Chapter 46 *

1.3K 18 0
                                    

CHRYSSTALL'S POV...

"Baliw ka na ba? O sadyang hindi ka lang nakakain?"

dO_ob

Napabalikwas naman ako nang bangon. It means kanina niya pa ako pinagmamasdan? Diretso lang siyang nakatingin sakin, hindi ko alam kung ano ba ang sinasabi niya.

Peste...

"W-what?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto akala ko kung ano na nangyari sayo."

Ha? Pagbuksan ng pinto? Akala ko ba ay magkasunod labg kaning pumasok? Anong nangyare? Nananaginip ata ako eh.

"Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina?"

"What? Kinakatok kita kanina pa pero dito ka lang nakahiga at tulala. Nag aalala ako kung dapat na ba kitang dalhin sa hospital." Sabay pa tawa. Bigla naman ako nakaramdam ng inis sa kanya.

Mukha namang may nakakatawa sa sinabi ko ano? Tsk. Minsan nga naman ano?

"Bakit ba ang bilis mong magalit ngayon?"

"Ewan ko." Tsaka ako ulit nahiga at tumingin sa kisame.

"Baby, dito ko nalang ilalagay tong paper bags mo ha."

"Okay." Yan lang ang nasagot ko at sinubukan kong ipikit ang mga mata ko.

Unti unti kong nararamdaman ang paglapat ng labi niya sa noo ko.

"Aalis na ako."

Then I heard the door close.

****************

"Hellooooooooo!" Sabay sundot sa tagiliran ko.

"Ay palaka!"

"Aaaaray! Kuya naman eh." Bigla kaming nagkauntugan ng noo. Nasapo ko agad ito dahil bigla nalang akong nahilo.

"A-ano ba kasing ginagawa mo d-dito?" Inis kong sabi. Bakit ba ang hilig nitong mang istorbo ng taong natutulog.

Ang ganda na sana ng panaginip ko...

"Hindi ba pwedeng dalawin ang 'napakaganda kong pinsan'?" Pang uuto niya sakin. Halatang pilit pa talaga ang compliment niya sakin. Sa palagay niya gamot yun kapag nagkabukol ako?

Akala niya siguro ay madadala niya ako sa pagpapakyut niya sa harap ko. May pa kindat kindat pa siyang nalalaman na akala mo ay isa ako sa mga taga hanga nang kanyang 'magwapong mukha'.

Pinagkrus ko naman ang braso ko at tinignan ko siya ng pagtatanong. Baka siguro ganyan siya ay marahil may kailangan siya sakin. Kaya dapat hindi ako magpapadala nalang basta basta.

"Kuuuuyyya! Nakakadiri ka. Hindi kita crush para kindat kindatan mo. Ewww!" Halos ipagtabuyan ko nalang siya sa kwarto ko dahil sa ginawa niya.

"Oyy! Oyy! Abah. Tumahimik ka jan at mukhang gwapo pa ako sa jowa mo." Dinuro pa ako para mapagmalaki lamang ang kanyang physical na itsura.

Kahit hindi tayo magpinsan ay hinding hindi ako magpapansin sa kanya. Ano ba kasing nagustuhan ng bestfriend ko dito?

"Hmmft. Kaya ka siguro nandito dahil may kailangan ka."

"H-ha wala ah. M-may dala lang talaga akong favorite mo!"

"A-Ano bang favorite ko?"

"Yung ice cream na may tadtad ng strawberry!" Pasigaw niyang sabi at take note with actions pa.

Falling Inlove With You (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang