CHAPTER FIVE ✔

3.7K 67 12
                                    

#FIWYChapterFive

*************************

CHRYSSTALL'S POV...

"Bakit?" Halatang naguguluhan siya sa naging desisyon kong ito. "Bakit kailangang umabot pa tayo rito?"

"Ayokong pahirapan pa natin ang isa't isa. Sadyang eto na talaga ang nakatadhana sa ating dalawa."

"Hindi." Napapailing-iling siya. "Alam kong naguguluhan ka lang."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin.

"Five years, Chryss. Five years! Itatapon mo nalang ba yon?"

"A-Ayoko na. Ayoko nang mahalin ka."

Eto na siguro ang pinakasinungaling na salitang nasambit ko sa harapan niya. Mas mabuting masaktan ko na siya ng ganito at matigil na siya. Darating ang panahon, kung kami talaga para sa isa't isa hihintayin ko nalang ang oras na iyon na dumating.

"Nagsisinungaling ka lang. Hindi yan totoo. G-Gusto mo bang huwag na akong tumuloy? Gusto mo...gusto mo bang---"

"Shut up! Ayokong hadlangan pa kita. Gusto kong matiwasay kang lilisan sa bansang ito. Kaya hindi kita pipigilan pa."

"Please don't do this to me." Pagmamakaawa niya.

Harap harapan kong nakita kung paano dahan-dahang bumagsak ang mga luha niya. Ramdam ko ang sinseridad niya sa kanyang pagsusumapo sakin. Ngunit hindi ko na pwedeng bawiin nalang basta basta ang lahat ng masasakit na salitang binitawan ko.

"Kahit eto lang, pagbigyan mo naman ako. Pagbigyan mo naman akong huwag mangulila at masaktan ng todo nang dahil sa'yo." Direktang nakatuon ang mga paningin ko sa kanyang mga mata. "Pakiusap." Halos mapiyok na ako ng sambitin ko iyon.

Masyadong masakit na rin na hindi ko siya makasama ngayong sinanay na niya akong lagi siyang nasa tabi ko.

Hindi ko alam kung bakit natatakot at naduduwag akong mawalay sa kanya. Maybe natatakot akong maloko ulit gaya ng dati, that almost ended in most painful situation.

Nabawasan na ang tiwalang binigay ko sa kanya. Naiintindihan niya rin naman iyon ngunit sa pagkakataong ito hindi impossibleng maulit na naman ang pangyayaring iyon kahit sinasabi pa niyang mahal niya ako. Hindi malabong mangyari iyon ulit!

"Hindi ako papayag."

"Tama na Mark. Aalis ka na naman diba?"

"Babalik rin naman ako, babe. Konting tiis lang."

Agad akong umiling sa kanyang sinabi.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"Bakit? Bakit noong niloko mo ba ako tinanong ko ba sayo kung bakit mo yun ginawa?"

"Matagal nang tapos iyon! Bakit ba hindi mo nalang kalimutan?!" Nagulat ako nang bigla niya akong pagtaasan ng boses bagaman nakarecover agad ako.

"Bakit hindi ko magawang kalimutan? Dahil hanggang ngayon masakit parin!" Sigaw ko naman sa kanya. Gusto kong magising siya sa katotohanan, na lahat ng nangyare na ay hindi na maitatama pa.

"Then,  why should we end this?" biglang tanong niya.

"This is the best way to lessen the pain you cause everytime I saw you. Kung tayo talaga pagbalik mo, edi tayo. Lets have some space for now. Gusto kong tuparin mo lahat ng pangarap mo kahit hindi na tayo."

Bigla naman niya akong niyakap. Nagpupumiglas pa ako ng una. "Please. Let me hug you for a while."

Matunog akong bumuntong hininga dahil wala na akong magawa kundi ang pagbigyan siya sa kanyang hiling. Nagsiagusan na rin ang mga kaninang kinikimkim kong luha. Gumanti ako sa kanyang yakap.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now