CHAPTER 77 *

1.2K 24 2
                                    

Keith's POV...

YEAH. GOOD MORNING JULY...

Nakakapagod na nakakaistress ang araw na to. Wala ako ngayong office hours dahil na din sa gagawing event na kailangang nandoon.

"We'll see each other again later." Napapangiti naman ako sa naiisip ko.

Isang tao lang naman ang gusto kong makita araw araw. Napapagod rin akong magtago sa isang sulok sa tuwing makikita ko siya at pinagmamasdan sa malayo. Kahit na gusto ko pa siyang lapitan ay hindi ko magawa dahil sa ayaw niya akong makita. Ibang iba na siya ngayon kumpara noon. Maraming nagbago sa kanya.

Ganun ko na ba siya nasaktan upang magbago ng husto? Masakit isipin na pinamumukha na niya sayong hindi ka na karapat dapat. Ngunit ako tong lapit parin ng lapit.

Ang karma kasi parang teleserye eh, kung hindi showing malamang coming soon.

"Kaya mo yan. Wag mo lang siyang pansinin." Mukha akong tanga kakausap ng sarili ko sa mirror ng kotse ko. Parang kinakabahan ako na ewan sa hindi ko malamang dahilan. Sanay naman akong makita siya ngunit bakit ganito ang nararandaman ko sa tuwing papalapit na ako ng papalapit sa kanya?

Bumaba na ako ng kotse at sinuguradong nakalock na ito bago tuluyang pumasok sa Montesorie.

"Good morning Sir." Bati sakin ng guwardiya pagpasok ko sa gate.

Agad kong inilibot ang mga mata ko. Medyo marami nang tao dito sa school. May naghahabulang mga bata at yung iba naman ay umuupo nalang. Dumeretso na ako ng gym dahil malapit nang magsimula ang program na 'Parents Day'.

"Good Morning Sir. Kindly occupy this seat provided." Giya sakin ng babaeng staff rin dito sa school. Dumeretso ako sa natukoy niyang upuan.

"Hahah. Good morning hijo." Bati sakin ng isa sa kasamahan kong stockholder ng eskwelahang ito.

"Good morning Sir." Nakipagkamay pa siya sakin na para bang tatakbo sa pagkamayor.

Hahahaha just kiddin'

"Ah yeah. Have a seat."

"Thanks." Nahihiya ko pang tugon sa kanya. Medyo nasa katandaan na siya siguro nasa 50's na siya base sa kanyang itsura.

Well designed yung stage nila at ang ganda ng kanilang concept. Yung iba naman ay busy pa sa pag aayos ng kanilang mga sash para sa mananalo sa game at kasama yung prizes na ipamimigay nila.

"Tito Fith." Napalingon naman ako agad sa pinaggalingan ng tawag na iyon. Alam ko na agad kung sino yun.

"Hello little boy." Agad ko namang ginulo ang buhok niya. Umakyat naman siya sa tabi kong upuan para mapantayan ako. Inalalayan naman siya ng Mommy niya.

Napangiti naman ako sa kanya ngunit kusa siyang umiwas ng tingin sakin. Bakit ba sa tuwing magkikita kami lagi niyang ginagawang awkward ang sitwasyon?

"Andito rin pala kayo?"

"Of course. I wanna see you play."

"Where's your Dad? Is he coming too?"

"Yes. He promised me." Piningot ko naman ang ilong niya. Ang cute ng suot nila. Yun bang pinaghandaan talaga nila ito at kulay blue na stripes Nakaprint kasi yung cartooned family na my nakasulat na 'Happy family, Happy Life' may hood pa ito.

"I'll watch you later kiddo'." Nakakapanggigil talaga tong batang to. Namimiss ko siya sa tuwing hindi ko makita.

"Anak. Kailangan na nating pumunta sa lane natin." Si Chrysstall.

Falling Inlove With You (EDITING)Where stories live. Discover now