Sige na nga po." Sumunod ako sa kanya sa kutchen at dali dali naman siyang nagprepare ng babaunin ko ngayon.

Napangiti naman ako sa kanya dahil parang si Mommy rin siya. Namimiss ko na bga ang kanyang anak.

"Yaya,  kailan dadalaw ulit si Abby rito?"

"Hindi ko alam dahil mag eexam pa sila ngayon buwan kaya hindi lumalabas ng bahay masyado."

'"Ang sipag pala ni Abby mag aral."

"Oo nga, masuwerte ako sa kanya dahil kagaya mo napakabait niyang bata."

Maya maya lang ay natapos na rin ni Yaya ialagay sa isang bag ang papadala niyang paglain upang huwag akong magutom.

"Iyan ang bilin ng Mommy mo sa akin na papadalhan ka ng pagkain kung sakaling hindi ka mag aalmusal."

"Salamat po."

"Siya nga pala, kinakamusta ka ng anak ko. Namimiss ka na raw niya."

Napangiti nalang ako. Parang kapatid ko na si Abby kaya malapit ang loob ko sa kanya at scholar siya nila Mom at Dad. Tinuruan ko rin siya kapag may nahihirapan siyang mga subjects.

Nakakapagod rin palang magmukmok sa kwarto sa tuwing darating ako galing school. Pero nakakalungkot parin at the same time nakakamiss lang si Mark. Kung maayos lang sana ang naging huling pagkikita at pag uusap namin ay buhay pa siya. Matutupad pa niya ang pangarap niyang makapagtapos sa isang medical school sa States.

Dala ko din yung bracelet at kwintas na binigay niya sakin noon. Hindi ako makakamove on if patuloy ko 'tong makikita. Lagi ko itong suot dahil pakiramdam ko sa tuwing titignan ko lamang ito sa aking kamay ay nararamdaman ko na ang presensiya niya.

Mabilis ko lang rin namang narating ang isang resort na nagustuhan ko rito na medyo malapit lang sa aming bahay.

Amihan Camp Resort...

Maganda rito at madalas raw dayuhin ng mga tao dahil bukod sa maaliwalas na lugar ay komportable sa serbisyo ang mga tao rito. Puro puno ng niyog ang nakahilera na siyang entrada para makapasok ka sa resort na ito. Pumarada naman ako sa parking space nila.

Mahangin, maganda ang tanawin at malinis ang kapaligiran. Masasabi kong well-maintained talaga ng mga tao ang lugar. Merong dalawang naglalakihang pool area na mukhang para iyon sa mga adults at dalawang kiddie pool. Meron ring fountain sa tapat nito. Maaari ring mag bilad sa araw kung nanaisin mo at damuhan rin ang nasa loob nito hindi ito puro tiles ang makikita mo.

Nakaharap ako ngayon sa direksyon kung nasaan ang dagat. Sa kaliwa ko merong mini bar, restaurant na hindi rin gaanong malaki, at information section. Sa kanan ko naman ay mga nagkalat na nag gagandahang cottages. At marami rin namang food stalls rito.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now