CHAPTER 43 *

1.4K 22 0
                                    

Chrysstall's POV...

"Hello Keith?" Kunot noo kong tanong.

"A-ano? Anong Keith ka jan. Hoyy Chrysstallina. Abay gising din kung minsan ah?" Singhal sakin ng caller kaya naman tinignan ko naman ulit yung phone ko.

Ha? This can't be. Sigurado akong nakita ko kanina yung pangalan niya.

Nasapo ko ang sentido ko dahil sa pagkapahiya. Dismayado anman ako napabalik sa tenga ko ang telepono. Nagmamadali akong sagutin kasi ito dahil akala ko siya na. Umasa lang pala ako.

d-,-b

"Im sorry. Hindi ko na kasi natignang mabuti, nagising lang ako bigla."

"Nag away ba kayo?"

"It was just a misunderstanding." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at nang hindi ako maging emosyonal. Ayokong may ibang tao pang nag aalala tungkol sa problema ko.

"By the way. Tumawag ako kasi I just want to invite you to my Party next week. Wag kang mawawala dahil magagalit talaga ako sayo." Tonong parang bata. Nakakatawa siya.

Kailan pa ba ako nawala sa birthday ng bestfriend ko? Siya pa ba ang matitiis ko na laging nandyan orada mismo kapag kailangan ko?

"Okay. I'll be there kahit hindi mo ko yayain." Biro ko sa kanya.

Tumawa siya "Alright. Invited rin ang mga Monteflor. I miss you so much. See you."

"Same here. I miss you." Sabay putol ng linya. Muli kong binagsak ang sarili ko sa kama.

Muli akong tumitig sa telepono. Niloloko ba ako nito? Bakit iba yung pangalan na nakita ko kanina? Tsk.

Praning na naman ba ako? Dala lang to siguro ng antok.

Hindi ba niya talaga ako papansinin? Alam ko naman na mali ang naabutan niya samin. Umpisa palang ay may mali na samin ni Matthew. Hindi ko alam kung paano ako makapagpaliwanag sa kanya. I can let him go.

☆K☆I☆N☆A☆B☆U☆K☆A☆S☆A☆N

Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa katitig sa phone ko nagbabakasakaling tumawag naman siya. Hanggang pumutok na ang araw ay wala pa rin siyang text or tawag.

Bumangon na ako't naligo para kahit papano magising ang diwa ko. I'll keep my self busy in making designs. Kailangan kong makagawa ng magandang designs dahil final project na namin ito at kailangan na maipapasa namin which is our Dream Fashion Botique/Shop. Hindi ko na muna ininda ang phone ko wala akong iisipin ngayong araw kundi ang mag focus lang sa gagawin ko.

Sa baba na ako gagawa ng project ko dahil mas maaliwalas doon. Sinuot ko ang anti-radiation glasses ko kahit papano ay hindi masyadong mapagod ang mata ko sa kakatutok sa laptop ko. Yung mata ko na siguro ang may problema at hindi yung cellphone ko.

"Honey. When will be our exact flight to America?" Dinig kong tanong ni Mama.

Hindi ko manlang namalayang umuwi sila kagabi kahit dilat na dilat yung mata ko.

"By april honey pwede na tayong umalis. I just need to be sure na maayos ang pagpapatakbo nang company under the management of Christian." Sagot naman ni Papa.

Dumaan na muna akong dining bago pumuntang study table malapit sa sala. Nag aagahan na sila Mama at Papa kaya naman ipinatong ko na muna ang gamit ko sa table tsaka tinungo ang dining.

"Oh Hija. Lets eat. Tinanghali ka ata." Komento ni Mama.

Tsk. As always inuusisa ang paggising ko hindi na daw kasi maganda ang tinatanghali ng gising malapit ka daw sa sakit niyan. Dumeretso ako sa kanila at humalik sa pisngi bago umupo. Bacon, Egg, Hotdog and Sandwich for breakfast. Oh great. But I prefer to eat rice.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now